"Marianna Quijano is at the ER, ma'am." Ulit nito.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa aking narinig. Hindi ako makagalaw sa labis na gulat. Pumatak ang luha ko. Si Mama? Nasa ER? What the hell!

"Mom... dad... how is kuya?"

Suminghap ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Kim. Lumunok ako at sinikop ang buong lakas ko upang makaalis doon. Sa paglakad ko paalis doon ay nakita ko si Jervis sa likod ni Kim. Nagtama ang paningin namin at kita ko ang pag aalala sa kanyang mata. Hindi ko alam kung dahil sa akin o dahil sa mga hagulhol ni Kim.

Yumuko ako at tuluyan ng naglakad papunta sa ER.

"Grace!" Boses ni Fray.

Inisang hakbang niya ang pagitan namin. Nakita ko si papa na nakaupo sa sa wheelchair at ang kanyang nurse sa likod.

"Are you alright?" Tanong ni Fray. Umigting ang kanyang panga nang makita ang luha sa aking pisngi. "Damn. Come here, baby." Aniya at niyakap ako.

Humagulhol ako sa bisig ni Fray. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng sandalan. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Nasa ER si mama.

"Si Mama, Fray..."

"Hush. I know, Grace. I know."

Lumapit si dad sa amin at hinawakan ang kamay ko. "Everything's gonna be all right, princess..." aniya, namumula ang mata.

Nakaramdam ako ng awa kay papa. Alam ko na ngayon kung gaano niya kamahal si mama ngunit nangyari pa ito.

Nang mahimasmasan na ako ay naglakad na kami papunta sa ER. Sabi ng nurse na kinausap ni Fray ay kasalukuyang sinusuri pa ng mga doktor ang kalagayan ni Mama.

"Ano po ba ang nangyari?" Hindi ko na maiwasan ang pagtatanong.

Fray tapped my shoulder. Para bang pinapahiwatig niya sa akin na wag na lang magtanong.

"Willard is here, too." Aniya na parang nagbibigay lang ng walang kwentang impormasyon. "I heard he got minor injuries while your mom--"

"Is critical." I continued. Ikinuyom ko ang mga kamao ko at suminghap. "What the hell happened, Fray?! Nagkataon lang ba itong nangyari sa kanila? Please, let me know!" I am damn frustrated!

"Princess... please calm down. We will do anything to make your mom safe." Sabi ni Papa sa aking tabi.

Umiling ako at tumungo kay Papa. Halata na sa kanyang itsura ang pagod ngunit nilalabanan niya ito para may makasama ako.

"Please, pa. You can go home now. You need to rest." Binalingan ko ang kanyang nurse at tinanguan ito.

"Please, assure me that you are fine, Athena."

Huminga ako ng malalim. "I am fine po." I lied. "Please, pa. Rest." Sabi ko at hinalikan si dad sa pisngi.

Binalingan ko si Fray. "Ihatid mo sila, please."

"No way." He said, indignant. "I already called the driver. I won't let you be alone this time, Athena Grace."

Tumango ako sa sinabi ni Fray. Sa tingin ko ay hindi ko rin kayang mag isa ngayon. I don't know if I can handle this. After almost fifteen minutes ay tumawag ang driver nila Fray at sinabing naroon na siya sa labas at naghihintay.

Hinawakan muli ni dad ang kamay ko, para bang ayaw niyang umalis sa tabi ko. Kinukurot ang puso ko. I've been so bad when he left. I called him worst names I can't imagine. Ngayon ay narito na siya, tulay ko na sana ito upang maging masaya kahit masakit pa din ang nangyari sa amin ni Willard. Pero nangyari ito kay mama. Is this what people call a karma? Cause right now, I can feel it on my system. I am indeed facing a karma.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now