Chapter 41

1.5K 63 13
                                    

Naguusap usap na sila about sa pagbisita nila ngayon sa condo 'ko. Tulala lang ako at iniisip kung matutuwa kaya si Jigger? Kung matatanggap kaya nya? Kung ayaw nya? Kung hindi padin nya mahahalata?

"Wag nalang kaya? Nakila Mommy si Zech, e." ngumisi ako ng pilit.

"Ano ka ba! Pwede namang sunduin, e. Tapos overnight kami dun." ngiti ni Joy.

"Pano namam yung mga anak nyo, Irene, Joy?" umirap ako sa kanila.

"Uuwi din kaming maaga! Ayaw mo ba?" tanong ni Trigger.

Umiling ako. Hindi naman talaga kaso... Tinignan 'ko si Jigger, nahuli 'ko syang malalim ang titig sa akin pero nung tumingin ako sa kanya agad nyang binalingan si Chad.

Bigla namang nagring 'yung cellphone nya kaya nagexcuse sya.

"Be, ano? Takot ka na baka magkita na sila ni Jigger?" tanong ni Wendy ng makaalis si Jigger para sagutin ang tawag.

Tumingin ako sa kanilang lahat, "Oo. Paano kung hindi padin sya maniwala?"

"Gago nalang sya kung hindi. Malakas dugo namin, alam 'kong kamukha nya 'yun." ani Trigger.

"Kamukha nya nga ba?" tanong ni Kyup.

Mabilis naman akong tumango. Kamukhang kamukha.

Naputol ang usapan namin ng biglang dumating si Jigger na nakangiti.

"Hoy, ano yan? Bakit ka nakangiti?" tanong ni Elle. Nilapitan naman sya ni Jigger saka inakbayan.

"Masama?" tumingin sya sa amin, "Hindi pala ako makakasama."


"What?" sigaw ni Verns.

"Oh bakit? Nasa akin ba ang lampin at diapers ng baby ni Louise?" sarcastic at tumatawa nyang sabi.

"Bakit hindi ka makakasama? Sino ba 'yung tumawag sayo?" tanong ni Ika. Nagngitian naman sila na parang alam na nila kung ano yun.

"Papakilala 'ko sainyo bukas!" aniya. Tinitigan 'ko lang sya habang nakangiti padin. May bago na ba? Paano na ako? Paano na kami?

"Seryoso ba yan?" tanong ni Dylan.

"Seryoso na ako dun, pre." so wala na palang saysay kung sasabihin 'ko pa sa kanya 'yung about kay Zech. Pero kung gusto nya, hindi 'ko naman ipagkakait ang anak namin.

Ginulo ni Trigger 'yung buhok nya. Tumingin sya sa akin saka kay Jigger, "Tang ina mo! Ang gulo mong gago ka! Umalis ka na nga dito!" iritang sabi nya.


"Luh, problema mo?" takang tanong ni Jigger.

"Beast mode lang yan. Sige na! Alis! May lakad din kami!" sabi ni Rene.

Naging maayos naman ang pagpunta nila sa condo 'ko ng wala si Jigger. Panay ang sabi nila na xerox copy nga daw ng tatay. Hindi nadin nila pinagusapan si Jigger, hindi 'ko alam kung dahil ba sa akin o ayaw talaga nila.

Kinabukasan, pupunta naman kami sa bahay nila Jigger, ipapakilala nga daw sa amin 'yung kasama nya kagabi.

"Aalis ka nanaman?" tanong ni Mark habang nakain.

Inayos 'ko ang hikaw sa tainga 'ko, "Oo." sumimangot ako, "Ngayon nga daw ipapakilala ni Jigger 'yung babae nya."

"Oh? E bakit pupunta ka pa?"

"Kasi inaya din ako?" umirap ako.

"Ano namang mapapala nun ni Jigger kung pupunta ka o hindi? Alam naman nyang ex mo sya kaya maiintindihan nya kung hindi ka pupunta!"

Hindi 'ko naman sya pinansin. "Pupunta padin ako."

Tumayo na sya at hinarap ako, "Para san pa Ghine? Para ipamukha sa sarili mo na may iba na sya? Na hindi na matutupad yang inaasam mong "happy family"?" inis na sabi nya.

"Hindi! Tanggap 'ko na! Kaya naman naming mabuhay ni Zech ng wala sya. Ang gusto 'ko lang ipakita ay ang pagkawala 'ko ng pake sa kanya!" sigaw 'ko.

"Ewan 'ko sayo! Ang tigas ng ulo mo. Wag lang talaga kita makita kitang umiiyak nanaman ha!" pumunta naman sya sa crib ni Zech.

Nagcommute nalang ako papunta sa bahay nila. Pinabantay ko kay Mark si Zech at ang condo 'ko.


Pagdating 'ko dun, nasa pool na sila. Buhat ni Rene si Rain habang nilalaro naman ni Trigger. Si Joy naman buhat din ang baby niya habang nasa tabi niya si Jasper.


"Andito ka na pala! Nasan si Zech?" tanong ni Ley.

"Nakay Mark." ngumiti ako.

"Bakit hindi mo sila sinama?" nagulat ako ng magsalita sya. Nilingon 'ko sya at nakatitig lang din sya sa akin.

"W-wala kasing magbabantay ng condo."

"Pwede namang iwan." tumawa sya ng sarkastiko. Sasagot pa sana ako kaso tumayo na sya, "Teka, sunduin 'ko lang sa labas."

Umupo ako sa tabi ni Tey, hindi ako mapakali. Ngayon lang sya nagpakilala ng babae sa amin, since kilala naman ako ng tropa namin at ng parents namin, hindi na nya ako kailangan pang ipakilala.

"Si Ayu nga pala," naestatwa ako sa kinatatayuan 'ko. Babae nga.

Isa isang binanggit ni Jigger ang pangalan namin para ipakilala.

"Si Louise," ani Jigger kaya unti unti akong lumingon. Maputi, maganda, maputi. Tipo ni Jigger.

Nakipagshake hands ako, "Nice meeting you," ngumiti ako ng todo pero feeling 'ko nagiging pilit iyon.

Nang matapos nya kaming ipakilala ay inakbayan niya si Ayu, "Si Ayu, girlfriend 'ko." parang hinahati ang buong katawan 'ko sa pirapiraso. Nanginginig ako. Feeling 'ko kunting kurap 'ko lang ay tutulo na ang luha 'ko kaya ginawa 'ko ang lahat ng makakaya 'ko para lang pigilan.

"Nice!" bati nila.

Bakit kasi nangarap pa ako na mabubuo kami? Na magkakaron pa ng tatay si Zech? Na magiging kami pa ni Jigger?

Gusto 'kong payuhan si Ayu na tanga si Jigger baka sakaling hindi nya alam.

Tinulak ako bigla ni Chad sa pool kaya napatili ako. Sumunod din sya.

Pinalo 'ko sya ng nasa tabi 'ko na sya, "Ano ba!" sigaw 'ko.

Tumawa lang sya, "Edi hindi nagmukhang luha yang nasa mata mo," bulong nya.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon