Chapter 36

1.3K 60 5
                                    

"Jigger gutom ako," saka ako nagpacute sa kanya.

"Anong gusto mo?" tanong nya habang pinaglalaruan ang pisngi ko.


"Hmmm?"


"Hmmm?" tumawa sya.


"Are you mocking me?"


"Are you mocking me?" ngisi nya.


"I'm ugly!" tignan natin kung gagayahin mo ako. Pero si Jigger yan, e. Papayag bang tawaging panget sya?! Hindi.



"You're beautiful, baby." malambing na sabi nya.


"Sus! Bola. Nagugutom na ako, bumili ka muna."


"Ano muna nga?"


"Balot?"



"Ayoko! Baka magmukhang balot, anak ko." bulong nya.


Nanlaki ang mata ko, "Shhh.. Wag kang maingay!" luminga ako at laking pasasalamat ko nang busy ang mga kaibigan namin. "Toasted siopao nalang,"


"Tsh, hayaan mo na. Malalaman din naman nila, e." cool na sabi nya.


"Oo, pero hindi pa ngayon!"


"Baby-"



"Sige na, bumili ka na." pinutol ko ang sasabihin niya. Alam ko na, e. Nakakasawa.


Umiling sya bago tumayo. Galit sya.


Mali ba ako? You can't blame me naman, e. Natatakot lang ako.


Ilang minuto din ay bumalik sya dala ang toasted siopao. Binato nya ang isa pang plastic na puno ng toasted siopao kila Ley.



"Wow nanlibre. Iba ka na talaga ngayon, Jigsbaby!" kantyaw ni Chad.


Hindi sumagot si Jigger. Umupo lang sya sa tabi ko at inabot sa akin yung toasted siopao ko.


"Ang dami naman," lima kasi.


"Baka pabalikin mo ako, e." aniya. Sumandal sya sa upuan at pinakit nya ang mata nya.


Kinain ko naman yung toasted siopao. LAHAT. Hehe, gutom ako, e. Bakit ba?!


Hindi ko pa nauubos yung last ay nasusuka ako. Tumayo ako at nagmamadaling pumunta sa CR.


Nakita ko naman ang pagdilat nang mga mata ni Jigger at tarantang tumayo para sumunod sa akin.


Sumuka ako sa sink nang CR.


"May iba bang tao dyan?" tanong ni Jigs sa labas.


Bukas lahat nang cubicle, sagot na ako lang ang tao dito.


"Wala," biglang bumukas ang pinto at lumapit sa akin ang Jigger na alalang alala.


"Kinakabahan ako," lumunok sya. "Hindi ko alam ang gagawin ko. Normal pa ba yan?!"


Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko, "Ano ka ba! Normal lang ang sumuka, no."


Bumalik kami nang sabay sa room. Titig naman ni Tey ang sumalubong sa amin.


"Saan kayo galing?" tanong ni Trigger.



The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon