Chapter 47

1.6K 68 11
                                    

"Umuwi ka na kaya?" seryosong sabi 'ko sakanya habang sya naman ay nakangisi sa akin.

"Ayoko pa." humiga sya sa couch at nanuod nang TV. Tulog na si Zech sa kwarto kaya wala na syang pagkakaabalahan pa dito.

"Balik ka nalang bukas. Papayag naman ako, e." umupo naman ako.

"Ayoko. Dito na ako titira." nakangisi pa din nyang sabi habang nakatitig sa TV.

Inirapan 'ko sya. "Hindi ako makakilos nang maayos kung nandito ka,"

"Bakit ba? Wag mo nga kasi akong pansinin. Kunyare wala ako."

Hindi naman kasi ganun kadali 'yun! Naiilang kasi ako tuwing tinitignan nya ako. Shocks.

"Wala ka bang trabaho?" iritang tanong 'ko.

"Leave. Ikaw?" at nagawa pa nyang magtanong!

"Meron, kaya pwede ba umalis ka na?"

"Edi sakto! Walang magbabantay kay Zech! Ako nalang," sinulyapan nya ako.

"Iuuwi 'ko sya kila mama." magtataka sila kung sakaling hindi 'ko ipunta doon si Zech.

Sumeryoso sya. Nagpabalik balik ang tingin nya sa akin at sa TV.

"Oh bakit?" tanong 'ko. Hindi kasi sya mapakali, parang may gustong sabihin.

"H-hindi pa ba nila alam?" tanong nya. Umiwas ako nang tingin. Alam nila mommy, kaya nga kung pwede ayokong makita nila si Jigger.

"Umuwi ka na," tumayo ako para pumunta sa balcony.

Sumunod naman sya habang bumubuntong hininga.

"Louise," tawag nya pero hindi ako lumingon. Huminto lang ako nang marating 'ko na ang balcony at hindi 'ko parin sya nililingon.

"Lahat gagawin 'ko. Lahat gagawin 'ko para sa inyo. Just tell me," hinawakan nya ang braso 'ko.

"It's too late, Jigger. May masasagasahan na tayong tao!" galit na sabi 'ko.

Yumuko sya. "Anong gagawin 'ko?" inangat nya ang ulo nya at tinignan ako, tinatanong kung anong gusto kong gawin nya.

"Gawin mo ang sa tingin mo ay tama." dahil in the end of the day, kaligahan nya parin ang mahalaga.

"Gusto 'ko sainyo." mahinang sabi nya.

Sinuklian 'ko ang titig na kanina nya pa binibigay sa akin. "Pero hindi 'yun ang tama! Masasaktan mo si Ayu."

Tumahimik sya pero nakatitig padin. Ginulo nya ang buhok nya, at halatang hindi nya alam ang gagawin nya.

"Mahal mo ba talaga si Ayu?" tanong 'ko. Lumunok ako, hindi ako pwedeng masaktan sa isasagot nya!

Matagal bago sya sumagot. "Mahal 'ko sya." kasabay nang pag amin nya ay ang pagtulo nang luha sa mga mata 'ko.

"Yun naman pala, e. Bakit pinipiliit mo padin sa amin? Nabuhay naman kami nang wala ka, so don't worry."

"Pero mas mahal 'ko kayo." napailing nalang ako. Ang gulo mo, Jigger! Napakagulo mo.

"Hindi nga pwede," pumipiyok na sabi 'ko.

"Pwede! Ipipilit 'ko. Maiintindihan tayo ni Ayu. Mabait na tao si Ayu, kaya nyang intin-"

"Oo nga! Mabait nga na tao si Ayu, hindi nya deserve masaktan!" sigaw 'ko.

"Hindi 'ko alam ang gagawin 'ko! Sabi mo, gawin 'ko ang sa tingin 'ko ay tama. Kayo ang pipiliin 'ko. Kayong dalawa ni Zech."

"Wag mo kaming piliin dahil may anak tayo, hindi 'ko naman sya ipagkakait sayo." pumikit sya sa pagkairita.

Dumilat sya, "Mahal nga kasi kita!" sigaw nya.

Hindi 'ko magawang magsalita. Hindi 'ko alam kung paniniwalaan 'ko sya. May girlfriend syang tao, may anak kami, malaki talaga ang panalo 'ko.

He looked away, "Hindi ka nanaman naniniwala," bumaba ang tono nang boses nya.

Hindi ako makahanap nang tamang isasagot sa kanya.

"Tsk," mabilis nyang hinawakan ang magkabilang pisngi 'ko at siniil ako nang halik.

Hindi 'ko magawang itulak sya dahil hanggang ngayon ay hindi padin napaprocess sa utak 'ko ang mga nangyayare ngayon.

Bumitaw sya pero malapit padin ang mukha nya sa akin at ramdam 'ko ang hininga nya sa labi 'ko.

"Mahal 'ko si Ayu, pero mas mahal kita." aniya sa tonong nanlalambing.

"Wag mong sabihin na rebound mo lang si Ayu." tinitigan 'ko sya nang masama.

"No! Hindi. Mahal 'ko talaga sya pero lintek! Sayo talaga ako." binatawan nya ako at nagiwas sya nang tingin.

Hindi 'ko napigilang tumawa nang makita 'kong namumula ang pisngi nya.

Iritang nilingon nya ako, "Louise, please..." nakikiusap sya na tigilan 'ko na ang pagtawa.

"Sige na, umuwi ka na."

"Bukas promise, ipapaintindi 'ko kay Ayu ang lahat, okay? Hintayin nyo ako." hindi 'ko magawang tumango sa kanya dahil iniisip 'ko din ang kalagayan ni Ayu.

Hinalikan nya ang noo 'ko at umalis na sya.

Jigger's POV

Hinalikan 'ko sya. Wala akong magawa, kanina pa ako nadidistract nang labi nya.

Hindi naman sya gumalaw kaya bumitaw na din ako. Tinitigan 'ko ang labi nya.

"Mahal 'ko si Ayu, pero mas mahal kita." dahil iyon ang totoo. Kahit anong gawin nya sa akin, sya at sya padin ang gusto 'ko.

"Wag mong sabihin na rebound mo lang si Ayu." tinitigan nya ako nang masama. Hindi 'ko ginawa or inisip na rebound 'ko lang si Ayu.

"No! Hindi. Mahal 'ko talaga sya pero lintek! Sayo talaga ako." binatawan 'ko sya at umiwas nang tingin. Tae! Ang init! Yumuko ako pata hindi nya makita ang mukha 'ko.

Lalo akong namula nang marinig 'ko ang tawa nya. Tangina talaga!

Iritang nilingon 'ko sya. "Louise, please..."

"Sige na, umuwi ka na."

"Bukas promise, ipapaintindi 'ko kay Ayu ang lahat, okay? Hintayin nyo ako." hindi sya tumango pero alam 'kong hihintayin nila ako.

Hinalikan 'ko ang noo nya at umalis na. Babalik ako bukas na bukas, buong buo at hindi na pagmamay-ari nang iba.

Pagdating 'ko sa bahay sampal ni mommy ang bumungad sa akin. Hindi 'ko nagawang gumalaw. I think I deserve that.

"Nasan ang apo 'ko?" galit na sigaw nya. Napatingin ako kay mommy. Paano nya nalaman?!

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon