Chapter 30

1.6K 65 19
                                    

"Nasa Yvan Navy kami, please ASAP!" humahalakhak na sabi ni Elle.

Napairap nalang ako. Tinignan ko si Jigger na nakatingin din sa phone nya, mukhang tinext na din sya.


Banggang ang mga Compsci, title defense kasi nila next week tapos 3 topic approved ang kailangan plus may system pa silang ginagawa kaya kulang sila sa tulog.


"Tara?" aya ni Jigger tsaka kinuha yung bag ko at ibinigay ang bag nyang maliit lang sa akin.


"Bakit sila banggang, ikaw hindi?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang Yvan Navy. Mukha kasing chill lang sya.


"Kagroup ko si Trigger, e." nakangising sagot nya. Magaling si Trigger pagdating sa codes kaya malakas ang loob nyan.


Umirap ako. "Bakit si Elle? Kagroup nyo din naman sya, a?" tanong ko.


"Wala pa kasi silang system. E tulad nga ng sabi ko, pati sa system, kagroup ko si Trigger." kumindat sya sa akin.



Pagdating namin sa Yvan Navy ay nagorder muna kami bago umakyat para puntahan ang mga kaibigan namin.



Tutok na tutok sila sa laptop habang ang mga hindi compsci na kaibigan namin ay nagkukwentuhan lang.


"Dylan! Paano na to?" nanlulumong tanong ni Elle. Sa thesis, kagroup nya ang kambal, sa SAD naman, si Dylan at Seulgi.


"Tapos na tayo sa description, a? Tatapusin mo na?" nagtatakang tanong ni Dylan. Umupo kami sa tabi ni Cupid.


"Try lang naman kung hanggang saan matatapos," ani Seulgi. Tumango naman si Dyl at kinuha ang laptop kay Elle.


"Pucha! Reject yung isa nating title!" sigaw ni Trigger. Tinignan ko naman si Jigger na tumatawa sa tabi ko.


"Okay lang yan, kapatid. Isa nalang naman, e." aniya. Pinagmasdan ko naman si Cupid at Tey sa gilid, magkagroup kasi sila sa SAD, chill lang sila pero ramdam mo yung awkward sa pagitan nila.



Nang dumating ang order namin tsaka lang tinabi ang mga laptop at nagsimula na silang magingay.


The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon