Chapter 49

1.6K 59 2
                                    

Hapon na nang dumating si Jigger sa condo. Tuwang tuwa sya at may dala pang pasalubong.

"Kanina pa ako nakakapansin, a? Ang saya mo!" sinulyapan nya ako habang buhat nya si Zech.

"Wala lang. Masama ba?" ngumisi sya at nilaro nanaman si Zech.

Itinaas ko ang paa ko sa mesa habang tinititigan ang mag-ama ko. Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang lakas ng tibok nang puso ko. Masaya din ako. Hanggang kailan kaya 'to? Hindi na ako umaasa na magtutuloy-tuloy kaming ganito.

"Mommy! Kakainin na daw ni Zech 'yung Mcdo na bili ni Daddy nya." sabi ni Jigger pero kay Zech padin nakatingin, na parang ito ang kausap nya.

Tumayo ako para kunin sa kusina 'yung pagkain. Inilagay ko 'yun sa plato at ibigay kay Jigger. Sya naman na kasi ang laging nagpapakain kay Zech.

Tumunog ang phone ni Jigger na nasa ibabaw ng upuan. Kinuha ko yun, tinignan ko muna kung napansin ni Jigger na hawak ko ang phone nya pero busy padin sya kay Zech.

Pumunta ako sa kwarto para maghalungkat ng message ni Jigger. Nakita ko ang iilang text doon ni Ayu.

Ayu:

Thankyou for everything! :)

Napakunot ang noo ko. Anong thankyou? Nagkita kaya sila kanina? Kaya ba hapon na dumating si Jigger?

Dahil sa kagustuhan kong malaman ang sagot ay tinignan ko ang sent items nya.

Niyaya nya pala si Ayu kanina! Sinasabi ko na nga ba hindi padin nagbabago si Jigger. Hindi padin sya nakukuntento sa isa, bakit nga ba ako nagtiwala uli?

Nakita ko ang text ni Ninang Taeyeon.

"Alam na nila?!" wala sa sariling sigaw ko. Sht! Pano nila nalaman? Sabi ko naman kay Jigger saka na.

Dali dali akong bumaba. Nakita ko pang nagtatawanan si Jigger at ang anak namin. Binato ko agad ang phone nya.

"Aray! Bakit nasa'yo cellphone ko?!" hinimas nya ang ulo nya na natamaan.

"Ano nanamang kabulastugan ang ginagawa mo?" galit na tanong ko sakanya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala naman akong kabet! Ikaw lang asawa ko." tumatawa nyang sabi. Kinuha ko ang bagay na malapit sa akin para ibato sakanya.

"Hoy Tang ina, Louise, 'wag naman yang vase!"

"Paano nalaman nila Ninang?" tanong ko. Napawi ang tawa nya at natigilan sya.

Tumayo siya, "Tara Zech sa labas, may halimaw dito sa loob ng bahay, e." aniya at akmang lalabas sila pero sinabutan ko sya.

"Tang inang 'yan! Hawak ko si Zech, ano ba!" sigaw nya. Ibinaba nya agad si Zech at hinarap ako. "Mamaya nalang, please? Gusto mo bang makita at marinig nang anak natin ang away natin?" iritang sabi nya.

Inirapan ko sya. Pumikit at para kalmahin ang sarili ko. Nagulat ako nang halikan ako ni Jigger.

"Labas muna kami." nakangisi nyang sabi. Punyeta ka talagang bobo ka!

Nang magdinner kami ay tahimik padin ako. Ayawkong kausapin si Jigger, baka masigawan at masaktan ko nanaman sya. Mahirap magpigil pang gago ang asawa-- este ang tatay nang anak mo.

Pagkatapos kumain ay nagpresenta syang maghugas nang pinggan.

"Ako na, he-he." alam kong hindi sya marunong maghugas pero hinayaan ko lang sya.

Jigger's POV

Habang naghuhugas ako ay nagiisip nadin ako nang idadahilan ko. Tang ina! Ang hirap naman neto!

Hindi ko din alam kung paano nalaman ni Nanay pero kung yan ang idadahilan ko ay alam kong hindi ako paniniwalaan ni Louise.

Kailangan ko na atang magpaalam kila Nanay na ihanda na kabaong ko, dahil pakiramdam ko ay papatayin na ako ni Louise.

"Ang tagal mo naman dyan! Tulog na si Zech." nilingon ko sya at madilim parin ang mukha nya. Damnshit! Eto na. Mamamatay na ata ako.

"Sandali lang. He-he." pinunasan ko ang pawis na lumalandas sa mukhang katawan ko. Lumunok ako nang maramdaman kong nasa gilid ko na si Louise.

"Dalian mo naman! Kanina ka pa dyan!" bahagya akong napatalon sa sigaw nya. Nanginginig nadin ang kamay ko.

Nang matapos akong maghugas ay sinundan ko na sya sa living room.

"Ang init. Hehe" sambit ko at umupo na sa tabi nya habang nagpupunas nang pawis.

"Explain!" hindi ko pa alam ang isasagot ko. Tang ina!

"Hindi ko alam?" ngumiti ako nang pilit. Namula ang buong mukha nya. Sht eto na! Sasakalin na ata nya ako.

"Paanong hindi mo alam?" malamig nyang tanong. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na ganoon ang tuno nang boses nya or what.

Pumikit ako. Sasabihin ko nalang ang totoo. Tutal kung magsisinungaling ako ay mahahalata nya din.

"Pagkarating ko sa bahay galing dito sa condo, sinampal agad ako ni Nanay, tinatatanong nya kung nasan daw si Zech." hindi naman sya nagsalita. Dumilat ako. Akala ko sapak ang aabutin ko pero nakatulala lang sya sa mukha ko kaya itinuloy ko ang kwento.

"Tinanong din kung paano nangyari 'yon o kung itinago mo daw ba sa akin."

"Anong sabi mo?" malamig padin nyang tanong.

"Wala. Wala akong masabi dahil inaayos ko pa ang kung anong meron sa amin ni Ayu. Tsaka alam ko din na kasalanan ko kung bakit nawalay kayo sa akin nang tatlong taon."

Nagiwas sya nang tingin. "Kailan mo sasabihin?" nagulat ako sa tanong nya. Akala ko ay ipagkakait nya kila Nanay si Zech.

"Bukas. Kakaayos lang namin ni Ayu. Louise, wala na kami. Pwede na tayong magsimula ulit." gulat syang napatingin sa akin at ngumisi nang pilit.

"Akala mo ganoon lang kadali 'yun? Na kung hindi ka na commitment, e pwede na ulit? Jigger, hinahayaan lang kita kasi anak mo si Zech." mas masakit pa sa sampal ni Nanay ang isinampal nya ngayon sa mukha ko. Akala ko okay na.

"Louise, mahal mo pa ba ako?"

"Hindi ko masasagot yan, Jigger. Nasaktan mo ako." napapikit ako sa sakit.

Dumilat ako at hinawakan ko ang pisngi nya. "Sabihin mo lang. Sabihin mo lang kung hindi na, liligawan ulit kita. Gagawa ako nang paraan para mahalin mo ulit ako."

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon