Chapter 50

1.8K 70 11
                                    

Kinaumagahan ay nagpasama si Jigger papunta sa bahay nila. Syempre tumanggi ako pero sa sabi nya, hindi nya daw kaya na sya lang ang magpapaliwanag lahat.

Pagkapasok nya nang sasakyan ay hinawakan nya ang kamay ko. "Kaya natin 'to!" nakangisi nyang sabi.

Inirapan ko sya at tinampal ang kamay nya. "Oo na! Tsansing ka lang, e." ngumiti lang sya.

Tutok lang sya sa byahe. Paminsan ay sumusulyap sya kay Zech na tulog.

"Dapat Junior." tumawa sya. Tinignan ko naman si Zech, sobrang kamukha nya si Jigger.

"Paano ko sya gagawing Junior, e badtrip na badtrip ako sayo?"

Napawi ang ngiti nya at inirapan ako. "Oo na!"

Pagdating namin sa bahay nila ay bumaba agad kami ni Zech at pumasok sa loob.

"Uy teka! Tulungan mo muna ako dito," tawag sa akin ni Jigger pero hindi ko sya pinansin. Bahala ka dyan!

Narinig ko namang inutusan nya ang isa sa mga katulong nila. Nilingon ko sya at sinamaan nang tingin, "Gusto ko, ikaw lang ang magbubuhat nyan lahat dito sa loob." nanlaki naman ang mata nya. Pinapasok ko yung katulong at bago ko sya talikuran ay nakita ko pang inirapan nya ako.

Binaba ko si Zech pagkapasok namin sa loob. "Mommy, san tayo?" bulol nyang tanong.

"Zeeeeeech!" sigaw ni Ninang at tumakbo sila ni Ninong papunta sa amin.

Nagmano namam ako sa kanila. Binuhat ni Ninang si Zech papunta sa living room, sumunod naman kami ni Ninong.

"Nasan si Jigger?" tanong ni Ninong.

"Nasa labas ho, nagbubuhat nang gamit." tumawa ako habang nakikita ko si Jigger sa binatana na pawis pawis at buhat lahat ang gamit namin.

"Oh? Bakit? May katulong naman, a?" tanong ni Ninong na nakatingin din sa bintana.

"Hayaan nyo sya Ninong, manliligaw ko naman, e." sabay kaming natawa ni Ninong sa sinabi ko.

"Kaya pala. Sige, pahirapan natin." ngumisi sya. Nilalaro naman ni Ninang si Zech. At si Zech, sumusulyap sa akin, bago pa kasi sa paningin nya sila Ninang kaya siguro hindi nya alam kung anong gagawin nya.

"Anak, lolo at lola mo." ngumiti ako. Tumingin uli si Zech kay Ninang at nginitian nya eto.

"Ang cute cute nang apo ko! Kamukhang kamukha ko." pinisil pisil ni Ninang ang pisngi ni Zech sa sobrang gigil.

Napatingin naman ako kay Jigger pagkapasok nya sa loob. "Ilagay mo sa kwarto mo." sabi ko. Tinaasan nya ako nang kilay kasi nasa taas pa ang kwarto nya. Tinaasan ko din sya nang kilay kaya wala na syang nagawa. Good!

"Papunta na sila Trigger dito."

"Nako, dalawang makulit ang aalagaan nyo Ninang." biro ko.

"Ano ka ba, okay lang! Malakas pa naman ako. Tsaka Mamita nalang itawag mo sa akin." ngumiti si Ninang-- Mamita. Eeeee hindi ako sanay.

"Kailan ba ang kasal?" tanong ni Ninong. Err, Papito?

Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Jigger. "Matagal pa, Tay. Nililigawan ko palang." naiirita nyang sabi. Oh ano? Sya nagoffer sa akin 'nun, tapos magrereklamo sya?

"We're here!" sigaw ni Irene. Nakita nya ako kaya tumakbo sya para yakapin ako.

"Si Trigger?" tanong ko. Nginuso nya ang bintana. Nakita kong buhat ni Trigger si Rain at ang gamit nila.

Tumawa si Ninong. "Ano ba naman 'tong kapalaran nang mga anak ko. Mga under." binatukan naman sya ni Ninang.

"Mana sa'yo."

Natawa maman kami ni Irene at nagyakapan uli. Ang bestfriend ko, parehas na kaming Byun.

Buong araw ay naglaro si Zech at Rain. Mas matanda lang si Zech nang isang taon kay Rain kaya magkasundo sila.

"Tignan mo sila Nanay, o. Sabik sa bata!" natatawang sabi ni Trigger.

"Magkamukha din si Zech at Rain, o!" sabi ni Rene. Ang sarap nilang panuorin. Ang saya ng anak ko. Kinuhanan ko nang picture silang apat at pinost sa Instagram (follow nyo ako hehe @czezellexlu_ thankssss! :))

"Kamusta pala kayo neto ni Jigger? Buti naman at ayos na kayo. Akala namin lalaki si Zech na magkaibigan lang ang parents nya. Mahirap 'yun!" tanong ni Trigger.

Tumawa muna ako bago ko sinabi sa kanila. "Manliligaw ko."

Nanlaki ang mata ng magasawa. "What?!" sigaw nila. Umirap lang si Jigger at nagiwas nang tingin, nahihiya!

"Tang ina! Lakas mo, Louise!" umiiling na sabi ni Trigger habang tinititigan si Jigger na namumula.

"Hoy Girl! Sagutin mo na kaya! May anak kayo, tapos nagliligawan lang kayo? Paano 'yung kasal nyo?" tanong ni Rene. Tumango naman si Jigger at nagpacute.

"Oo nga, tama si Rene, paano 'yung kasal natin?" nagpout pa sya.

Hindi naman ako sumagot. Buo na pasya ko, kailangan nyang paghirapan ang trust na ibibigay ko sa kanya para pag naibigay ko na, mas matibay pa kesa noon.

"Daddy!" tumakbo si Zech kay Jigger na tumatawa.

"Oh bakit? Doon ka na kila Lola at pinsan mo." ani Jigger. Pinunasan nya ang mga pawis sa mukha ni Zech.

"Saya!" sambit nya habang nakangiti.

"Masaya ka?" tanong ni Jigger.

Tumango si Zech at kiniss nya si Jigger. "Po! Dito tayo tira." nagulat ako sa request ni Zech.

"Baby, hindi tayo pwede tumira dito." sabi ko.

"Shhhh! Hayaan mo nga ako!" pagalit na sabi sa akin ni Jigger. Hinarap nya uli si Zech at nginitian. "Gusto mo dito? O bagong bahay nalang?"

"Anong bagong bahay ka dyan, mamaya umasa anak natin!" umirap sa akin.

"Hayaan mo nga muna kami?" beastmode si Koya! Inirapan ko sya habang nakangisi ako. Ang cute ni Jigger, e!

"Po! Sama si Rain!" tumawa naman si Trigger at Rene.

Bumaba si Zech kay Jigger at tumakbo nanaman papunta kila Ninang.

"Be careful, Zech!" sigaw ko.

"Mukhang nagkasundo ang magpinsan, a?" sabi ni Rene.

"Ngayon lang kasi nagkaroon nang kalaro." ani Jigger.

Tumayo ako. "Tara Jigger, sa kwarto mo."

Nakangisi si Jigger sa akin. "Mamayang gabi nalang, mainit pa, e." malandi nyang sabi. The fudge?!

"Tanga, kukuha lang ako nang pamalit kay Zech!" sigaw ko at piningot ko sya patayo.

"Ouch!" sigaw ni Trigger at sabay silang natawa ni Rene. Assuming kasi, kainis!

Pumunta kami sa kwarto nya. Inayos ko na din ang higaan namin para sa pagtulog namin mamayang gabi. Ilang araw din ang pananatili namin dito sa kanila.

"Ilagay mo muna kaya sa closet ko yang mga damit mo?" tanong nya.

"Sige nga, ikaw nga maglagay! Papalitan ko muna anak natin." sabi ko. Nagtimpla na din ako nang gatas nya. Minsan pag sinumpong si Zech, breatfeeding ang ginagawa ko pero madalas sa bote nalang or baso.

Kinuha naman nya ang bag namin at nilagay nya sa closet nya ang mga gamit.

"Hindi padin pala nagbabago 'tong kwarto mo?"

"Ay teka!" tumayo sya at may kinuha sa bag nya. Inilagay nya iyon sa frame at pinwesto sa tabi nang kama nya.

Napangiti ako nang makita ko. Picture namin nung nagpicnic kami.

Ngumisi sya at lumuhod sa harap ko. The fudge! Hindi ito ang inexpect kooo!!! Tumayo ka dyan! Tatadyakan kita! Puta!

"Louise, will you marry me?"

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon