Chapter 37

1.5K 66 14
                                    

Mamadaliin ko nalang to, tapos i-eedit ko yung part na putol.

Vote, Comment and Enjoy!

----------------



"Oh? Anong nangyare sa inyo ni Jigs? Nanuntok, a?" nagaalalang sabi ni Tey. Siya at si Cupid lang natira dito sa room.


Gumala ang paningin ko sa buong classroom, "Nasan sila?"


Umirap si Cupid, "Umalis na. Nabadtrip kay Jigs, sinuntok ba naman si Trigs at Dylan." siniko naman siya ni Tey.



"Ano ba talagang problema nyo?" nakatingin lang ako kay Tey.


Naiiyak nanaman ako.


Ang bilis niyang maniwala sa mga nakita niya. Wala ba siyang tiwala sa akin? Inisip agad niyang hindi kanya to, e virgin pa nga ako ng magalaw nya ko.


Iniisip nya ba na manyak ako pati kay Clark, e, magpapagalaw ako?


Nakita kong nagpanic si Thea at Cupid, "Hoy Tang ina! Ano ba kasing nangyare?" kahit ang Cupid na walang pakielam sa amin ay heto, natataranta ng dahil sa akin.


"Be..." niyakap ako ni Thea na parang alam niya ang problema ko.


Matagal kong inisip ang mga sasabihin ko. Dapat bang malaman na nila? Ayoko pa. Pero kung itatago ko ng itatago to, hindi kami magkakaayos ni Jigger.



Dumating si Clark na dala dala yung gamit ko, pinakuha ko sa office kanina.




Huminga ako ng malalim, nakatitig lang sila sa akin. This is it. Pumikit ako, "..Buntis ako.." saka humagulgol.



Niyakap ako ni Tey kahit na kitang kita ko sa mata nya ang pagkagulat.



"Thefudge!" halos sabay na mura nilang dalawa.



Nandilim naman ang mukha ni Cupid at sinugod si Clark.



"Kalma, pre!" aniya kaso hindi yun pinansin ni Cupid. Pinagsusuntok niya si Clark.



"Cupid!" sigaw ko.



Marahas namang hinawakan ni Tey ang balikat ni Cupid, "Yan problema sayo, hindi pa tapos, sugod ka ng sugod!"


"Ikaw ba ang ama? Kaya nagbeastmode yung tang inang Jigs na yon?" galit na sambit ni Cupid.



"Hindi sya! Alam ko! Alam kong kay Jigger, to!" sigaw ni Thea.



"E bakit ganun na lang ang inasta ni Jigs? Dapat nga maging masaya pa yung gagong yun. Alam kong may mali, e." tsaka tinitigan niya si Clark.



Natahimik ako. Kahit pala mga kaibigan namin, maniniwalang hindi kay Jigger to. Ano bang meron sa akin? Hindi naman ako playgirl, a?




Pumikit ako, "Kahit kayo hindi naniniwala sa akin." mahinang sabi ko.



"Ghine.." nagaalalang tawag ni Cupid.



Tinignan ko sya habang tumutulo ang luha ko, "Sino bang akala nyong mahal ko? Sino bang boyfriend ko? Sa tingin nyo ba kung kani-kanino nalang ako magpapabuntis?" lumunok ako. "M-malandi ba ako sa paningin nyo?"



Lalapitan sana ako ni Cupid pero pinigilan sya ni Tey. "Wag ka ngang lalapit, TH ka kasi!" hinila na niya ako paalis don pero bago kami makaalis ay may bilin siya. "Walang makakaalam neto, ha? WALA! Kahit yang... Anna mo!"




The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon