Chapter 42

1.5K 61 10
                                    

Pasensya na talaga guys! Pinapatay na kami ni Thesis </3

------------

"Overnight na kayo! Minsan nalang tayo magbonding, e." ngisi ni Jigger.

"Hoy hindi ako pwede! May pasok pa anak ko bukas." ani Joy (A/N: nakalimutan ko kung may nabanggit akong name ng anak niya sa SIS XD)

"Sus excuses! Pwede namang bumalik." pilit ni Jigger.

Tumingin si Joy sa aming lahat, "Kayo ba?" tanong nya. Isa isa namang tumango ang mga kaibigan namin. Kailan ba tumanggi yang mga yan? Tsk

"Ako, hindi pwede." ani Ika.

"What? Hindi pwede to! Minsan na nga lang magcelebrate, e." inakbayan niya si Ayu.

Sumulyap si Ika kay Der na tahimik lang sa gilid, "You know..." ngumiwi siya.

Tumingin din si Jigger kay Der, "Ako bahala dyan. Sus, sisiw!"

Lumunok ako, "Ako din, hindi pwede." dahilan ko.

Tinignan lang ako ni Jigger tapos ay tumango sya at bumaling agad kay Ayu. Napanganga ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hinayaan niya ako o masasaktan kasi wala syang pakielam sakin?

"Uy ano yun? Maduga ka!" sigaw ni Joy.

Nagkibit balikat lang si Jigger at hindi makapagsalita.

"May anak sya, may anak din ako, patas lang kami!" sumimangot si Joy.

"Wala akong magagawa kung ayaw niya," ani Jigger.

"E bakit sakin?"

Tinignan sya ng blanko ni Jigger, "Ayaw mo ba?"

"Gusto. Pero may pasok si-"

"Yun naman pala. E ayaw nya, wala na akong magagawa. Ikaw, gusto mo, kaya pinipilit kita."

Pumikit ako at napahawak sa dibdib ko. Tingin ko, sasabog na ako sa sobrang sakit ng puso ko.

Pagmulat ko, naabutan kong nakatitig sa akin si Jigger na agad namang bumaling kay Ayu.

"Be! Isama mo nalang si Zech dito?" ani Tey. Hindi pwede. Hindi!

"Hindi na. Kakain kami ngayon nila Mark, e." dahilan ko.

"Wow naman, happy family. Akala ko ba si Clark? Nyare?" sarcastic na sabi ni Jigger.

Inirapan ko sya at hindi pinansin. Unti unti mong pinapatay ang puso ko, Jigger.

"Oh? Anong nangyare sa bahay nila Jigger?" Tanong ni Mark habang pinapakain nya si Zech. Nasa Jollibee kami ngayon at tuwang tuwa ang anak ko.

"Ayun, may overnight sila ngayon," mahinang sabi ko.

Kumunot ang noo nya. Pinunasan nya ang bibig ni Zech, "Buti hindi ka sumama?"

"Hindi ko naman kayang hindi kasama matulog si Zech." Nilingon ako nang anak ko. Ngumiti sya kaya kiniss ko sya.

Tumawa si Mark, "Edi isama mo."

Sinamaan ko sya nang tingin, "Sinong kamukha nya?" Sarcastic kong tanong.

Tinitigan nya si Zech, "Gwapo na sana si Zech kaso ang lakas talaga nang dugo nang gagong tatay nya,"

"Diba?" Inirapan ko sya, "Tapos gusto mo pang isama sya."

"Akala ko ba hindi mo ipagdadamot si Zech?" Seryosong tanong nya. Natigilan ako, oo nga pala.

"E kasi... Natatakot na akong mareject nya uli kami e."

"Odi ako nalang tatay ni Zech," tinaas nya ang dalawang kilay nya at ngumiti pa. "Pero seryoso, Ghine, diba plano mo na sabihin na sakanila once na magkita kayo?"

Matagal akong natahimik. "Next time nalang?" Ngumiwi ako, "Hindi ko pa talaga kayang mareject ngayon e,"

Nung sumunod na araw ay nagaya nanaman sila sa Time Out. Nagdalawang isip pa ako, kasi baka masaktan nanaman ako ni Jigger.

"Ngayon mo na sabihin, a?" Ani Mark habang naglalaro sya at katabi niya si Zech. "Tapos kung ayaw nya, ako nalang."

Nagulat ako nang makita ko si Sky sa labas nang condo ko. "Surprise?"

Pinalo ko sya bago niyakap. "Kainis ka! Kailan ka pa dumating?"

"Matagal na, 2 years ago? Nasa white house lang ako." Pumasok kami sa sasakyan niya.

"Walang nagsabi sakin! Ano namang ginagawa mo dun? Ikaw na ba nagmamanage?"


"Oo, naghahanap ako nang forever dun," tumawa sya.

Pagdating namin sa Time out, nandun na sila lahat. Pati si Ayu at Jigger.

"Wala nang pwesto," sumimangot ako.

"Dun kay Jigger oh te! Bulag lang?" Inirapan ko naman si Verns.

Ayawko sanang katabi si Jigger kaso no choice si ate Louise.

"Hi Louise!" Bati sakin ni Ayu pagkaupo ko sa tabi ni Jigger.

"Hello," ngumiti ako.

Inabutan ako ni Chad nang inumin. Iinom ako ngayon para masabi ko na kay Jigger. Hindi naman din sa guguluhin ko sila, ang akin lang, ipapaalam ko lang para wala syang masumbat sakin.

Ininom ko lahat nang ibigay sakin ni Chad.

Nakita kong umiling si Jigger. Niliitan ko sya nang mata, "Ano iniiling iling mo dyan?"

Tinignan nya ako at tinaasan nang kilay. "Don't stick you're nose where it doesn't belong, Louise." Lumundag ang puso ko nang marinig kong binanggit nya ang pangalan ko.

"Thanks," wala sa sarili kong sabi. Akala ko kasi hindi na nya babanggitin pa ang pangalan ko.

"What? Lasing ka na,"

Nilagok ko pa ang dalawang shot bago ako tumayo, this is it, pansit. Kung ayaw na nya talaga, wala akong magagawa.

"Magusap tayo." Maangas kong sabi at hinila sya. Kausap naman ni Ayu si Dylan kaya hindi nila napansin na umalis kami.

"Ano?" Irita nyang sabi nang makarating kami sa parking lot.

"Tara sa sasakyan mo," sabi ko.

"Tss bossy." Pinatunog nya ang sasakyan nya at pumasok kami sa loob.

Tumingala si Jigger at pumikit. "Ano nanaman ba?"

"Jigger, may anak ka." Sabi ko pero hindi nya ako pinansin.

"Yeah, yeah. I know," dumilat sya at tinignan nya ako.

"Totoo! Sayo si Zech. Kung makita mo lang sya, kamukhang kamukha mo." Desperada na ako pero wala parin syang reaction.

"Anong gusto mong gawin ko?" REJECTION. Tama na, Louise.

Hindi ko na napigilan nang tumulo ang luha ko. "WALA! Wala kang gawin, hindi kita pinipilit maniwala or akuin ang responsibilidad. Wala!" Sigaw ko.

Pumikit uli sya, "Louise, ayos na ako ngayon, ano pang gusto mong gawin ko? Hiwalayan si Ayu? Mahal ko yung tao," napahawak ako sa dibdib ko sa biglaang pagsikit neto.


"Wala nga diba?!" Sigaw ko. Pinunasan ko ang pisngi ko, "Atleast nalaman mong anak mo si Zech."

Huminga sya nang malalim, "Anak ko nga ba talaga?" Napatingin ako sakanya. Really? Akala ko alam mo?

"I hate you so much, Jigger!" Sigaw ko at umalis na sa sasakyan nya.

"Louise," malumanay na tawag nya sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon