Chapter 7 (Revised)

2.2K 82 3
                                    

"Bahala sya! Wala syang pake kung malasing ako ngayong gabi." inis na bulong ko sa sarili ko. Talaga naman eh! Sya pa nga minsan ang nagsasabi sa akin na hanapin ko daw yung pake nya sa Google, tss.

"Hoy! Sinong kausap mo?" napatingin naman ako sakanya. Papasok palang sya sa bahay at nagtatanggal ng sapatos habang nakasabit sa braso nya ang jacket nya.

"Wala! Naiinis ako sayo kasi ang tanga mo." kunwareng dahilan ko. Pero naiinis din talaga ako sa kanya kasi ang landi na nga ng asawa nya, okay lang sa kanya.

"Toyo!" binato nya sa akin yung jacket nya at umirap, "Ano nanaman ba?!" tanong nya. Binato ko din pabalik sa kanya yung jacket sabay irap.

"Nasan asawa mo?" tanong ko. Dumiretsyo naman sya sa ref para kumuha ng maiinom.

"Nanlalandi..." simpleng sagot nya. Kahit naman hindi nila mahal ang isa't isa dapat ay marunong rumespeto si Trigger.

"Tapos wala ka paring ginagawa? Hinahayaan mo lang?" nilapag nya yung baso sa mesa at itinaas ang kilay sa akin.

"Wala akong magagawa kung si Joy ang gusto nya. Tsaka hindi ko naman sya gusto!" tss, ang hirap kasi sa kanila, pumayag silang ikasal tapos iba naman pala ang gusto.

Sabay kaming pumunta sa sala at nanuod. Inagaw ni Irene ang remote kay Cupid, "Ang bilis mo ah. Nasan si Ate Shane?" tanong ni Irene.

Sumimangot naman ang mukha ni Cupid, "Probably with her cheating boyfriend..."

Ayaw nya sa Boyfriend ni Ate Shane. Well, lahat ng boys, kasi kilala nila si Jackson, sabi nila ay babaero daw iyon.

"Makakatikim talaga sa akin ang isang yun kapag niloko si Ate Shane." sabi ni Chad.

Tumango naman kami ni Irene, hindi din naman kasi namin kilala iyong si Jackson. Ang kilala lang namin ay ang kanyang pinsan na si Bambam kasi nanligaw din iyon kay ate Shane.

"Louise, tubig nga!" napairap ako sa dumating.

"Kahit manuyo yang lalamunan mo, ay hindi kita kukuhanan ng tubig!" sigaw ko sakanya. Narinig ko namang tumawa sya at nagbukas ang aming ref.

Nagsi-datingan naman ang lahat. Inayos namin ang rooftop para sa session.

"Akala ko ba ngayon ang dating nila Mommy?" tanong ni Vers. Yun din ang alam ko, e.

May business kasing tinayo ang parents namin sa White House and since sa Daddy ni Sky iyon ay si Sky ang nagbabantay madalas.

"Well, nagtext ata kay ate Shane si Daddy..." sabi ni Cupid.

"Ang saya siguro dun sa White House 'no?" sabi ni Joy. Inakbayan naman sya ni Trigger habang nakangisi.

"Gusto mo bang pumunta? I can take you there if you want." malanding sabi nya. Tinignan ko naman si Irene na inubos agad ang isang shot.

"Good idea!" sabi ni Elle.

"Kailan ba ang dating ni Sky, Irene?" tanong ni Der. Si Irene kasi ang pinaka-close ni Sky kaya baka may nabanggit or baka nagkakatext sila.

"I don't know. Ang sabi nya noong December ay ngayong Feb daw." Feb? Malapit na ang birthday ni Chad at Tey ah?

"Sakto! Malapit na ang birthday ng dalawa," tinuro ni Jigger si Tey at Chad, "Taya kayo!"

"Bayan! Wrong timing naman ang dating ni Sky. May date ako nun, e." sabi ni Chad at tumawa.

"Date mo mukha mo! Ni hindi nga kita nakikitang may kasamang babae, laging si Dylan kasama mo!" sabi ni Irene.

Naghiyawan naman kami nang bromance.

Naputol ang tawa namin ng may kumalabog sa pinto, sabay-sabay kaming napatingin doon.

Nakatayo ang isang matangkad, maputi at nakastraight face na si Kuya Thunder.

"Dude!" isa-isang tumayo ang mga boys para salubungin sya.

"Where's Mom?" tanong nya sa akin.

Nilingon ko naman sya, "Nasa White House..." tumango naman sya.

"Thunder! Sama ka sa White House pag uwi ni Sky?" tanong ni Elle.

"Maybe." umupo sya sa gitna namin ni Jigger. Problema neto? May bakanteng upuan naman sa tabi ni Chad, a?

"You should, Thunder. Ang dami mo nang utang sa amin, ni hindi mo nga alam mga nangyayari sa amin." sabi ni Jigger, tinignan naman sya ni Kuya.

"I know, Jigger." makahulugang sabi nya. Inabot naman nya ang binibigay na shot ni Dylan at ininom, "Kayo na?" tanong nya kay Xander at Ika. Namula naman si Ika at umiling si Der. Si Kuya ay parang si Der, bihira lang magsalita pero straight to the point.

"Mahina yang si Love boy, e..." humahalakhak na sabi ni Trigger.

"At ikaw ay malandi?" tumatawang sabi ni Ley. Sumimangot naman sya.

"Si Joy lang kaya." sabi nya. Namula naman si Joy. Ininom ko agad yung shot!

Nakakasuka ka Trigger! Magsama kayo ng Kambal mong babaero din.

"At Irene? Tss..." narinig kong bulong ni Der at umirap. Mukhang hindi naman nila narinig kasi walang nagreact.

"So, Thunder! Ano na balita sa'yo, pre?" Tanong ni Chad.

"Nothing special, really. Kayo ba?"

"Wala namang nagbago!" Humalakhak pa si Cupid.

"Yeah, walang nagbago... pati feelings mo kay Teysha, diba?" Ngisi ni Ley.

Napawi naman ang ngiti sa labi ni Cupid at biglang nagseryoso.

"Nasan si Thea?" Tanong ni Kuya pagkatapos lagukin ang kanyang shots.

Walang nagsalita sa aming lahat. Parang nagpapakiramdaman.

"Nasa ibang bansa, nag move on!" Umalingawngaw sa buong roofdeck ang tawa nya.

Napansin nyang sya lang ang nagreact kaya agad nyang ininom ang shot niya.

"Good for her..."

Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay ni Jigger sa siko ko. Nilingon ko sya. Nakikipag kwentuhan lang sya kay Verns.

"Jigger, kamay mo..." inis na sabi ko.

Nagulat naman sya kaya agad syang bumitaw.

"Sorry, akala ko bakal, e."

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon