Chapter 31

1.7K 71 13
                                    

Walang kwenta pa din ang UD na ito! Pasensya na at marami lang talagang ginagawa, sinusubukan ko lang magUD.

Vote, Comment and Enjoy! ♡

"Ano ba kasing ginawa mo?" bulong sa akin ni Jigger. Nakaubub ako sa mesa habang nakaubub din ang mukha nya sa leeg ko.

Umungol ako sa sakit ng ulo ko. Masama kasi ang pakiramdam ko pagkagising ko kaninang umaga, hindi ko din alam kung bakit. Siguro dahil stress sa school sa dami nang ginagawa.

Bumangon na sya tapos inilagay nya ang kamay nya sa tainga ko at hinilot. "Gusto mo matulog?" tanong nya.

"Hindi na. May klase pa ako." bulong ko.

"Ha?" bulong nya at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"May klase pa ako.."

"Ipapaalam na kita, hindi na din ako papasok. Tara sa bahay o iuuwi kita?" tanong nya. Umiling ako. Wala ngayon sila Mommy sa bahay, ayoko din naman sabihin kay Kuya at baka may ginagawa sya.

"Walang tao sa bahay nila, Jigger." narinig kong sabi ni Elle.

Naramdaman ko namang bumaling uli sa akin si Jigger, "Iuuwi na kita."

"Wag na nga. May klase ka pa, importante yon." maraming gawain ang Compsci ngayon kaya ayokong mastorbo si Jigger sa ginagawa nila.

"Mas importante ka," ramdam ko sa boses nya ang pagaalala.

Hindi ko na nagawang makasagot. Narinig kong may ipinaalam sya kay Elle tapos tumayo at kinuha ang bag ko.

"Bubuhatin kita?" tanong nya. Pinilit kong tumayo para hindi nya na ako buhatin. Inakbayan naman nya ako at inalalayan.

Habang naglalakad kami sa corridor, pinagtitinginan sya. As in, sya lang talaga. Whatever! Panget naman yan, e.

"Ano kayang nangyare kay Louise? Buntis?" rinig ko pang bulong nila. Leche! Alam ko namang hindi ako buntis.

"Ghine!" tinignan ko sya.

"Mark.."

Nilapitan nya kami, "Anong nangyare?" sa akin lang sya nakatingin.

"May lagnat, pre." simpleng sambit ni Jigger.

"Sakitin ka padin. Teka brad, dadalhin mo ba sya sa clinic?"

"Sa bahay." sagot ni Jigger.

"Sa clinic nalang, baka may klase ka pa. Ako nalang magaalaga." ani Mark at akmang hahawakan ako.

"Ako na. Ako boyfriend." tinignan ko si Jigger. Nakatitig lang sya kay Mark.

"Sige na, Mark. Mas kumportable sa bahay nila," badtrip si Jigger, Mark. Wag nang makulit. Nagdasal ako na sana pumayag si Mark.

"Sure ka? Palagi kitang inaalagaan dati, gamay ko na sakit mo." oh gosh..

"Anong gusto mo?" inis na sabi at tumaas ang mukha ni Jigger.

"Wala naman, pre. Ang gusto ko lang, ako magalaga sa kanya."

"Please.." yumuko ako. "Tara na, Jigs."

Aapila pa sana si Mark pero hinila ko na agad si Jigs. Pag dating namin sa sasakyan nya, tahimik pa rim sya. Nagseselos to.

Sumandal ako at pumikit. "Please, Jigs. Isipin mo muna kalagayan ko bago mo mabunton sa akin iyang galit mo." Pinangunahan ko na sya.

"I'm not." Seryosong sabi nya habang nakafocus sa pagdadrive.

"You're not, pero hindi mo ako iniimik?"

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon