Chapter 33

1.5K 57 2
                                    

"Jigger!" kahit anong gawin ko ay hindi sya magising gising. Anong oras na kasi tapos tinatawag na din kami ni Ninang para magbreakfast.

"5 minutes?" bulong nya. Hinila ko naman iyong isang braso nya.

Pumadyak padyak ako, "Jigger, nakakahiya na kila Ninang." parang batang sabi ko. Niyugyog ko uli sya, "Ganito ka ba lagi?"



Ungol lang ang sinagot nya. Kitang kita ko kung paano nagsalubong ang dalawang kilay nya habang nakapikit sya.


Ayaw mo ha? Ayaw mo talaga? Tignan natin!


"AHHH! JIGGER, ANG SAKIT NANG TYAN KO. MANGANGANAK NA ATA AKOOOO!" biglang dumilat ang mata nya at tumayo.



"Ano?" nanlaki ang mata nya. Hindi na din nya alam ang gagawin.



Tumawa ako. "Practice lang. Tara na!" hinila ko sya kaya wala na din siyang nagawa.


Ginulo nya ang buhok nya, "Don't do that, again."



"Che! Edi magising ka agad pag ginigising kita." tinitigan nya lang ako saka umiling.




Pagkababa namin, andun na sila Ninang, nagaaway.


"Baby Love, kulay blue nga kasi favorite nya!" mahinahong sabi ni Ninong.



"No. Alam ko! Black!" kumpara sa mahinahong boses ni Ninong, etong si Ninang ay pasigaw. Nilakihan nya nang mata si Ninong nang akma etong magsasalita. "'Wag ka nang sumagot! Black yon, tapos!"



"Blue-"





"Nay, Tay! Labas muna kayo, tapusin nyo away nyo, kakain na kami." sigaw ni Jigger.




"Eto kasing Tatay mo-"




"Oo na! Ako na." umirap si Ninong at bumaling sa amin, "Kain na."




Maayos naman kaming nakakain. Hindi na din nagaway sila Ninang pero nagtititigan sila.




"Papasok ba talaga tayo?" sumimangot sya.


"Oo 'no! Hoy, tumulong ka naman sa kambal mo. Sya nalang gumagawa nang Thesis."



Ngumisi sya, "Dalawa naman sila ni Elle, e. Kaya na nila 'yon."



"Kahit na! Alam mo namang may problema din si Janelle." sumimangot lang sya sa akin.


Pagkarating namin sa school, sari-sarili nanaman silang nakatutok sa laptop nila.


"Jigger, paprint mo nalang at ipasa." ani Trigger habang inaabot kay Jigs 'yong flashdrive.


Malalim namang bumuntong hininga si Jigger, "I'm stuck in the dark but you're my FLASHDRIVE!" inis na kanta nya. Natawa naman kami nang palitan nya yung lyrics.


"Tamad mo. Dyan lang naman sa labas," ani Der.


"Kararating ko lang kasi, pre. Onting konsiderasyon naman." umiirap na sabi niya.



Umamba naman si Trigger sa kanya kaya napatakbo sya, dahilan kung bakit humagalpak sa tawa si Chad.



Bumaling si Jigs kay Chad, "ANO?! Masaya ka? Masaya ka namang naaargabyado ako? I hate you!" maarteng sigaw niya.




Hindi sila matigil sa kakatawa. Napatingin naman ako sa babaeng dumaan sa gilid ko, kumakain sya nang Graham shake, I think?




Lumunok ako. Ba't parang naglalaway ako? Parang biglang kumalam 'yong tyan ko kahit kakakain lang namin.



The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon