Chapter 40

1.7K 60 12
                                    

Bumaba ako ng sasakyan habang tinatanggal 'ko ang shades 'ko. Amoy pilipinas. Amoy pollution!

"Zech baby!" napangiti ako. Nilingon 'ko sya at kinuha ang baby 'ko.


Ngumiti sya sa akin, "Tinawagan mo na sila Irene?" tanong nya.


Tumango ako, "Yup! Nag set-up na agad sila ng lakad."


"You sure you okay? Baka mamaya..."


"I am okay 'nukaba! Tsaka hindi 'ko naman ipagkakait ang anak namin 'no." ngumiti ako.


Three years ago, nalaman ng magulang 'ko na buntis ako. Galit na galit si Kuya, sya ang nagdesisyon na umalis ako ng pilipinas. Hindi naman lumabas 'yung issue kila Ninang Taeyeon, just my friends and my family lang nakakaalam.


"Mark, umuwi ka na kaya sa condo mo! Pati ba naman dito sa pinas, mangangapit condo ka!" tumawa kami parehas.


"May ayaw akong iwan, e." aniya at ngumisi. Ngumisi din ako.


"Hanggang ngayon ba naman patay na patay ka sa akin jusko, MOVE ON!"



Napawi naman ang tawa nya at tinignan niya ako ng diretsyo, "Luh assuming! Si baby Zech ang ayaw 'kong iwan. Ganda mo, e!" sarcastic nyang sabi kaya binatukan 'ko na. Leche, e.



Zechariah Luis ang pinangalan 'ko. Nung time kasi na nasa ibang bansa kami ni Mark ay puro bible ang pinabasa niya sa akin kaya ayan tuloy, bible inspired ang pangalan ng anak 'ko hahaha!



Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-ayos. Ngayon kasi 'yung sinet nilang araw ng gala namin, pumunta naman si Irene sa condo 'ko para sabay na daw kaming pumunta don.


"Ang cute naman ng baby Zech namin chuchuchu!" nilalaro nya eto.


"Kamusta na nga pala si Rain?" 'yung anak nila ni Trigger. He's 2 years old, I think?


"Ayun, nagkaroon maraming sugat noon 'nung mag 1 year old palang. Nakalimutan kasi ni Trigger na hindi pa pala marunong maglakad, binitawan tapos tinignan 'yung niluluto! Gago nga, e." humalakhak naman kami. Shunga parin pala si Trigger, inis!



"Sabihin mo nga kay Trigger, pagaralin 'ko uli sya ng elementary. Bobo, e!" tawa 'ko.


"Pero be, paano si Jigger?" nakakabigla naman 'yang tanong nya! Wala manlang warning! Hindi ako ready.


"Kamusta na ba sya ngayon? Baka naman may asawa na 'yun, makisawsaw pa kami ni baby Zech." ngayon 'ko lang din naisip na hindi nga pala imposibleng may asawa na sya. 3 years 'yun, ate Louise!


"Well, wala syang asawa. Pero babae, madami." tumaas ang kilay nya sa inis.


"He's still at it, huh?" dismiyado ako. Buong akala 'ko ay tuloy tuloy na ang pagbabago nya. 'Yun pala, boys will be boys talaga.


"'Nung nawala ka, kaliwa't kanan 'yan! Hindi na din siya masyadong nakikisama sa amin. Pero 'nung 2 years na, okay na sya kaso madami padin talagang babae, e." ngumiwi siya.



Winalang bahala 'ko nalang iyon. Bahala na sya sa buhay nya! Nagdalawang isip din ako kung tama bang sabihin 'ko sa kanya ang tungkol kay Zech. Dahil panigurado, mapipilitan syang akuin ang responsibilidad nya.


Iniwan muna namin kila Mommy si Zech tapos diretsyo Time Out na kami.


"Nandun nga pala si Jigger, paalala lang, sa una nakakadiri ang mga pinaggagagawa niya kasi paiba ibang babae, pero masasanay ka din." nagkibit balikat sya.


Kahit naman dati, ganun na sya. Sigurado namang sanay na ako dun kaya wala nang problema.


Ingay ng musika ang pumungad sa amin doon. Sinalubong naman kami ni Trigger, syempre kasama 'ko si Irene! Galawan talaga ni Trigger, bulok!


"I missed you, Louiseeee! Wala na kaming binubully, e." aniya habang akap nya ako.


Bumitaw na kami, "Sus! Ganyan naman kayo, e. Eto ka, o." hinarang 'ko ang kamay 'ko sa mukha 'ko pero middle finger 'ko lang ang nakatayo.



"Lul! F-you!"


Pagdating namin sa table, andun sila lahat. Pero wala sya. Bakit mo po ba hinahanap ha, ate Louise? Akala 'ko ba wala ka nang pake!?


"Louise, tangina mo! Namiss kita, gaga!"


Sinimangutan 'ko sya, "Purgang purga ako sa mura mo, a?" sasagot na sana sya ng unahan 'ko sya, "You're welcome, Chad!" humalakhak kaming dalawa at niyakap nya ako.



Ang daming nagbago, hindi ako makasabay sa mga kwento nila. Well, sila naman nahihirapang magexplain sa akin kaya okay lang.


Sa kalagitnaan ng tawanan namin ay sumigaw si Liam, "Jigger, pre!"


Napawi ang ngiti 'ko. Unti-unti akong lumingon sa parte nya, hinanda 'ko na rin ang sarili 'ko sa babaeng kasama nya. Kaso pagtingin 'ko ay mag-isa lang sya.


Tumama agad sa akin ang titig nya. "What's up?" kahit na alam 'kong sa aming lahat nya iyon sinabi ay nagmumukhang sa akin lang dahil sa akin lang ang tingin nya.


Ngumiti ako at akmang babatiin din sya nang umiwas sya ng tingin at binaling kila Elle.



"Wala kang toys?" halakhak ni Tey.



"Wala, nakakahiya naman kay Louise, kung magdadala ako. Kararating lang, e." ngumiti siya.



Hindi ako makapagsalita. Sa hindi 'ko malamang dahilan ay nagulat ako sa sinabi nya. Ano ba naman yan, mommy Louise, para kang bata!



Bibiruin na sana kami ng pigilan iyon ni Jigger. Tumatawa sya, "Uy gago tama na! Nakakahiya kayo, tangina nyo!" umupo sya sa tabi ni Ley.


"Dapat kasi hindi nalang tayo nagbar, e! Dapat sa condo nalang ni Louise para nakita 'ko ang baby nating si Zech!" ngumiti ako ng pilit sa sinabi ni Tey.


Alam nilang lahat na may anak ako. Ang hindi lang alam ni Jigger ay kanya iyon.



Kinagat 'ko ang labi 'ko. Tuwing tinitignan 'ko kasi si Zech ay si Jigger ang nakikita 'ko. Hindi malayong maconfirmed na nya ngayon na sya nga ang ama.



"Ano ka ba! Baka magalit 'yung tatay," tumawa si Jigger.



Tumaas ang isang kilay ni Ika, "Hindi ka naman siguro magagalit diba?" tanong nya.


"No!" mabilis nyang sagot saka ngumisi, "Bakit naman ako magagalit?"


"Then, pwede pala tayo sa condo ni Louise," tamad na sabi ni Yeri.


"Huh?" tumawa pa sya. Hindi padin nya iniisip na anak nya 'yun. Bobo ka talaga Jigger! Ikaw ata ang ibabalik 'ko sa elementary! Bobo! Tanga! Shunga! Bulag! Kainis!



"Ang bobo mo 'no?" inis na sambit ni Der.



"Tara nalang ngayon doon, ano? Game? 10 palang guyth!" ani Wendy.



Oh no! Takot akong makita ang reaction ni Jigger pag nakita nya si Zech!

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon