Chapter 11 (Revised)

2.3K 82 6
                                    

"Tara, Louise!" Hinila ako ni Jigger palabas ng bahay.

Kagagaling lang namin sa school kasi kumuha kami ng Grades.

"Saan kayo pupunta?" Ayan na si Kuya, tsk tsk!

Hapon na hapon kasi kung ano-ano trip netong punyetang 'to.

Tumigil sya pero nakahawak parin siya sa wrist 'ko, "Kakain lang kami sa labas, Kidlat." Aniya. Napakunot naman ng noo si Kuya.

"Pwede kayong magpaluto kay Manang." Sabi nya, oo nga. Pwede naman! Tinatamad din ako maglakad-lakad ngayon, e.

"Babalik din kami! Huwag ka nang KJ dyan, Thunder. Bye! Tutulungan naman kita doon sa nililigawan mo." Wala nang nagawa si Kuya kasi pagkasakay namin ng sasakyan ay pinaharurot agad iyon ni Jigger.

"Sinong nililigawan ni Kuya?" Tanong 'ko.

"It's a boy thing, Louise." Napataas ang kilay 'ko. Tumingin sya sa akin saglit at tumawa, "Don't worry, wala lang iyon."

"Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi lang tayo kakain, alam 'ko." Sabi 'ko at tumingin sa dinadaanan namin.

"Hulaan mo." Aniya. Umirap lang ako, paano 'ko mahuhulaan?

"Eyes on the road, Mister!" Banta 'ko. Tumawa naman sya at ibinalik ang tingin sa daan. "Saan ba kasi tayo?"

Tumawa sya, "You'll see." Sabi nya. Pinark nya yung sasakyan sa loob, Resorts World?

Nanlaki ang mata 'ko nang marealize 'ko kung saan kami pumunta. "REPUBLIQ!" Sigaw 'ko. Tumawa naman sya at kinuha ang kamay 'ko at hinila papasok.

Wednesday and Friday ang magandang pumunta dito, unless you are really into house music, then you'd like Saturdays. Wednesday ngayon kaya free entrance to all students, galing lang kami sa school kanina kaya dala namin ang ID namin.

"Jiggerboy!" Sigaw ni Liam nang papalapit kami sa table nila. Nakaupo sila sa parang paikot na upuan. Hinawakan ni Jigger ang balikat 'ko at pinaupo ako sa tabi ni Liam.

"Buti sumama ka?" Ani Jem sa akin. Ngumisi naman ako at tumingin kay Jigger.

"Hindi 'ko naman alam na dito ang punta namin," sabi 'ko.

Nakipag-bro fist si Jigger sa mga kakilala nya.

Tumawa si Liam at inilapit nya ng mukha nya sa tainga 'ko para bumulong. Malakas kasi ang musics, "Saan ang sabi nya?"

"Sabi nya ay kakain lang daw kami." Bulong 'ko sa kanya. Nagulat ako nang napataas naman ng dalawang kamay si Liam. Tumingin ako sa tinitignan nya, si Jigger na galit.

"Chill lang! May tinanong lang ako." Tumatawang sabi ni Liam. Nanliit ang mata 'ko nang dumampot si Jigger ng sigarilyo at sinindihan ito.

"Byun!" Sigaw 'ko pero hindi niya ako pinansin.

Lumapit ako sa kanya at hinablot ang sigarilyo.

"Ano ba?!" Galit na sabi nya. Binato 'ko naman sa mukha nya iyong sigarilyo.

"Sige, manigarilyo ka, aalis ako!" Sigaw 'ko at akmang aalis na pero hinawakan nya ang kamay 'ko at sabay kaming umupo.

"Tss, hindi na..." Parang batang sabi nya.

"Whoa?" Gulat na sigaw ni Liam at nagsindi ng sigarilyo nya.

Binato naman sya ni Jigger ng pulutan.

Makalipas ang ilang oras ay namumula na si Jigger, "Kaya mo pa?" Tanong nya sa akin. Seriously? Sa akin talaga? Mukhang para sa kanya, e.

Tumango naman ako, "E ikaw?" Humilig naman sya sa balikat 'ko. Hilo na 'to. Sinasalo kasi nya ang bawat shots 'ko kaya siguro ang bilis nyang mahilo.

"Amoy yosi dito, labas tayo?" Tumango ako. Lumabas kami at pumunta sa loob ng sasakyan nya.

"Urgh. My head hurts!" Sigaw nya at humilig sa balikat 'ko, hinayaan 'ko naman sya at hindi gumalaw para hindi sya ganoon mahilo.

Inangat nya ang tingin nya sa akin at umayos nang upo, "Can I kiss you?" Natawa naman ako, kailangan pa bang magpaalam?

Bago pa ako makasagot ay hinalikan na nya ako. Hindi 'ko alam kung ano ang nararamdaman 'ko sa oras na ito. Takot? Saya? Butterflies sa tyan?

Oo, takot. Takot akong, ako ang una. Takot akong iwan nya ako kung kailangan hulog na ako at wala nang pag-asang bumangon pa.

Sana lang pag dating nang araw na iyon ay masalo nya ako. O 'di kaya nama'y sabay kaming mahulog.

Masakit pero masaya kasi magkasama kayo.

Tumigil sya at pinagdikit ang noo namin, "Hindi 'ko na maintindihan ang sarili 'ko..." Naguluhan ako sa sinabi nya, lumayo sya sa akin at nagiwas nang tingin.

"It's like, I'm not Jigger Byun, anymore. Hindi 'ko kayang pigilan ang sarili 'ko. May mga bagay akong ginagawa na hindi 'ko naman gingagawa noon." Tumawa sya, "Damn! I think, I'm inlove." Bumagsak ang balikat 'ko. Inlove sya? Kanino? Akala 'ko ay kasama 'ko sya sa pagkahulog ngunit mukhang magisa lang ako habang sya ay sa iba mahuhulog.

Napakagat ako sa labi sa sobrang sakit ng dibdib 'ko. Walang nagsasalita sa amin. Paano na ako?

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo 'ko at dibdib. Pagkatapos noong sinabi ni Jigger ay hinatid nya ako ngunit wala na nagsalita ni-isa sa amin.

Tumunog ay phone 'ko kaya sinagot 'ko, "Hello?"

"Hoy babaita! Pupunta tayong White House ngayon! Pauwi na kasi sila Mommy kaya bago sila makarating dito sa bahay ay nasa byahe na tayo papunta doon." Tumatawang sabi ni Elle.

"Tapos?" May sakit ako ngayon.

"Gaga! Tapos ay dumiretsyo ka na dito kila Sky!" Napabangon naman ako, nandito si Sky?

"Kasama ni Sky si Tey!" Narinig 'kong sabi ni Chad, "bwisit ka! Ikaw kausap?" Narinig 'ko pa silang nagaaway ni Elle. Binabaan 'ko naman siya at naligo na agad. Pagbaba 'ko ay nagulat ako kasi andito si Jigs.

"I guess, nasabihan ka na nila?" Tanong nya. Tumango ako, "Sabay na tayo." Aya nya. Inaya din namin si Kuya kaso tumanggi sya, sabi nya ay uuwi na daw sya sa kanyang condo ngayon dahil pabalik naman na sila Mommy.

Pagkarating namin kila Sky, nandun na si Teysia, Elle, Verns, Chad, at Cupid.

Sunod na dumating ay si Dylan at Irene, "Yo! Asan sila Ika?" Tanong nya at nakipagbeso-beso.

"Di pa dumadating, e..."

Napatingin naman ako sa hagdan at nandun si Sky. Sa aming lahat ang pinakaclose nyan ay si Irene.

"Dahil daw kay Cupid, kasi bitter ka daw." Napasimangot ako sa sinabi ni Elle. Ilang beses na akong nakipagaway dahil doon, alam 'kong nasaktan si Tey pero hindi naman tama na ichismis nilang iyon nga ang dahilan.

"Ako bitter? Tawanan nalang natin sila!" Sabi nya. Hindi naman sya Bitter, nasaktan lang talaga sya, iniisip 'ko nga, mararanasan 'ko ba iyong sakit na naramdaman ni Tey?

Napatingin naman ako kay Jigger na nakikipag daldalan kila Sky. Oo, at alam 'kong malapit na.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon