46. Don't tell me...

Začít od začátku
                                    

Lumunok ako nang makita ang lumabas na babae. Nakasuot siya ng floral na flowy dress. Her smile is inviting and she has foreign features. Her eyes and lips are familiar. Para kong nakikita ang aking mata at labi sa kanya!

"Athena..." iyon ang namutawi sa kanyang bibig.

Ngumiti siya ng malapad at kita ko ang luha sa gilid ng kanyang mata. Para bang sabik na sabik siya.

"She's home, mom." Humalik si Fray sa matanda. I think she's in mid 60's but her posture is still lively and young.

Suminghap siya at lumapit sa akin. Hindi maalis ang kanyang tingin sa aking mukha. Nag init ang pisngi ko. Para bang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako.

"I'm Ferlin, Athena. C-Can I hug you?" Pakilala niya sa kanyang sarili. Nabasag ang kanyang boses at parang may humawak na kamay sa aking puso nang tumulo ang kanyang luha. "I-I'm your aunt. I'm your dad's sister."

Nalaglag ang panga ko nang yakapin niya ako. Humagulhol siya at humigpit ang hawak niya sa akin. What should I do? Im feeling numb right now!

Lumunok ako at hinanap ang mata ni Fray, humihingi ng tulong. He genuinely smiled at me as if encouraging me. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang aking mga kamay at niyakap pabalik si Tita Ferlin. Napapikit ako dahil sa pamilyar na init dala ng lukso ng dugo. She's my aunt!

Lumaki akong si Papa at Mama lang ang kilala kong kamag anak ko. Nang umalis si Papa ay umikot kay Mama ang atensyon ko. Nag iisang anak si Mama at ang kanyang mga magulang ay namatay noong bata pa siya dahil sa aksidente. Hindi ko alam ang pakiramdam ng magkaroon ng maraming kapamilya. Until Fray comes in, he made me feel like I have a cousin. Another relative, indeed.

"I'm sorry I got carried away."

Kumalas si Tita Ferlin sa yakap. Hinawakan niya ang aking pisngi at inayos ang aking buhok na para bang sinusuri kung ako ba talaga si Athena, ang anak ng kanyang kapatid. Dama ko ang tunay na pagkasabik at pagmamahal sa kanyang galaw.

"You exactly look like your father. Well, you has Anna's glorious hair." Tumabang ang kanyang boses nang banggitin ang pangalan ni mama.

"Asan po siya?" Kinabahan ako nang tanungin ko iyon.

Hindi ko alam kung nasasabik ba akong makita ulit si Papa. I was mad at him! Narito din ba ang una niyang pamilya? May pait akong nararamdaman sa aking dibdib! I don't know if this is the right time.

"You wanna see him, Athena?" Si Fray. Umigting ang kanyang panga at matalim akong tinignan na para bang may gagawin o sasabihin na naman akong hindi maganda kapag pumayag ako sa tanong niya.

Tumango ako.

Ngumiti si Tita Ferlin at kinuha ang kamay ko. Pumasok kami sa loob ng bahay at sumunod naman si Fray. Iginala ko ang aking mata sa loob ng maluwang na bahay. Tahimik ang buong lugar. Pinaghalong kayumanggi at puti ang pangunahing kulay ng bahay. Ang bawat sulok ng pader ay mga paintings ng iba't ibang trademarks sa London. Ang mga sofa, couch at iba pang furnitures ay marangyang nakapuwesto sa living room. Ang center table ay puno ng magazines.

Nang paakyat kami sa second floor ng bahay ay may nakasalubong kaming nurse. Kumunot ang noo ko. Siya iyong nurse na nakita ko kanina sa complex. Naglakbay ang isip ko. Is it possible?

"He's in the library, madam." Anito kay Tita Ferlin.

"Did he took his meds?"

"Yes, madam."

Ngumiti si tita. Nagpatuloy kami sa pag akyat ngunit hindi maalis ang tingin ko sa nurse.

Tumikhim si Fray. Napatingin ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay na tila ba alam niya kung ano ang tumatakbong tanong sa isip ko. Kinagat niya ang kanyang labi, nagpipigil ng ngiti.

His Broken-hearted GirlKde žijí příběhy. Začni objevovat