Chapter 13

1.9K 73 7
                                    

Napairap ako nang makarinig ako ng tili ng mga babae. What's with them nanaman ba? I hate to admit this but ganyan din ang tili nila pag dumadating ang mga boys.

Napalingon ako, hindi naman si Jigger. Hindi naman din si Trigger, at hindi ni-isa sa mga boys. Napakunot ang noo 'ko, kasalukuyang tinatanggap ngayon ng tinitilian nila ang gift na nasa box.

Tumingin sya sa akin at nanlaki ang mata 'ko. H-how.. W-why?

Ngumiti sya sa akin at naglakad sa mesa namin. He places the box on my head at nagtuloy sa paglakad.

"Who's that?" Tanong ni Wendy habang nakatingin sa lalaking naglalakad, hindi naman ako makapagsalita at inilapag ang box na nilagay nya sa ulo 'ko.

"And... What's that?" Tanong nila sa akin. H-how..

Napatingin uli ako sa kanya, tumigil sya at ngumiti sa kin. Tinuro nya yung garden at naglakad na uli, napatingin naman ako sa mga kasama 'ko na pinagkakaguluhan na ang box na puno nang pagkain.

Tumayo ako, "CR lang ako." Paalam 'ko, hindi 'ko na sila inantay sumagot at nagpunta na sa garden.

Nakita 'ko sya doon na nakatalikod at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit ako, "Mark.." Lumingon sya sa akin at ngumiti.

Inakbayan nya ako at ikinulong ang ulo 'ko sa kili-kili nya habang kinukutungan. "Ganyan mo na ako i-greet ngayon, Ghine? Hindi mo ba ako namiss?" Tumatawang sabi nya.

"Aray! Ano ba, Mark! Bitiwan mo ako!" Sigaw 'ko. Binitiwan naman nya ako.

"Bitiwan mo ako." Gaya nya sa sinabi 'ko kaya napapout ako. "Hindi mo ba ako na-miss ah?" Nakangiting sabi nya.

Napangiti ako, "Na-miss." Sobrang miss. Na kahit tignan lang kita maghapon ay sapat na sa akin. Malakas nanaman ang kabog ng puso 'ko para sa kanya, walang pagbabago.

"I miss you too, Ghine!" Niyakap nya ako at napangiti ako. Bumalik na siya. Ang taong dahilan kung bakit ako nakipag-deal kay Jigger.

Naitulak 'ko si Mark nang makita 'ko ang seryosong mata ni Jigger na nakatingin sa amin. "I really hate being bothered when I’m trying to nap!" Iyon lang ang sinabi nya at umalis na.

"Sino iyon?" Tanong niya. Nakatitig parin ako sa likod ni Jigger, "Nevermind. Tara sa mall?" Tanong nya. Nabaling 'ko sakanya ang tingin 'ko at tumango.

Nagpunta kami sa Quantum at naglaro. Just like the old times. "Madaya ka!" Nakapout na sabi 'ko, tumawa sya at bigla nya akong inakbayan at hinila.

"Doon nalang tayo, anong gusto mo? Taya ako!" Napangiti ako at hinawakan 'ko ang wrist nya at hinila.

Napasandal ako doon at napanguso, "Hindi mo naman nakukuha, e" sabi 'ko. Nakailang tokens na kami pero wala parin.

"Iba nalang kaya? Itong spongebob, ayaw mo?" Tanong nya. E gusto 'ko nang Minions eh.

Nagulat ako nang may tumulak kay Mark tapos ay kinuha ang gusto 'ko.

"Jigger.." bulong 'ko.

"Pre, ayan ang gusto nang kasama 'ko, pwede maghanap ka nalang ng iba?" Ani Mark pero hindi sya pinansin ni Jigger. Naka-apat na tokens siya bago nya nakuha ang gusto 'kong Minion. Inabot nya sa akin at umalis na ng Quantum.

Kami na nga pala, noong isang araw lang. Natanggap na din namin iyong pera kaso baka bawiin nila pag break na agad kami kaya hanggang ngayon ay nagpepretend parin kami.

"Kanina pa iyon ah." Bulong ni Mark at tumingin sa akin, "Gutom ka na?"

Pagdating 'ko sa bahay ay naligo kaagad ako. Walang text galing kay Jigger, pwede 'ko kaya syang itext? Malamang! Boyfriend mo eh. Isa lang naman eh.

Ako:

Hi. Where are you?

Matagal bago sya nagreply. Nagtext din si Mark.

Mark:

Thanks for this day, Ghine. I really miss you. Nagenroll na din pala ako sa School mo! :)

Ako:

Oh. Thanks din! Hindi ka natatakot sa mga babaeng gugulo saiyo sa School?

Jigger:

I'm home.

Iyon lang? Aba'y magaling na Boyfriend.

Ako:

Good. Kumain ka na?

Mark:

No? kasama naman kita eh! :)

Jigger:

I'm not hungry.

Napatayo ako sa reply ni Jigger. So, hindi pa sya kumakain? Tinawagan 'ko naman ang number nya, ilang ring lang at sinagot nya ito pero hindi sya nagsasalita. Hindi din ako nagsalita.

"What?" Iritang sabi nya.

"Hmm... Bakit hindi ka pa kumakain?" Napakagat ako sa labi 'ko, ano ba Louise!

"Sinagot 'ko na iyan kanina ah? Ulitin 'ko? I'm not hungry." Napapout naman ako.

"Are you mad? Bakit ganyan boses mo sa akin?"

"Tss, no! Why would I? I don't have the rights."

"Fuck you!" Inis na sambit 'ko.

"Watch your word, Louise." Nakakainis! Bakit ganito ako ituring ni Jigger? Kahapon naman okay pa sya.

"What's wrong with you?"

"Bakit?"

"Wala, tangina mo!" Binaba 'ko na iyong tawag. Tangina talaga!

Mark:

You didn't reply to my textes :( what are you doing?

Ghine..

Okay, goodnight.

Marahan akong pumikit at humiga sa kama. Hindi 'ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising tuloy ako nang alas tres.

Nagpalit ako nang jogging pants. Hindi na uli ako makatulog kaya magba-bike muna ako. Inikot 'ko ang buong village, pabalik na ako nang bahay nang makita 'kong sumilip si Mark sa bahay, andito iyong dating bahay nila eh.

Napangiti ako. Nilagpasan nya ang aming bahay, napatigil sya. Nagjog sya pabalik sa bahay habang nakatalikod. "What're you doing?" Napatingin naman sya sa akin.

"Nagjojogging?" Patanong na sabi nya at ngumisi sa akin. Nilagpasan 'ko naman sya, akmang papasok na ako sa bahay nang magsalita sya. "Samahan mo ako?"

Lumingon ako, "Ayoko!" Lumapit sya sa akin, hinawakan nya ang hood ng jacket 'ko at hinila ako. "Ano ba! Ayoko nga eh!" Sigaw 'ko pero wala syang pakielam.

"Nagugutom ako, libre 'ko." Iyon lang ang sinabi. Ngumisi naman ako, wala parin syang pagbabago.

Naghanap ako nang mauupuan sa canteen, nakita 'ko sila kaya lumapit ako. "I was worried about eating eating by myself. Buti nakita 'ko kayo."

"Sorry, hindi ka na namin naitext, busy kasi sa thesis kaya nagmamadali na eh." Sabi ni Wen.

"Ofcourse, you eat by yourself. Should someone feed it to you?" Napatingin naman ako kay Jigger. Nagulat silang lahat sa inasal nya, kahit ako.

Tumabi bigla sa akin si Mark, "Pwede pa-table? Wala nang vacant table eh." Nabulunan naman ako. Shete!

"Have some water." Iniabot sa akin ni Mark iyong tubig kaso inagaw iyon ni Jigger at ininom.

Inilapag nya iyong baso at umalis na. Nagtinginan kami nila Seul. Lumipat pala ng school si Irene, si Trigger naman ay bihira nalang sumama sa amin.

"Sige Louise, aalis na muna kami. Bye!" Tumango naman ako at nakipagbeso-beso sa kanila.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon