Chapter 35

1.4K 61 1
                                    

Dahil sa gusto kong itago ang pagbubuntis ko ay nagkakalabuan kami ni Jigger. Hindi pa naman sya malaki kaya natatago pa, ang hindi lang kasi maintindihan ni Jigger ay ang nagaaral pa kami at may tamang oras naman para sabihin iyon.




"So, bukas na ang intrams. Sure ka bang hindi ka sasali sa volleyball?" tanong nang compsci representative ko na si Hunter.



Ngumiti ako, "Hindi, e." makakasama iyon sa baby ko, kahit gusto ko talaga ang volleyball ay wala akong magagawa.



"Sayang! Ikaw pa naman ang panghakot nang mga audience." humalakhak sya, "E nasan na nga pala si Irene? Sayang din 'yon, nanalo ang compsci noon dahil sainyo."



Noon kasi, walang team ang accountancy kaya sa compsci ako nagteam. Nanalo kami noon, dahil na rin sa team work namin.



Pinaglalaruan naman ni Jack ang ballpen nya habang nakikinig sa amin. "Bili kayong pagkain," ani Mikay sa kanilang dalawa.



Napatingin si Hunter sa kanya, "Libre mo?" ngisi nya. Biglang bumukas ang pinto nang Office at pumasok si Clark na may dalang papers.



"Pirma mo nalang, Louise." aniya at lumapit sa akin para iabot ang papers.



Isa-isa ko muna itong binasa bago pinirmahan. Tinabi ko ito at nakinig sa usapan nila Mikay.



"Hmm, gusto ko kasi nang fries, e." ani Mikay habang nakahawak sa baba nya.



"Libre mo, Mikay?" ngisi ko.


"Ano bang gusto mo? Sige, toron at bananacue nalang sa akin." ani Mikay kaya natawa kami. Ang fries na gusto nya at nauwi sa toron at bananacue!



"Ang layo nang fries sa pinapabili mo, a?" tumatawang sabi ni Jack.



"Shut up! Isulat ko nalang muna. Tanga pa naman kayong dalawa," inirapan nya ang dalawa na tumatawa pa din. Nagisip naman ako nang gusto ko.



"Pizza nalang." wala sa sariling sabi ko.


Napatingin naman sa akin si Jack, "Ang layo nang yellow cab dito, President!" napasimangot naman ako. Iyon na din kasi ang malapit yet malayong pagbilhan nang pizza.



"Burger akin," ani Clark habang tinataktak sa table ang ballpen nya.


"Bakit, kasali ka ba sa libre ko?" biro ni Mikay.



"Ah ganon? Ginaganon mo na ako?" ani Clark, tumawa lang si Mikay.


"Oo na! Burger lang?" sinulat na niya ang mga order nila. Ako nalang. Ano ba gusto ko?


"Siomai," sabi ko.

Tinignan naman ako ni Hunter, "Ano ba naman yang gusto mo, ang lalayo! Mcdo lang malapit dito, President."



Sumimangot ako, "Sige na pre, mas malapit naman 'yun kesa sa pizza na gusto nya." ani Jack.



Binigay naman ni Mikay iyong pera nya tsaka umalis 'yung dalawa para bumili nang merienda.



Sinilip ko ang phone ko at may nakitang text ni Jigger.


Jigger:

You hungry? Ano gusto mo?



Agad naman akong nagreply na magmemerienda ako dito sa Office, pagtapos nun ay hindi na sya nagreply. Baka gumagawa nang thesis.



"Anong sport mo, Mikay?" rinig kong tanong ni Clark.


The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon