Chapter 19

1.7K 70 21
                                    

Maikli lang ito, Vote, Comment and Enjoy! Sa Comment ako titingin, huh? :)))







"Louise, sama ka?" ulit na tanong ni Mae. Irita 'ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.











"Ayoko." isang irap pa ang pinakawalan 'ko sa aking mata. Tinitigan naman ako ni Jigger, isa ka pa, eh!











Nang nakadalawang ring ang telephone ay sinagot 'ko agad iyon, "Hello, SIS Division."












"Elle 'to." nagulat naman ako at napalingon kay Jigger. Nakakunot ang noo niya na parang tinatanong kung sino iyong tumawag.











"Tumawag ka nalang sa number 'ko, Elle." ibaba 'ko sana kaso humalakhak siya.











"Gaga! Kunin mo 'tong CPU niyo dito. Hindi naman ako tanga na tatawag sa telephone ng NBI 'no!" napasimangot ako. Bakit ang galing mantrip ni Elle? Lagi nalang akong pinagttripan!














"Leche ka, don ka na nga kay Chad!" napalingon naman ang dalawang nageencode sa akin. Inirapan 'ko lang sila, nagulat siguro dahil nagmura ako.









"Kunin mo na! Dalian mo. OJT ka tapos ang bagal mo!" halakhak na sabi niya.










"Eh kung binaba mo na 'tong tawag diba? Ay don't worry, ako nalang. Bye!" binaba 'ko na iyon saka tumayo.










"San ka pupunta?" tanong ni Jigger. Hindi 'ko naman siya pinansin at tuloy tuloy nang umalis, magsama kayo nyang Mae mo!









Nakasalubong 'ko nanaman iyong nasa Office nila Elle, "Andito ka nanaman?" Aniya sa akin.











"Maglinis ka na! Binabayaran ka dito tapos ay wala ka namang ginagawa." inirapan 'ko sya. Tumawa naman siya at binuksan iyong pinto ng Office nila Elle, nasalubong 'ko agad ang ngisi ni Elle sa akin.









Lumapit ako sa kanya tapos ay mahina 'ko siyang sinabunutan.









Hinawakan niya ang kamay 'ko. "Sir, sinasabunutan ako ng taga SIS, oh!" sumbong niya sa Sir nila. Nilingon niya ako kaya ngumiti ako at tinanggal ang kamay kay Elle.











"Mamaya ka sa akin, Huang." tumawa naman siya at sinulat iyong serial number ng CPU.











"Ay nga pala, mag dinner kami mamaya sa Rob Manila, sama kayo?" tanong niya. Naalala 'ko naman iyong dinner ng dalawa, it's better kung kila Elle ako sasama.











"Sure, tutal may ka-dinner ngayon si Jigger." tinignan naman niya ako.








"Jealous much! Edi isama natin sila." aniya.








Sinamaan 'ko siya ng tingin. "I don't like that idea, Elle." ngumiti lang siya tapos tumingin sa may likod 'ko kung nasaan ang pinto palabas.








"CR lang ako." paalam niya. Hinawakan 'ko naman ang braso niya.









"Sama ako!" lumabas kami sa Office nila. Merong CR malapit sa elevator kaso mas pinili niya doon sa may malapit sa fire exit. Kumunot naman ang noo 'ko, "Mas malapit doon, ah? Bakit dito tayo?" tanong 'ko.










The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon