2nd Hate: What the hell

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gago ka tala--" bumuntong hininga sya at hindi na tinuloy pa ang kanyang sasabihin at pang aamba ng suntok. "You know what, I don't care. Ganyan naman talaga ang mga losers. All I care now is that we are the no.1 female magazine in the Philippines. Boom, bigla kayong lumagpak sa lupa." pagkakataon naman nya para mang asar.

Tumayo ako at humarap sa kanya. "Kaya ba sinabotahe mo ang mga articles namin?" diretso kong tanong sa kanya.

"What?" gulat nyang tanong habang naka hang ang kanyang mga ngiti.

"Alam mo kung ano ang sinasabi ko Octavio. Oh yeah, bakit ka nga naman aamin sa kalokohan na ikaw ang nagpagawa. But let me tell you this," mas lumapit pa ako sa kanya saka nag lean forward at bumulong. "Alam ko na ikaw ang pasimuno ng lahat ng ito. Kaya mag ingat ka, dahil wala kang idea kung ano ang ginagawa ko sa mga kaaway ko. Hindi ko sila pinapatay agad agad. Dinudurog ko muna sila saka ko ngunguyain saka idudura at aapakan." Tumayo na ako ng ayos at tumingin na ng diretso sa kanyang mata. "That is your destiny. Be careful." pagbabanta ko sa kanya.

Napaatras sya ng may dalawang hakbang mula sa akin. Saka nya inayos muli ang kanyang pustura.

"I don't know what you're talking about. Hindi ako bababa sa standards mo Misteryo. Besides, ikaw ang may tatanga tangang empleyado. Your fault, not mine." nakangisi nyang sagot pero alam kong kontrolado parin yun at hindi na sya makatingin ng matagal sa aking mga mata.

"Pano mo nalaman ang tungkol sa empleyado namin? It's not even out in the public." tanong ni Bernadette ng may pagtataka.

Hindi agad nakasagot si Octavio sa tanong na iyon. Ilang segundo pa syang napaisip ng kanyang itutugon.

"I have my sources." tipid nyang sagot.

"At anong sources naman yan? I bet galing sa batok mo yang radar mo." panunukso ni Mikaela.

"Lance." nakangising bigkas ni Octavio na may kasamang mapang asar na tono ng pananalita. Lance? Sabay sabay kaming napakunot noo sa pangalang sinabi nya.

"Sino naman yun?" tanong ko ng nagtataka.

"Well, it is yours to discover. Gotta go. Bye losers." mabilis na umalis si Octavio bago pa man namin sya mahigit sa buhok. Nag bobouce yung mataba nyang pwet habang naglalakad sa kalye. Maya maya, paniguradong naglalalamugit na baboy na ang itsura nyan dahil sa pawis.

"At sino naman si Lance?" tanong ko kay Mikaela at Bernadette ng makaalis na si Octavio.

"Oo nga. Sino ba yun?" malakas na tanong din ni Mikaela.

"Ugh, sa tingin ko alam ko na kung paano tayo nasabotahe ni Patricia." nag aalangan na pananalita ni Bernadette. "Si Lance yung naging boyfriend ni Jasmine, yung empleyado nating nagkamali. Feeling ko naging spy sya ng lollipop." mabilis na ideyang pananalita ni Bernadette.

Shet.

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

*

Stupid! Sobrang Stupid! Sumasakit talaga ang ulo ko. Hindi na talaga natuto. Ayan tuloy, napasukan na kami ng espiya dito. Kainis!

Nakarinig ako ng tatlong katok sa aking pinto.

Siguro si Bernadette na naman yan. Talaga! Malaki pa ang kasalanan nyan sa akin. Pati kasi sya tatanga tanga. Hindi pa ako tapos ng panenermon sa kanya.

"Pasok!" inis na inis kong sigaw habang nakatalikod mula sa pinto at nakaharap sa overlooking kong bintana.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Sa aking pagharap, iba ang inaasahan ko sa aking mga nakita.

*

"I am stalking you." sagot nya sa akin.

Isang pananalitang mabilis na nagpakunot ng noo ko.

Tingnan mo tong gagong to, ang taas parin ng tingin sa sarili nya.

Ngumiti ako sa kanya. "Well, we don't allow stalkers here. Pwede ka ng lumabas ng opisina ko Mr. Calleja." turo ko pa sa pinto. Yung cool lang. Ngitian mo lang, para akala nya natutuwa ka pa sa kanya kahit gusto mo na talagang buhatin tong mesa at ibagsak sa makapal nyang bungo.

Natawa sya sa sinabi ko saka sya umiling iling habang naglalakad papalapit sa akin. "Jessie, Jessie, hindi ka parin talaga nagbabago. Charm mo talaga yan." nakangisi nyang sabi. Gagong to, lakas paring mang asar.

"Charm? Para lang yan sa mga--" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang bumukas muli ang pinto ng aking opisina.

Napataas ang aking kilay sa pagpasok ng isang mukhang British na babae. Ang una kong nakita sa kanya ay ang kanyang mga mata. Kulay blue, ang lakas kung makakinang nung tamaan ng ilaw dito. Sunod ko ng napansin yung blonde nyang buhok na kulot kulot na pang model. Yung height nya na pagkatangkad tangkad. At yung outfit nya na with matching knee boots na para bang nasa London sya. Pustahan, ilakad nya lang sa baha yan sa Malabon, bota na yan imbis na boots.

"Who are you?" tanong ko ng punong puno ng pagtataka. Ano to, bastusan lang? Wala man lang katok katok.

"Oh, you must be Jessica." muntik ko ng hindi mapick up yung sinabi nya dahil sa British nyang accent. "I'm Beatrice." itinaas nya saglit ang kanan nyang kamay para mag hi. Saka umikot ang kanyang paningin at nakangiting naglanding sa direksyon ni Asher. "There you are Baby," lumapit sya dito saka mabilis na numakaw ng halik sa labi ni Asher. Sa bilis na pangyayari, napanganga nalang ako.

Nanood pa akong hinaplos haplos nito ang pisngi ni Asher. Si Asher naman, kung makangiti, wagas na parang inlababong inlabo. Leche.

Gago tong mga to ah. Anong akala nila dito, motel? Pwedeng PDA ng todo todo?

"Excuse me." pag iinterupt ko sa pagngingitian nila. Lumingon naman sila sa akin. "What the hell are you doing?" ang sarap pagumpugin. Bwiset.

"Ah Jessie, si Beatrice, girlfriend ko nga--" itinaas ko ang aking kamay para patigilin sya sa kanyang pagsasalita. Girlfriend nya. Shet, oo nga naman, isn't it obvious.

"I don't care Mr. Calleja. Get out of my office. NOW." pilit ngiti kong pag uulit na pagpapaalis sa kanila.

"Why get out?" tanong netong Briton. "I'm your consultant. We should discuss things."

Nawala ang ngiti ko sa sinabi nya.

"Excuse me, what?" tanong ko pa bilang pagkukumpirma sa sinabi nya.

"I'm your consultant. Beatrice." nakangiti nyang pagpapakilalang muli.

This is just f*cking great.

**

this chapter has been proofread and revised.


MsRedMonster,

12/07/18

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon