Pinanuod ko ang reaksyon ni mama at nakita ko ulit ang pagkinang ng kanyang mata.

"Diyos ko!" She mumbled. Napangiti si Fray nang bigla siyang yakapin ni mama. "Hindi ko alam na nagkatuluyan din pala sila ng Adam Wadsworth na iyon!" Batid kong natuwa si mama. "Sayang nga lang at kasama siya ni Henry sa aksidente noon."

Bumagsak ang boses ni mama nang banggitin ang panghuli niyang sinabi. Kumunot ang noo ko sa pagbanggit ni mama sa pangalan ng namatay na ama ni Jervis. Tumingin ako kay Fray na ngayon ay nagtatagis na ang bagang dahil siguro sa ala-alang iyon.

"Yes, tita, pero dito na kami naka-base ni mom simula nang mawala si dad." He said, his accent was eerily straight as he spoke Tagalog, like the usual. He released mama on his hug.

"Didn't know that, Fray. I'm sorry." Saad ko.

Fray looked at me, his eyes blank. "Yes. He died on a truck accident with Henry Villegas, tita Mildred's husband, almost a decade ago. That's why I'm so mad at you before... for calling Uncle Phillip bad names. He was a second father to me so you can't blame me if I felt that. You see how lucky you are? You still have a father, waiting to be understood, while I already lost mine."

I nodded at him, indicating that I understand where he's coming from. Napatingin ako kay Mama nang hawakan niya ang kamay ko.

"Grace, maayos na kayo ng ama mo?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim. Ako ang nagtulak ng wheelchair ni mama papasok sa bahay. Sumunod naman si Mang Ronnie kasama ng mga gamit namin ni mama. Wala na si Fray nang lingunin ko siyang muli. Marahil ay umalis na.

"Ma, pakinggan mo kung ano ang sasabihin ni papa, ha? Pakiramdaman mo din kung ano ang sasabihin ng puso mo kapag nagkita kayo." Sabi ko.

Tiningala ako ni mama. "'Nak si Will Almante-"

"Ma, I can handle that. Trust me." I smiled, assuring her. Ayoko na muna siyang isipin. Gusto kong ayusin muna ang pamilya ko. One step at a time, they'd said.

Binuksan ni Mang Ronnie ang double doors ng bahay at nanlaki ang mata ko nang makita ang mga tao sa loob ng bahay nila dad. Akala ko si mama lang ang masosorpresa ngunit hindi pala. Kulang ang sabihin na nagulat din ako.

Nakaisang linya silang lahat na para bang inaabangan talaga ang pagbubukas ng pinto. Sa kaliwang dulo ay naroon si Jen na nakasuot ng pulang midriff top at itim na skirt, tapos si Hannah na naka floral jumpsuit at itim na heels. Nakangiti silang pareho sa akin kahit na may bahid ng pagkailang sa hangin dahil nasa iisang lugar kami ngayon, kasama na si Willard Almante. Nakatayo siya malapit sa kanyang ina at ng isang pamilyar na babae. Nakasuot ang babae ng puting pantalon at floral ding top. Naka-half ponytail ang mahaba niyang buhok at minimal din ang kolorete sa kanyang mukha. I know her. Siya iyong nurse na sumalo kay Willard nang bumagsak siya sa ospital dahil sa panghihina.

Si tita Hazel ay nakaakbay naman kay tito Dan. Sa tabi niya ay si Kimberly, na nakalugay ang mahabang buhok. Ang suot na pulang dress ni Kim ay terno sa long sleeves ni Jervis. Sa tabi ni Jervis ay si tita Mildred, si Tita Ferlin, si papa na nakatayo ngayon at titig na titig kay mama. Tapos si Fray.

"Welcome home, Marianna." Si papa ang bumasag ng katahimikan.

Gamit ang kanyang baston bilang suporta ay lumapit siya kay mama. Lumunok ako at tinignan si Willard, nagbabaka sakaling humugot ng lakas ngunit kabaligtaran ang nangyari. Dumoble ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko ay babagsak ako dahil sa madiin at mabigat niyang pagtitig sa akin. Para bang gusto niya akong lapitan at ikulong sa kanyang bisig. Umigting ang kanyang panga nang pilit na kinukuha ng nurse ang kanyang atensyon. Wala siyang balak mag iwas ng tingin. Hindi ko iyon matagalan dahil pakiramdam ko ay nilalamon niya ang buo kong lakas.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now