Chapter 29

2.1K 70 15
                                    

Nalate ako nang pasok sa first subject ko kaya sumama nalang ako kila Elle, Trigger, Jigger at Dylan, tumambay. Mamay pa kasi klase nila.

"Oh? Di ka pumasok?" agad na tanong ni Jigger pagkapasok ko.

Napatingin naman ako don sa isang grupo ng mga babaeng HRM sa gilid. Ang aarte, sheyt!

Umirap ako at sumimangot kay Jigger habang paupo sa tabi nya, "Late na ako, eh." ngumiwi naman si Elle sa sagot ko tsaka nagiwas ng tingin.

Kumunot lalo ang noo ni Jigger, "Bakit hindi ka parin pumasok kahit late ka na?" iritadong sabi nya.

"Patay, LQ." rinig kong bulong ni Dylan.

"Eh alam mo namang ayaw na nya pumasok ang mga late, eh." katwiran ko. Totoo naman, kahit sabihin mong 5 mins ka palang late, ipapahiya ka nun sa buong klase tsaka papaalisin.

"Kahit na. Hindi mo pa naman nasusubukan pumasok, eh." hinawakan ko naman ang braso nya pero iniwas nya.

"Aba!" gulat na sambit ko. Umirap din ako, "Sige! Wag mo akong hahawakan, ha. Pag hinawakan mo lang ako, sasampalin kita!" iratadong sigaw ko.

Ano yon? Nandidiri sya? Eh kung sapakin ko kaya sya ngayon dito? Pag sya ang hindi pumapasok, kunting sermon ko lang, okay na kami. Pag sya, kailangan iiwas pa ang kamay? Leche!

Natahimik kami pagkasabi ko non. Tignan natin kung sinong hindi makakatiis, Byun. Kilala kita, tss.

"Ang weird ng mga Compsci no?" rinig naming sabi ng isang babae sa BA.

Nagulat naman sila Elle kasi Compsci sila, nagtakip ng bibig si Trigger, "Aw! Weird daw natin." bulong nya habang tumatawa. Hindi nila napansin na Compsci mga kasama nila sa room kasi hindi naman nakauniform sila Elle.


"Kasi nung isang araw, hinarang ako ng isang Compsci." sabi pa nya, tinignan ko naman sya kung may binatbat ang mukha nya sa akin, okay naman. Okay nang patayin.

"Anong itsura? Kasi mga Compsci parang mga nerd. Puro kasi sila Computer, kaya nakasalamin." ay si ate, daming alam. Maraming hot sa Compsci, si Irene, Elle, Joy, Yeri, Wen, Seul, Ika, Chad, Der, Dylan, Trigger at ehem ang Jigger ko!


"Hmm, pogi! Kaso hindi ko type." aniya, ay gandang babae, bigti ka na te!

"Ang weird talaga nila. Akala mo kung sinong matatalino, puro sa Computer lang naman ang kaalaman nila." biglang tumayo si Elle. Hinawakan ni Dylan ang kamay nya.

"Oh tama na. Wag mo na patulan." aniya kay Elle.

"Anong sabi nyo?!" iritadong tanong ni Elle sa mga babae.

"Weird nang mga Compsci, jusko! Feeling Google, feeling daming alam eh mas matalino pa nga ako sa kanila, eh." sagot pa nila. Ano bang akala nila? Porket nakauniform ako ng Accounting, accounting din sila?

"Iisa lang ang humarang sayo, nilalahat mo na. Nilalahat mo na kami." aniya tsaka tinuro sila Jigs.

Napanganga naman sila. Oh ano? Weird ka pa, ah. Ano ka ngayon? Edi laglag panty mo! Wala pa nga iyan sa kalahati, meron pang mga natitirang Compsci.

Nakayuko naman silang umalis ng room. Pahiya, eh. Tumingin sa akin si Jigger, tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Tss, bati na tayo! Ikaw kasi, eh." aniya, napangiti ako, "Sa susunod itry mo kung makakapasok ka ha? Sayang kasi, eh." tumango ako.

Blanko naman kaming tinignan ni Trigger, "Kung sana ganyan lang kadali ang lahat ng away."

Ngumisi ako sa kanya, "Magiinterns pala next year si Irene sa ByunTae's company." sabi ko.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon