Chapter 25

1.9K 59 19
                                    

"Oo, masaya ako." aniya, napatitig lang ako sa kanya, wala namang bakas ng pagkamasaya niya.




Binuksan niya iyong sasakyan niya, pumunta siya driver's seat pero napatigil siya nang makitang hindi ako gumagalaw.





Nagbuntong hininga siya tapos bumalik sa akin, hinila niya ako tapos tinulak papasok sa sasakyan niya. Nakaupo lang ako don at nakatingin sa bintana.





Napansin 'ko naman ang pagtitig niya habang binubuhay iyong sasakyan niya. "Louise.." tawag niya. Napatitig ako sa kanya pero hindi pa rin nagsasalita, lumunok siya tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi 'ko. "Magsalita ka naman. You're freaking me out."




Hindi na ako nakapagpigil at nasampal 'ko siya. Tumulo ang mga luha 'ko, "Nakakainis ka kamo!" sigaw 'ko sa kanya tapos pinagsusuntok siya. Hinuli naman niya ang kamay 'ko tapos niyakap.




"Tss, wala lang 'yon." anong wala? Halos magmake-out na nga sila doon! "Hindi mo kasi ako pinigilan." parang batang sabi niya. Binatukan 'ko naman siya at sinamaan ng tingin, pinunasan niya ang mga luha 'ko.



"Sabi mo masaya ka!" inis na sigaw 'ko sa mukha niya.



"Laway mo." pabirong sabi niya pero hindi ako natawa kaya nagseryoso siya, "Sarcastic, Louise." nakataas ang isang kilay niya na parang sinasabi, ang tanga tanga 'ko.




"Ikaw ang tanga!" wala sa sariling sabi 'ko. Napakunot noo naman siya at hindi malaman kung anong connect ng sinabi 'ko. Lumunok ako and I looked away, "Globe tattoo." sabi 'ko bago pa nya matanong kung anong connect!




Tumawa siya, "You're crazy." aniya kaya napatingin ako. Hindi galit kundi parang nadismaya, sumimangot ako. Baliw ako, tapos?





"Hindi mo na ako gusto?" tanong 'ko. Pinitik niya ang noo 'ko kaya napahawak ako don, "Punyeta Jigger, ah!" sigaw 'ko.





Sumimangot siya. "Baliw ka, at yun ang dahilan kung bakit kita mahal." napanguso ako pero nakangiti samantalang siya, nakasimangot parin. "Ginagawa mo nga din akong baliw." ang cute ni Jigger! Minsan lang magtantrums.




Nginisian 'ko siya, "Matagal ka nang baliw." tinignan niya ako ng masama. Oh god, Jigger! Mahahalikan kita nang wala sa oras sa pagiging cute mo.




"Binaliw mo ako. Baliw na baliw ako sayo, gusto 'ko akin ka lang. Ako lang." ginulo niya ang buhok niya, natigilan siya nang marinig niya akong tumawa. Sinamaan niya ako ng tingin habang gulo-gulo iyong buhok niya. "Nakakainis ka naman, eh!"



Ngumiti ako. "I want to kiss you." wala sa sariling sabi 'ko, napawi ang ngiti 'ko. Ano bang sinasabi 'kooooo! Ngumisi siya. "Ayoko! Don't!" sigaw 'ko nang papalapit na siya.



Umayos naman siya ng upo at sumeryoso, ano ba talagang problema niya kanina at naging cold siya? Tanong 'ko kaya? Wag na, baka bumalik nanaman siya sa gano, nako. Muntik 'ko na siyang masapak kanina, eh. Punyeta silang dalawa ni Jael.



Sige na nga, itatanong na. "Bakit.. Bakit ang sungit mo kanina?"



Tinignan niya ako ng seryoso. "Gusto mo talaga malaman?"




"Duh! Itatanong 'ko ba kung ayaw 'ko malaman?" hinawakan niya ang ulo 'ko tapos ay hinalikan ang noo 'ko.




Bummuntong hininga siya. "Kanina naging rude ka kay Mae. Tapos--" hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya nang gulat 'ko siyang tinignan.




The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon