Chapter 34

1.3K 58 4
                                    

"Pwede lumabas muna yung mga nagyoyosi? Nahihilo ako." inis na bungad ni Jigger kay Elle at Trigger na nagyoyosi sa bintana nang condo ni Trigger.



Nagtakip naman ako nang ilong. Napansin iyon ni Jigger kaya ibinigay nya sa akin iyong bimpo nya.





"Why? Lagi namang ganito, a? Hindi naman abot dyan. Tsaka hoy! Sasapakin kita pag nagyosi ka mamaya, ha. Makautos to akala mo hindi nagyoyosi." irap na sabi ni Elle.




"Shut up! Gusto mo papuntahin ko si-"




"Okay, okay. Titigil na, o." inihulog nya ang yosi sa bintana at tumabi kay Chad saka umirap uli, "Wala na, o. Happy?"





Tumawa si Jigs pero binalingan din agad si Trigger na patuloy padin sa pagyoyosi at nakatingin sa malayo.





"Pre," tinapik ni Jigger at balikat nya kaya napatingin si Trigger. "Alam kong condo mo to, pero pwede pakitigilan muna ang yosi?"




Walang imik namang hinagis ni Trigger iyon at umupo sa tabi ni Seulgi. Bigla naman din syang binulungan ni Seulgi.





"Nyare?" tanong ko kay Ley habang nakatingin padin kila Trigger.





"Nadulas si Seulgi, nasabi nyang may kasama si Rene na lalaki last night." ngumiwi sya.





"Baka naman si James lang, yun?"




Kinagat nya ang labi nya bago sumagot, "I'm with James that time."




Nagulat ako pero bigla iyong nawala nang maalala kong may gusto nga pala si Hayme kay Ley. Pero ang alam ko, may girlfriend si James?





Nagkibit balikat nalang ako. Tatanungin ko nalang si Rene, bukas.




Umiinom na sila samantalang gatas naman ang pinainom sa akin ni Jigger. Okay na din 'to, ayoko mapahamak ang anak ko.





"Ang daya ni Louise, bakit gatas lang?" nakasimangot na sabi ni Tey.





"Gusto mo din ba nang gatas?" ngisi ko sa kanya.






Sumimangot sya, "Bakit ba ang KJ nyong dalawa simula pa last week? Mukha pang may tinatago kayo. What is it?" hindi na ako nagulat na magaling makaramdam si Tey pero nagulat ako kasi napansin niya lahat.






Tuningin naman sa akin si Verns, "Mukha namang wala, a? Baka naman dahil lang yan sa away niyo ni Dominic kaya kung anu-ano naiisip mo."






Nagpout si Tey. Tinignan ko naman si Cupid, nakatitig lang sya sa shot glass nya at tahimik. Which is new. Kasi madaldal yan at nangunguna sila lagi ni Chad sa kalokohan.




"Where's Anna, Kyup?" tanong ko sa kanya. Sumulyap naman sya sa akin pero ibinalik din agad ang tingin sa shot glass nya.






Naghintay ako nang sagot nya kaso kibit balikat lang ang natanggap ko.





"LQ, huh?" ngisi ni Chad na sinamaan naman agad nang tingin ni Cupid.







"LQ si Dom at Tey, LQ din kayo ni Anna. So....." tumigil si Wendy sa pagsasalita at ngumisi kay Seulgi.





Ngumiti naman si Yeri, "Kayo nalang ulit?" biro niya.






Tumawa lang si Tey pero wala namang reaction si Cupid. Hay ewan ko sa mga ito.





Napatayo ako nang maramdaman kong tumaas ang kinain ko kaya tumakbo ako papunta sink at sumuka.





Sumunod si Jigger sa akin at hinagod nya ang likod ko, "You okay, baby? Ayaw mo ba sa amoy dito?"




Umiling ako, "Normal naman siguro ang sumuka,"




Bumalik kami doon at hindi kami nakaligtas sa tanong nila. Unang una na ni Tey.





Tinitigan nya ako, "Hindi ka naman lasing, wala ka namang ininom, bakit ka sumuka?" nakapout nyang sabi.




"Ah, dahil ata sa kinain ko kanina," tumingin ako kay Jigger at seryoso lang din sya.




Padabog namang ibinaba ni Chad ang shot glass at itinapat sa akin, "Oh! Isang shot lang!"





Tumawa sila, "Oo nga, Louise! Ang KJ mo na." anila.






Walang sabi-sabi namang kinuha iyon ni Jigger at nilagok nang diretsyo.





"Hindi naman iyo yun, e. C'mon, Jigger, ngayon lang!" tumatawa pa si Chad pero seryoso na si Jigger.






Binaba naman uli ni Chad iyong shot glass. Sinamaan sya nang tingin ni Jigs pero tumawa lang si Chad.






"Pre, nakakaintindi ka ba nang bawal?" madiin nyang sabi.






"Oh, c'mon! Kahit si Ika na bawal, uminom!" tinuro pa nya si Ika at Der sa gilid na may sarili nang mundo.





"Hindi nga, pwede!"





"Isa lang pre, promise, isa lang." ani Chad.






Tumayo si Jigger at kinwelyuhan si Chad kaya napatili kaming lahat. "Jigs," sambit nang mga boys pero hindi nila ito inawat.





"Pre, ano? Magaaway tayo dahil dito?" tumawa pa si Chad at nakahanda na sa pagsuntok ni Jigger sa kanya pero inis na tinulak sya ni Jigger. Tumayo sya at hinila ako palabas.





Narinig ko pa ang pagtawag nila sa amin. Sorry guys, mas importante sa amin ang kaligtasan nang baby namin.






"Jigger, wag mo naman sa akin ibunton yamg galit mo!" sigaw ko sa kanya nang tumigil kami sa isang tahimik na lugar.





Hindi nya ako inimik pero ramdam ko ang galit.






Lumabas sya, kaya lumabas din ako. Andito kami sa may playground na pinuntahan namin dati.





"Bakit kasi ayaw mo pang sabihin?" napatingin ako sa kanya. "Ikinakahiya mo ba na anak ko ang dinadala mo?" iritado nyang tanong.




"Hindi sa ganun, Jigger-"





"E ano?! Putang ina, hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan pa nating itago 'to." sigaw nya.





"Konting hintay pa baby, magiging ready din ako," sabi ko pero tinignan nya lang ako.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon