Chapter 38

1.3K 61 5
                                    

Umalis na ako pagtapos nyang sabihin 'yun. Nagawan naman agad ng dahilan nila Tey at Cupid anh biglaang pag-alis 'ko.

At tulad nga din ng sabi ni Irene, bahala na sya sa iniisip niya, basta ako, hindi 'ko ipagkakait sa kanya ang baby namin.


Kinabukasan ay walamg prof sa klase nila kaya bilang President, again, nagbantay ako habang nagsusulat si Hunter. Well, perks of being a Computer Science representative ang peg ni Hunter.


Hawak hawak ko ang ulo 'ko habang nakaupo sa teacher's table. Hindi naman sila ganoon kagulo, nahihilo lang talaga ako.


"Oh? Hindi ka magsusulat?" rinig 'ko ang boses ni Wendy, hindi 'ko nga lang alam kung sino kausap nya.


"Pwede namang picturan," napadilat ako sa rason nya. Hindi ako pinabantay dito para payagan silang picturan ang sinusulat ni Hunter!


"Lagot, beastmode na si Louise!" halakhak ni Chad kay Jigger na nakatitig lang sa galit 'kong mukha.



"Ang bilin po sa akin, magsulat, hindi magpicture." hindi kita kakausapin! Buset! Matuto kang sumunod sa rules.



Tumawa sya, "Ganun din naman, isusulat ko din pagtapos." nanliit ang mata nya sa inis, "Huwag mo nga akong pagtuonan ng pansin,"



WOW! Hindi na nga kita pinagtutuonan ng pansin, kanina pa! Kaso ang paglabag sa patakaran ay hindi 'ko pwedeng iwalang bahala!


"Aw, away away away na 'to~" pakantang biro ni Cupid.


Pumikit ako at piniling huwag nalang syang pansinin. Baka mastress ako, sinamahan kasi 'ko kanina ni Tey na magpacheck-up. Hindi daw makapit ang baby 'ko, at kung mai-stress ako ay may posibilidad na malaglag.


"Pagbibigyan mo si Jigger, Louise?" patampong sabi ni Chad, "Aw! Hindi na rin ako magsusulat,"


Dinilat 'ko ang mata 'ko. Eto ang isa sa dahilan kung bakit ayaw 'kong hayaan ang isa na walang ginagawa kasi malamang sa malamang ay gagaya ang iba!


"Chad, please..." pagmamakaawa 'ko sa kanya. "Hayaan mo lang sya, 'wag kang gagaya."



Bumuntong hininga sya at kinuha uli ang gamit na ibinaba niya kanina, "Okay pooooo!" ngumit ako sa kanya.


Ngumisi si Jigger, "Special treatment sa akin? WOW! I love you, too!" sarcastic nyang sabi.


Hindi 'ko naman sya pinansin. Pilit 'kong inaalala na bawal ako mastress, si baby.


"Okay, kung ayaw mo, manggugulo nalang ako."


Kinausap nya lahat nang nagsusulat at sinasabihan nya ng mga jokes. Ilang babae na din ang natawa sa joke nya kaya nawawala ang focus nila sa pagsusulat.



Really, baby? Alam mong buntis ako. Ganyan ka ba kawalang puso? Ganyan ba kalaki ang galit mo sa akin? Para i-stress mo ako at mapahamak kami ng baby mo?

Ang laki ng galit mo, pero hindi mo naman alam at ayaw mong pakinggan ang tama! Saradong sarado na isip mo, gosh! Ang tanga tanga mo, pero bakit mahal parin kita?


Nang hindi 'ko na mapigilan ang sarili 'ko ay pinalo 'ko na ang mesa. Hindi 'ko na talaga kaya!


Nagulat silang lahat at maging si Hunter ay nagtigil sa pagsusulat. "Hayaan mo nalang," aniya sa akin at tinignan ng masama si Jigger.


Tumawa si Jigger, "Beastmode?" palabas na siya. Ang kabilin bilinan ay walang lalabas sa klaseng eto hangga't hindi natatapos sa pagsusulat!


"Byun Jigger!" sigaw 'ko.


"Louise, chill..." ani Tey saka tumabi sa akin.


Tumigil si Jigger at hinarap ako, "What?"


"Stop being so immature, Jigger!" sigaw ni Tey. Pumikit ako nang maramdaman 'ko ang pag sakit ng tyan 'ko. Oh fudge! Ayokong malaglag si baby!

Ngumisi sya na parang tuwang tuwa kasi stress na stress ako. "I'm not. MagCCR lang ako, ang OA nyo." aniya at lumabas na nang room.

Mahigpit 'kong hinawakan si Tey. Ang sakit na! Naramdaman 'kong nabasa ang legs 'ko, tinignan 'ko 'yun at namutla ako ng makitang dugo. Fudge!


"Tey..." bulong 'ko. Nakita 'ko kung paano manlaki ang mata nya ng makita ang legs 'ko.


"Cupid!" sigaw nya. At instinct na din siguro ang nagpataranta kay Cupid papunta sa akin.


"What happened?"


"She's bleeding! Fudge! Buhatin mo na sya ng maidala sa hospital!" sigaw ni Tey.


Nahihilo na ako. Parang naubusan ako ng dugo sa buong katawan 'ko. Nakita 'ko kung paano nataranta ang buong klase, lalo na ang mga kaibigan namin. Binuhat ako ni Cupid habang nakaalalay si Trigger sa gilid 'ko.


"Jigger..." bulong 'ko, kahit alam 'kong walang dadating na Jigger ngayon sa tabi 'ko. I need him! We really need Jigger right now.



Nandilim na ang buong paningin 'ko. Hindi 'ko alam kung kukuhanin na ng Panginoon ang anak 'ko. Sana ay hindi pa. Gusto 'ko pa syang makarga, marinig umiyak, marinig ang "Mommy" nya, gusto 'ko pang makita ang reaction ni Jigger pag nakita na nya ang anak namin.


Mahal na Panginoon, huwag po muna. Pag gising 'ko po, ipagmamalaki 'ko na sya, I promise.

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon