Chapter 45

1.7K 63 13
                                    

Napakunot ang noo 'ko nang may naramdaman akong ewan sa labi 'ko.

Unti-unti akong dumilat at nakita 'ko ang sobrang lapit na mukha ni Jigger.

Nakapikit sya habang hawak ang labi 'ko. Ang weird naman neto!

"Hoy ano?" Napadilat sya ngunit ang kamay nyang nasa labi 'ko ay nandon padin.

"What?" Halos mamula ang buong mukha 'ko nang marinig 'ko ang husky nyang boses habang seryosong nakatingin sa akin.

"Huwag kang ganyan. Baka maisip 'kong mahal mo padin ako." Lakas loob 'kong sabi. Kanina pa kasi sya! Nakakadurog na nang puso.

Tumawa sya, "Okay lang 'yun. Iniisip mo lang naman e."

Hinampas 'ko sya at inalis ang kamay nya sa mukha 'ko. "Leche ka! Ganyan ka naman e. Lagi mo nalang ako pinapaasa."

"Kung anu-ano kasi iniisip mo." Inunan nya ang braso nya at pumikit habang nakangisi. "Sino ba nagpaasa sayo? Tara, resbakan natin!"

Sinamaan 'ko sya nang tingin at sinapak 'ko ang mukha nya.

"Aray! Ano ba?!" Inis na sambit nya.

"Sabi mo resabakan, edi yan! Gusto mo makatulong sa akin? Suntukin mo yang mukha mo!" Sigaw 'ko sakanya. Ang galit na mukha nya kanina ay napalitan nang tawa.

"Really? Inlove ka pa din sa akin?" Tanong nya. Ngumisi sya, "Well, hindi na bago."

Inabala 'ko nalang ang sarili 'ko kay Zech. Nakakabwisit kausap si Jigger! Baka mapatay 'ko pa ang isang 'to, paano nalanv ang anak 'ko? Tsk.

"Bobo na nga, feeler pa!" Bulong 'ko.

"Hindi ka padin nagbabago." Aniya habang nakangisi.

"So?" Mataray na sabi 'ko.

"Kaya ka nasasaktan e. Nasan na si Clark? Iniwan ka din? Tamo, isang araw iiwan ka din ni Mark." Nanliit ang mata 'ko at walang sabi-sabing sinampal 'ko sya.

"Hindi ako iniwan ni Clark! At hindi din ako iiwan ni Mark. Ikaw lang naman ang bobong nang-iwan nang anak." Nagiinit ang buong mukha 'ko at alam 'kong pulang pula na ako ngayon.

"Oy, joke lang!" Sabi nya pero inirapan 'ko sya. Pagtapos mo ipamukha sa akin ang lahat, saka ka magsasabi nang 'joke lang'? Na akala nya mabubura nang joke lang 'yung sakit?

Tumayo ako at binuhat si Zech. Ikaw naman ang iiwan 'ko, bwisit ka!

"San kayo pupunta? Tulog pa si Zech!" Tumayo din sya at pinigilan kami.

"Aalis na kami. Wala kang kwentang kausap!" Sigaw 'ko pero tumawa lang sya.

"Masyado ka namang seryoso! Lagi naman tayong nagbibiruan dati, diba?"

"Ewan 'ko sayo! Dati 'yun. Iba na sitwasyon ngayon, Jigger. Ang bobo mo talaga!" Hindi sya sumagot, niyakap nya ako bigla.

"Sorry na nga e. Binibiro ka lang, hindi 'ko naman na kayo iiwan."

"Sabi mo lang 'yan! Tapos aasa nanaman ako? May Ayu ka na, diba? Babaero!"

"Anong gusto mong gawin 'ko? Sabihin mo lang." Sinusuyo nya ako gamit ang boses nya.

"Pag sinabi 'ko ba, tutuparin mo?" Tanong 'ko.

"May tiwala ka ba sa akin?" Umiling ako.

"Ayawko nang masaktan."


"Sabihin mo... sabihin mo kung anong dapat 'kong gawin."


"Stay with us tonight." Alam 'kong hindi sya papayag. May lakad sila ngayon nang girlfriend nya. Mabibigo nanaman ako.

Hinarap nya ako habang nakangiti, "Patulog ako sa kwarto nyo, a?"

Nanlaki ang mata at bibig 'ko, "Really?" Tumango sya. "Paano 'yung lakad mo ngayon with Ayu?"

Kinurot nya ang pisngi 'ko, "Chismosa!" Sumimangot lang ako, "Tara?" Tumango ako at inalalayan nya ako papasok sa sasakyan.

"Bakit pala tito lang pinakilala mo? Akala 'ko ba hahayaan mo akong makabawi?" Tanong nya habang nagmamaneho.

"Ikaw kasi. May lakad ka pala ngayon."

"Cinancel 'ko na. Mas importante na makilala 'ko ang anak 'ko." Anak, Louise! Hindi ka kasama sa importante.

Pagdating namin sa condo, pinahiga 'ko na si Zech sa kama nya. Pumunta ako sa CR para maligo, si Jigger, tinitigan si Zech.

Oh my! San matutulog si Jigger? Dalawa kasi ang kama dito sa kwarto, isa kay Zech, isa sa akin. Pero siguro don sya kay Zech.

Paglabas 'ko, napatingin sya sakin. "Ligo ka?" Tanong 'ko.

"Wala akong dalang damit." Aniya habang nagkakamot nang batok. Ang cute! Sarap tirisin.

"Hihiram ako kay Mark, teka. Antayin mo ako."

"Teka, ganyan ka pupunta sa condo nya?" Nakakunot noo nyang sabi.

Tinignan 'ko naman ang suot 'ko. Sando at short. "Eh ano? Lagi naman akong nakaganto."

Nanliit ang mata nya. "Kahit nandito sya?"


"So?" Nakataas ang kilay 'ko.

"Anong so? Magpalit ka! Nakakainis kaya makita yang katawan mo. Hindi ka na nahiya dun sa tao." Inis na sabi nya.

"Bakit ba? Ikaw lang naman ang naiinis a? Hindi naman sya!" Sigaw 'ko.

"Shhh! Tulog si Zech! Magpalit ka na. Ang panget mo." Sinuntok 'ko naman ang braso nya.

"Kainis ka! Dyan ka na nga!" Tinalikuran 'ko sya pero hinawakan nya ang braso 'ko.

"Magpalit ka sabi! Ang tigas nang ulo mo! Asan ba mga maayos mong damit? Gusto mo ata ako pa magpalit sayo e."

"Nevermind! Ako na! Inis!" Nagmartsya na ako para magpalit. Mahabang pajama at long sleeve ang pinalit 'ko. Paglabas 'ko nang CR ay naka-abang sya sa labas.

Ngumisi sya nang makita ang suot 'ko. "Good!" Ginulo nya ang buhok 'ko.

"Bwisit!" Sigaw 'ko at umalis na. Init na init ako sa suot 'ko.

Kinatok 'ko si Mark. Ilang katok lang ay bumukas na eto. "Woah? Balot na balot ka a?" Gulat na bungad nya sa akin.

"Tsk. Pahiram nang damit, short at brief!"

"Bakit? Magpapakalalaki ka na ba?" Natatawa nyang tanong.

"Basta! Pahiram na, dali!"

"Eto na! Ikaw na nga manghihiram e. Upo ka muna." Binuksan nya ang pinto nya.

"Hindi na, dito nalang ako." Baka may masabi pa si Jigger.

Pagkaabot nya nang mga hiniram 'ko ay agad 'ko namang inabot ni Jigger. Nakangisi padin sya sa akin.

"Para tayong magasawa." Sabi nya at pumasok na sa CR. Hindi 'ko alam kung bakit ako namula. Kainis! Naiimagine 'ko tuloy.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon