Chapter 12

2.1K 86 20
                                    

More Comments, more Update!

Nagstop over kami sa Palaisadaan sa Tarlac para kumain at magCR.

"Sayang tulog si, Rene." Ani Wendy. Ayaw kasi ipa-gising ni Trigger, sabi nya ay bibilihan nalang daw nya sa Mcdo mamaya. Hindi din kasi mahilig iyong si Irene sa seafood.

Hindi rin kami nagtagal doon. Nakatulog ako buong byahe sa sasakyan. Nakahilig lang ako kay Jigger at wala naman siyang reklamo. Nasa Pangasinan naman na din kami at malapit na sa White House.

Nang papasok na kami sa loob, saka lang ako nagangat, "Did you sleep?" Tanong sa akin ni Jigger. Umiling naman ako at ngumisi.

"Hindi masyado," napansin 'kong inunat nya ang kanyang braso, "Sorry. Namanhid?" Tanong 'ko. Ngumiti sya at kinurot ang ilong 'ko.

"I'm fine, boss." Aniya. Napangiti din ako.

Nakashades kaming mga girls sa gilid habang ang mga boys ay nagbubuhat ng gamit namin papasok sa bahay.

Pumunta naman sa tabi 'ko si Jigger at inakbayan ako, "Tara, pasok na tayo." Lumingon naman ako kela Irene, papasok na din sila.

Nanuod lang kami ng TV at hinihintay ang iba para magswimming na. Dumating iyong kaibigan ni Sky na si Tranx kaya asar na asar si Irene.

Nagpalit na kami ng Two-piece, "May 'Dylan' sa balakang ni Irene, o." Natatawang sabi ni Jigger sa akin, sinampal 'ko naman sya. "Aray! Si Tey din, o."

Inasar namin si Tey at Irene na may tattoo sa kanilang katawan.

Nasa cottage lang ako habang lumalangoy sila sa dagat. Madaming bumabagabag sa akin kaya siguro wala ako sa mood. "Tara dun, Louise!" Aya sa akin ni Ley. Tumayo naman ako at nakipagbasaan na sa kanila.

Napatingin ako sa iilang nags-skimboard nang biglang may maghagis ng t-shirt sa akin. Nag init ang pisngi 'ko nang makita 'ko si Jigger na seryosong nakatingin sa akin.

Juskopo, tingin palang ay namumula na ako. Hindi naman ako ganito dati sa kay Jigger, bakit ganito ang epekto nya ngayon sa akin?

Isinuot 'ko naman iyon at sumunod sa kanya sa Cottage. Kami lang dalawa ang naroon.

Tahimik lang kaming nanunuod sa mga kaibigan namin. "What's your answer?" Napakunoot ang noo 'ko at nailipat ang tingin 'ko sa mukha nya. Anong sagot?

"Huh?" Nagiwas naman sya nang tingin at lumunok.

"Iyong sinabi 'kong inlove ako. Wala ka manlang sagot?" Ano? Ipapamukha nanaman nya sa akin inlove sya, samantalang ako ay sa kanya? Aba'y iba!

"Congrats?" Ayan na punyeta yang Congrats na gusto mo. Laklakin mong gago ka!

Mukhang nairita naman sya. "Iyon lang?" Ano pa ba? Gusto mo ay kumpletuhin 'ko?

Umirap ako. "Congratulations?" Ayan na! Isaksak mo sa lungs mo ang Congratulations 'ko.

Lumapit ang tumatawang Chad sa amin. "Tss," tumayo sya, "Nevermind."

"Never don't mind about a thing~" kumakantang sabi ni Chad. Umalis si Jigger at tumabi kay Trigger.

"Buti at hindi ka pa naging sirena?" Umirap ako kay Chad. Tumawa naman sya. "Ay kabayo ka nga pala." Napawi ang tawa nya at sumimangot.

"Ganyan ka na sa akin ngayon, Louise ah." Sabi nya. Umiling nalang ako habang tumatawa.

Magka-room kami ni Jigger. Narinig 'ko naman ang ilang mura ni Trigger nang malaman nya kung sino kasama ni Irene.

"Tulog na tayo, pagod ka pa." Ani Jigger. Iniwan naman namin si Trigger na mukhang papatay na doon sa sala.

"Clean yourself before you sleep." Aniya. Tumango naman ako nagdiretsyo sa CR, nagtagal ako nang 40 minutes sa CR. Paglabas 'ko ay nagpapatuyo na nang buhok si Jigger.

"Saan ka naligo?" Tanong 'ko. Napatingin naman sya sa akin at ngumisi.

"Sa baba. Kinausap 'ko din kasi si Trigger." Tumango ako at tumabi sa kanya.

"Anong sabi?" Tanong 'ko. Umayos naman sya ng upo at humarap sa akin.

"Ewan. Indenial pa siya e," sabi nya at tumawa, "Parehas kayo."

Nanliit ang mata 'ko, "At paano mo nasabi na Indenial ako?"

Inilapit naman nya ang mukha nya sa akin at nakangiti nang nakakaloko. "Sabihin mong hindi ka inlove?" Napaiwas naman ako nang tingin at lumunok.

"H-hindi 'ko naman deni-deny iyon." Nilingon 'ko uli si Jigger at naglalaro ang ngiti nya sa labi nya.

"Kanino?" Tanong nya. Saiyo gago! Saiyo ako inlove. Ikaw lang. Ngunit hindi 'ko masabi. Matagal bago ako nakasagot. Ano ba dapat 'kong isagot? Magbanggit ba ako nang ibang lalaki? Sino?

"Kay God?" Patanong na sagot 'ko. Tumawa naman sya.

"So innocent, baby." Hinalikan nya ang ilong 'ko at humiga na. "Let's sleep." Niyakap nya ako.

Sino kaya ang gusto ni Jigger? Siguro ay nakaka-isang oras na akong iniisip iyon. Isa kaya iyon sa kaibigan namin? Classmate nya? Wala naman syang kababata kundi kami lang. Ako kaya? Malamang, Louise hindi! Assuming frog. Maingay ka, masungit, straightforward, hindi ka ideal girl nang kahit na sinong lalaki.

Napatayo ako bigla kaya nagulat at nagising si Jigger. "Bad dream?" Tanong nya. Tulog ba ako para magka-bad dream?! Gising ako tanga! Gising na gising nang dahil sayo!

"Hindi. Nauuhaw ako, kuha lang ako nang tubig." Hindi pa rin nya tinatanggal ang kamay nya sa baywang 'ko. Sinubukan 'kong tanggalin kaso ang higpit nang pagkakahawak nya.

"Samahan na kita?" Tanong nya.

"No need. Kaya 'ko na." Dumiretsyo ako nang kusina. Narinig 'kong may ingay sa sala kaya pumunta ako doon, naabutan 'ko si Wendy at Seulgi na namumutla.

"Hoy anong mukha yan?" Lumapit ako sa kanila, para silang nakadrugs.

"W-wala!" Nauutal nilang sabi. I wonder kung anong nangyari?

"Anonga? Mukha kayong tanga. Oh, uminom nga kayo ng tubig." Inabutan 'ko sila nang tubig. Dumating naman si Jigger galing sa kwarto namin at umakbay sa akin.

"Bakit?" Tanong ni Jigger. Sa akin mo pa talaga tinanong, kita mong magkasama tayo kanina!

"Ewan ko, pagpasok nila, ganyan na yan." Sabi 'ko.

"San kayo galing?" Tanong ni Jigger sa kanilang dalawa.

"Sa labas." Hindi makatingin na sabi ni Seul.

"Nakita nyo si Irene at Trigger?" Tanong ni Jigs. Siniko 'ko naman sya, punyeta! May balak ba syang ilaglag iyong dalawa!?

"Anong meron sakanila?" Tanong ni Wen. So nakita talaga nila? Anong bang ginawa ng dalawa at nabuking sila!?

I give up, kailangan na nilang malaman. "Haaaay, huwag kayong maingay ha. Mag-asawa sila." Lalo naman silang namutla. Yan ang totoo, tanggapin niyo nalang.

Pagkarating namin sa kwarto ay hinarap 'ko agad si Jigger. "Ang ingay mo!" Sabi ko tapos sinikmuraan siya.

"Aray! Kasalanan ko bang nakita nila iyong dalawa?" Aniya.

"Sabagay, okay na din yun para alam nila." Sabi 'ko.

Niyakap ako ni Jigger, "Kailangan na natin makuha yung 50K Louise! Magpanggap na tayo" Sabi nya.

Wake up Louise! Your relationship with Jigger is just all about that fucking bet!

"Bukas na, kailangan ko na din ng pera." Ang tanong, mahal 'ko pa ba ang dahilan kung bakit kailangan 'ko nang pera? O nailipat na talaga ang feelings 'ko sa taong kasama 'kong kukuha ng pera?

"Galingan mo ha. Pakiss nga!" Sabi nya kaso binatukan 'ko sya.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon