Chapter 5 (Revised)

2.4K 99 9
                                    

Nagsi tayuan naman ang mga Officers ko pagka dating ko sa Office. Pumunta ako sa harap, sa table ko saka sila hinarap.

"So, alam nyo naman na kung para saan tong meeting, right?" Hinawakan ko ang marker at pinaglaruan sa aking kamay. "Any ideas?"

Nagulat ako ng halos lahat sila ay nag taas ng kamay. Last year, nga nga lang! Ako lang ang nag isip ng lahat.

"Mas maganda kapag hindi lang sa Sports fest umiikot the whole week..." ani Mikay.

Tumango ako, "Yeah! Yan din naiisip ko..."

"Kaso hindi ba parang Intrams na ang dating nun?" Yeah, right! Tama si Clark.

"Hindi naman siguro lahat ng students ay mahilig sa sports, diba?" Si Hunter.

"Edi yung first day, hindi muna sports agad!" Si Owen.

"Dance Contest?" Tanong ni Lett.

"Parade?" Si Grey.

"Magpa-parade naman talaga kaso nga lang iyong mga players lang. So... pwede na parade!" Sinulat ko sa White board na kailangan 8AM magsisimula na ang parade.

"Since about naman to sa sports, bakit hindi tayo magpa Cheering Contest?" Si Mikay.

Sinulat ko naman ang Cheering Contest. Bawat Department ay kailangang mag present. Inutusan ko naman si Grey para sabihin eto sa mga P.E professors, dahil alam naming hindi sasali ang mga students kapag walang kapalit.

"Dance Contest pa din ba?" Tanong ni Clark. Napa isip naman ako dun. Kasi may Cheering Contest na kami, e.

"Siguro Singing Contest nalang?" Si Lett.

Sinulat ko iyon, "Okay! Tapos ang kapalit ay grades..."

Tumawa kaming lahat sa sinabi ko. Alam na alam namin ang takbo ng isip ng isang studyante.

"Battle of the Bands kaya?" Kumikinang pa ang mga mata ni Mikay ng isuggest nya iyon.

"Pwede din! Para maiba naman..." si Hunter.

Sinulat ko din iyon. Mahigit dalawang oras kaming nagmeeting sa mga gagawin at laking pasasalamat ko sa mga Officers ngayon.

"President! Sabay na tayo sa klase?" Tawag sa akin Mikay.

Inayos ko naman ang gamit ko at tumango sa kanya. Sabay kaming naglalakad sa hallway.

"P-pwede mag tanong?" Alanganing ngumiti sa akin si Lett.

"Oo naman!"

"Bakit ang pogi ni Chad?"

Natahimik ako sa tinanong nya. Sino daw?

Chad?

Tapos ano?

Pogi?

Humagalpak ako sa tawa. Halos mapaupo ako sa sahig sa sobrang tawa ko! Shit!

"Nice joke, Scarlett..." hinawakan ko pa ang tyan ko.

Natigil ang mga tao sa hallway dahil sa tawa ko. The fuck I care! Natatawa ako, e!

"Huh?"

"Girl... hanap ka nalang ng iba," naka ngiting payo ko kay Lett.

"Pogi lang naman, e. Di ko naman crush!"

"I hope so!" Tumawa nanaman ako at umiling.

Si Jigger. Si Trigger. Si Xander. Si Dylan. Si Sky. Si Chad. Mga fuck boys! Well, exept Xander of course!

Naabutan ko si Jigger sa tapat ng bahay namin ng maka uwi ako. Nilagpasan ko sya at binuksan ang bahay namin.

Naka ngising pumasok din sya kasabay ko. Di ko nalang pinansin.

"Wala kang kasama?"

"Obvious ba?" Sagot ko habang tinatanggal ang sapatos ko.

"Sungit mo naman! How's your day?" Tanong nya. Saka ko lang naalala na hindi nga pala kami nagkita sa school kanina kasi nasa office lang ako the whole day.

"Masaya! Kaso BV ulit. Nasa harap kasi kita..." Mapait akong ngumiti sa kanya.

"Namiss mo lang, e!" Asar nya.

Pagod na pagod ako ngayong araw para patulan pa ang pang-aasar nya.

"Umuwi ka na..."

"Ayako nga!" Ngumisi pa sya at nag bukas ng TV.

"Magpapahinga ako..." seryosong kong sabi.

Tinitigan nya lang ako for like one minute saka ngumisi at tumayo na, “I shall return!” paalam nya at nagsaludo pa sa akin.

Nilock ko ang pinto at pumunta na sa kwarto ko. Nagshower ako at nagpalit na nang pajama's. Wala akong kasama ngayon sa bahay kasi yung maid namin umuwi sa province, iyong anak kasi nya, manganganak na.

Si Kuya Thunder naman, may condo na kaya hindi na sya madalas umuwi sa bahay.

Si Mommy and Daddy naman nasa vacation.

Nagising ako nang may malalakas na katok akong narinig mula sa baba. Alas dose na nang madaling araw, bumaba ako upang malaman kung sino ang kumakatok.

“Sino to?” inaantok kong tanong bago buksan. Kasi malay nyo killer diba?

“I-It's me..” anong ginagawa ni Jigger dito? At nanginginig pa boses nya.

“Tulog na ang tao!” sabi ko at akmang aakyat na sana.

“Louise, p-please...” kung hindi lang nanginginig boses mong punyeta ka, hindi kita pagbubuksan.

“Ano ba yun?” inis na tanong ko sa kanya. May yakap yakap syang kumot at unan, tapos pawisan pa sya. Yung totoo, Jigger?

“Can I sleep here?” tanong nya. Inirapan ko naman sya at sinarado ang pinto.

“Hindi pwede!” sigaw ko. Hindi naman sya umimik, paakyat na sana ako kaso naalala ko yung mukha nya na parang takot habang yakap ang unan nya.

Dali-dali kong binuksan yung pinto, nakaupo sya don at nakayuko. Tinadyakan ko sya kaya napatingala sya sa akin.

“Pumasok ka na. Malamig dito.” sabi at nauna nang umakyat. Narinig ko namang nilock nya yung pinto at rinig ko din ang pagsunod nya sa akin.

“Hep! Dun ka sa guest room.” sabi ko sakanya.

“Patabi nalang ako sa'yo. Be-behave ako” parang bata nyang sabi. Wala naman akong nagawa since malaki naman din ang kama ko at may couch pa sa gilid.

Inayos naman nya ang couch, dun nalang daw sya matutulog para maniwala ako na wala syang balak na masama. Tinitigan ko lang sya habang nagaayos.

“Bakit ka nga pala pumunta dito nang gantong oras?” inis na tanong ko.

Umupo naman sya sa couch at tinignan ako, “Wala akong kasama sa bahay..” napalunok sya at nagiwas ng tingin, “I'm scared.” dugtong nya pa. Napatawa naman ako nang malakas! Si Jigger? Yung playboy na hindi nakukuntento sa iisang babae at hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang puri mo, matatakot magisa? Next joke, please.

“Really, Jigger?” natatawa kong sambit.

“Tss.” humiga na sya at hindi ako pinansin pero patuloy parin ako sa pagtawa.

“Stop, Louise.” banta nya sa akin.

“Why would I? Seriously, Jigger! Nasan ang tapang mo ngayon?” natatawa kong sabi.

“Stop. If you don't, I'll rape you.” napatigil naman ako sa pagtawa, “NOW!” dugtong nya pa. Napalunok naman ako at napahiga na sa kama ko.

“Good.” sambit nya nang masigurado nyang tumigil na ako sa pagtawa, “Sleep now, Louise! Goodnight.”

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon