Chapter 39

1.4K 66 5
                                    

Warning: walang kwentang UD XD vote comment and enjoy!

"Bakit nga may dugo?" rinig 'kong tanong ni Trigger.

"Ewan 'ko. Tigilan nyo nga ako." iritang sabi ni Cupid.


"May alam kayo, e! Asan si Tey? Umalis?" si Verns.


Unti-unti 'kong minulat ang mata 'ko. Hindi ako makapagsalita. Nakikita 'ko lang na nagbabangayan sila at si Cupid naman ay kanina pa badtrip sa mga tanong nila.


Ginulo niya ang buhok niya, "May regla siya! Tagos lang 'yun!" gusto 'ko sanang matawa pero wala akong lakas.


"Bakit hinimatay?" tanong ni Elle.


"Ewan 'ko! Bahala nga kayo dyan!" akmang aalis siya nang hawakan ni Chad ang damit niya. Halos mapunit na 'yun sa lakas ng pagkakahila niya. "Papatayin ako ni Sha!" sigaw ni Cupid.


"Guys..." halos naging bulong na tawag 'ko sa kanila.



Nanlaki naman ang mga mata nila at natarantang tumakbo palapit sa akin. May hinanap agad ang mga mata 'ko at halos tumulo ang luha 'ko ng makitang wala siya.


"Cupid, kamusta?" tanong 'ko. Alam na niya kung sino kinakamusta 'ko.


"Okay naman daw. Suggest ng doctor, sa bahay ka nalang daw muna manatili, iwas stress." aniya habang inaayos ang damit niya.


Nakahinga ako ng maluwag, "Thank God!" at pumikit ako upang magdasal.



"Goodness! Ano ba kasi 'yun?!" sigaw ni Ika.


Ngumiti ako sa kanila, "Later, guys." yes, sasabihin 'ko na sa kanila. Ipagmamalaki 'ko na ang anak 'ko.


"Oh, yan na! Sasabihin na sa inyo, mga hapit kasi." inis na sabi ni Cupid.


"Nakakapagtaka..." napatingin kaming lahat kay Chad, "May pakielam na ngayon si Cupid, dati puro lang siya-" hindi nya natapos dahil tinakpan na ni Cupid ang bunganga niya at pinagbabatukan. Alam na din naman na namin ang kasunod, e.



Bumaling sa akin si Ley, "I hate you, pinag-alala mo ako."


Ngumisi ako, "Ganun talaga pag maganda." hinawakan 'ko ang tyan 'ko nang walang nakakapansin ni-isa sa kanila.


Hi Baby, akala 'ko mawawala ka na kay Mommy! Lagi mong tatandaan ha, na mahal na mahal kita!


"Osige na, pagbigyan! Anong gusto mong kainin?" dahil sa tanong ni Wendy ay bigla akong naglaway sa singkamas.


"Singkamas nga!"


"Ang arte mo, apple nalang." ani Der tsaka kumuha ng mansanas at binalatan.


"Sila Mommy?" tanong 'ko.


Natahimik naman sila at nagtitigan. What?


"Ah... Sasabihin ba namin?" tanong ni Cupid.


Ngumisi ako, "Good! Verygood, Kupido!" ayokong malaman nila. Ayoko.


Ginulo ni Seulgi ang buhok niya. "Gosh! Ano ba kasi ang sakit mo?"



Dumating ang doctor at chineck ako. Sinabi 'ko na graduating na ako kaya hindi pwede na lagi akong nasa bahay. Okay naman daw, basta iwas stress nalang din daw.


"Napapansin mo ba na hindi lumalaki ang tyan mo?" kumunot ang noo 'ko sa tanong ng doctor.


"Pansin naman po."


"Kulang kasi sa vitamins, Mommy. Kumain ka ng mga gulay at prutas, kunting exercise na din para maging healthy."


Biglang pasok naman sila pagkalabas ng doctor. Andito na din si Tey, kasama si Irene. Napatingin agad ako kay Trigger na nasa gilid lang, tahimik.


"So baka pwede mo nang sabihin?" ani Elle. Inirapan 'ko naman sila.


"Basta, promise me, hindi muna 'to malalaman ng kung sino ha? Ako nang bahala ang magsasabi sa kanila." tumango naman sila.


Napatingin ako kay Tey, Cupid at Irene. Ngumiti lang sila sa akin.


Lumunok ako at pumikit, "Buntis ako."


Expected 'ko, sigaw nila ang babalot sa buong kwarto 'ko pero tahimik lang sila habang nanlaki ang mga mata nila.


"I knew it." si Trigger ang bumasag ng katahimikan. Umiling siya at madilim na ang kanyang mukha.


Hindi na din maipinta ang mukha ni Chad, "Nasan ang gagong 'yun, Trigger?"


Tahimik na lumabas ang mga boys. Bumaling naman ako sa mga girls na ngayon ay nakatingin na sa akin.


"Girl, papatayin 'ko talaga si Jigger." ani Yeri at niyakap ako.

Sumali sa yakap si Wendy, "Hayaan mo, madaming papatay kay Jigger. Sure ball tayo."


Isa isa naman silang sumali sa yakap namin. Naggroup hug kami.


Tumawa ako, "Edi nawalan ng tatay ang anak 'ko," umiiling na sabi 'ko.


"Ay oo nga." nagkamot ng ulo si Joy, "Bugbugin nalang namin?"


Thankful ako kahit papaano kasi kahit wala akong binanggit na pangalan ay alam na agad nila kung sino ang tatay ng anak 'ko.


"Anong gusto mo?" tanong ni Irene sa akin habang kumakain siya ng apple.


"Pag sinabi 'ko ba, bibilhan mo ako?" ngisi 'ko.


"No! Ipapabili 'ko kay Trigger." nagtilian naman sila at kinantyawan si Irene.


"Lelang mo! Ni hindi nga kayo naguusap!" ani Ika.

"Joke lang! Edi kay Dylan."

"Asan nga pala ang mga boys?" tanong 'ko.


"Alam mo na kung nasan." boring na sagot ni Joy.


"Magtatanong ba ako kung alam 'ko?" inis na sabi 'ko.


"Aw, beast mode si Mommy!" tawa ni Ley.


"Malamang, binubugbug na nila ngayon si Jigger. Alangan namang icongratulate pa nila?" sarcastic na sabi ni Wendy.


Sumimangot ako, "Pasabi naman na 'wag nila gaano bugbugin. Kawawa si baby, kung bugbug sarado tatay niya."



Natahimik sila. Ang iba ay umiwas ng tingin, ang iba naman ay nakatitig lang sa akin.

"Hindi 'ko masasabi sa kanila 'yun, Louise. Kasi kahit ako, gustong gusto 'kong patayin si Jigger." ani Tey.

Hindi 'ko naman maiwasan ang mag-alala para kay Jigger. Siguro masaya na siya ngayon? Kasi alam na nang mga kaibigan namin. Babalik na siya sa akin.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon