Chapter 44

1.7K 69 11
                                    

Hinanda ko na ang mga kailangan namin ni Zech para sa picnic nila.

"Mommy, saan punta?" Bulol na tanong nya sa akin.

Tinignan ko naman sya sa salamin habang sinusuklay ko ang buhok nya. "Surprise ni Mommy!" Ngumiti ako sakanya at hinalikan ko sya.

Sinundo naman kami ni Jigger sa loob nang dorm. Natulala sya sa itsura ni Zech.

Tumingin sya sa akin nang nakangiti. "Pwede pabuhat?" Tanong nya. Tumango naman ako at ibinigay ko sakanya si Zech.

Niyakap nyang mahigpit si Zech at hinalik-halikan. Ngumiti lang ako. Perfect moment.

Pagdating namin sa sasakyan nya ay binigay na nya sakin si Zech. Pagpasok nya ay tinitigan nya pa si Zech kung hindi lang tumunog ang phone nya ay baka nalaglag na ang hula sa mata nya.

Nilaro ko muna si Zech kasi ayawko naman makichismis sa kausap nya.

"Hi Babe!" Natigilan ako. Tinignan ko sya.

"Yes po, ngayon na. Tuloy tayo later. Susunduin kita, opo!" Leche! Ang landi. Napairap ako. Ganyan ka din naman sakin noon, Byun! Anong nangyare? Nagloko ka! Magloloko ka din. Sus, walang forever!

"I love you!" Nakangiting sabi nya bago nya ibaba ang tawag. Umirap uli ako. Nakangiwing ginaya ko ang boses at ang 'I love you' nya.

"May sinasabi ka?" Tanong nya.

Inirapan ko ulit sya at ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Wala. Wala! Sige na, alis na tayo. Mukhang may lakad ka pa kasi e. Nakakahiya naman." Sarcastic na sabi ko na hindi naman nya pinansin.

Buong byahe namang tulog si Zech. Nakatingin lang din ako sa bintana, naiinis kasi ko sa mukha nya! SARAP PUMATAY NG TAO NGAYON.

Madali lang ang byahe namin, mga 2 hours. Nagpapark na si Jigs nang magising si Zech.

"Hi, big boy!" Bati ni Jigger. Ngumiti lang ang anak ko.

"Mommy, who is he po?" Tanong niya. Gusto ko sanang matawa kasi kanina pa nya nakikita at nakakasama si Jigger pero ngayon nya lang tinanong.

Lalo naman akong nainis sa ngiti ni Jigger. Inayos ko ang nagulo nyang buhok, "Baby, tito mo sya." Pakilala ko.

Nagpreno naman agad si Jigger sa gulat. Aba! Mapapahamak pa ata kami nang wala sa oras neto, sana pala hindi nalang ako pumayag!

"A-ano?!" Kumunot ang noo nya sa galit.

"Tito." Taas noo kong sabi. Ano ka! Hmp! Ang yabang mo. Pasalamat ka, sa lahat nang ginawa mo samin, pumapayag padin akong makabawe ka sa anak natin! Tinignan nya ako nang masama, syempre hindi naman ako nagpatinag, "Angal ka?!"

Umiling lang sya at halatang nawala ang mood nya. Pakielam ko naman! Parang sya lang nawalan nang mood!

Hoy hoy! Hindi ako nagseselos ha! Nakakainis lang talaga kasi ipaparinig nya pa samin na may lakad sya mamaya.


"Tito po? Like tito Chad?" Tumango naman ako. "Yey! Marami na ako tito, Mommy!" Niyakap nya ako bigla sa tuwa. Naguilty naman ako bigla. Natuwa ang anak ko nang malaman nyang may tito sya, paano nalang pag nalaman nyang may Daddy sya.

Tumayo ako sa gilid habang pinapanuod si Jigger, nagaayos nang uupuan namin.

Nilingon nya ako. "Tulungan mo kaya ako?" Inis na sabi nya.

"Kaya mo na yan! Strong ka kaya." Tumawa ako.

Pagtapos nya, hingal syang humiga habang nakapikit sa blanket na nakalapag. Umupo naman kami ni Zech at habang  nakahiga si Jigger ay lumapit si Zech sakanya at humiga sa tyan ni Jigger.

Dumilat si Jigger at natatawa syang niyakap si Zech. "Wag kang humiga sa abs ko, baby!"

"Abs pwe!" Bulong ko.

"If I know, may isa dyan na laging tuwang tuwa sa abs ko." Like ew! Hindi kaya! Medyo lang. Choss.

Humiga din ako habang naglalaro ang mag-ama. Tawa nang tawa si Zech kaya napapalingon ako sakanila.

Pumikit at ninamnam ang hangin. Wag mong isipin ang iba, Louise. Ikaw muna. Kayo muna.

Napatili ako nang bigla nila akong niyakap at kiniliti naman ako ni Jigger.

"Ano ba, Jigger!!!" Sigaw ko. Tawa din nang tawa si Zech kahit na naiipit na sya sa gitna namin.

"Baby, tulungan mo ako! Kilitiin natin si Mommy!" Wala namang naintindihan si Zech kasi tawa sya nang tawa.

"Teka, naiipit na si Zech!" Sigaw ko.

Nang mapagod kami ay tumigil na sila sa pagkulit sakin. May biglang lumapit samin at inabutan nya kami nang mga printed pictures.

"Perfect family." Aniya at ngumiti.

Tinignan ko ang picture, mga stolen shots namin kanina. Ang ganda nang ngiti namin. Parang wala talagang problema.

"Magkano?" Tanong ni Jigger habang nakangiti.

"No no. Libre na yan, ganyan ang mga gusto kong kuha e. Mga totoong ngiti, totoong saya." Sabi nya at nagpaalam nang umalis.

Sabay na tinignan namin ni Jigger ang mga pictures. "Ang galing no? Natatago nang pictures ang mga problema." Tinignan naman ako ni Jigger na parang anong-pinagsasabi-mo-look.

"Baka ang gusto mong sabihin ay hindi natatago nang mga pictures na to ang pagkapatay na patay mo sakin." Biro nya.

Pinalo ko naman sya. "Hoy ang feel mo naman! Tignan mo nga to oh, ang lagkit nang tingin mo sakin!" Nakasmirk ako kasi ang lagkit talaga nang tingin nya. Mwahahaha

"Camera angle lang yan! Ang totoo ay yung sayo." Napasimangot ako kaya tawang tawa sya.

Niyakap nya ako habang tumatawa, "Sorry na po!"

Si Zech nga pala! Nakalimutan ko!

Tinignan ko si Zech na nasa gitna namin. Sabay kaming natawa nang makita naming tulog nanaman sya.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon