#19 Childhood memories

3.4K 68 1
                                    



"Ayos ka lang?" Tanong ni Russel habang ginagamot ko yung sugat nya sa side ng lips nya. "ikaw ang dapat tanungin ko nyan ah." Sagot ko sa kanya pero inilingan lang nya ko.

"Ano ng mangyayari sa inyo ni Jac---"

"Tapos na." Sabi ko at niligpit yung first aid kit e. Tiningnan ko sya at nakatitig lang ito sakin.

"Napansin ko lang bakit parang galit na galit kapag may gantong gul---" tinabi ko na muna yung kit sa table at humiga.

"Way back then, there's a group of boys na lagi akong pinagtitripan, kami nung kababata ko." Napalingon si Russel kay Yanna, nakapikit ito habang nagsasalita. Natunugan na ni Russel na ikekwento nya kung bakit.

"Kahit asar na ko sa kanila pilit akong nananahimik. Yung kababata ko gusto ng lumaban kaso pinipigilan ko sya."

"One day, hinanap ko yung kababata ko kasi lagi kaming sabay umuwi nun. Pero nakita ko na lang sya na kasama yung tatlong batang lalaki na laging nangtitrip samin." Tahimik lang na nakikinig si Russel at nakatingin lang sa pader.

"Akala ko kinukuha lang nila yung bag nung kababata ko, mga tipong pinaglalaruan lang pero nagkamali ako. Saktong paglapit ko sa kanila ay paghampas ng kahoy sa braso nung isang bata sa kababata ko. Sino bang matinong bata ang gagawa ng ganun diba?" ramdam sa boses ni Yanna ang inis. Pamaya-maya ay nagmulat ng mata si Yanna pero nakatingin lang sa kisame.

"Ayoko ng ganung senaryo dahil alam kong may masasaktan at masasaktan. Guess what? Naospital yung kababata kong yun para hindi na magkaroon ng gulo, Alam mo ba kung ano ang sinabi nya? Nalaglag yung kahoy na yun na nakasabit sa puno at tinamaan sya."

"May tao talagang gagawa ng kwento para mapagtakpan lang ang isang kamalian. Kita na nga. Huli na nga. Magpapaliwanag pa. Sinong hindi mabubwisit sa ganun?"

Tahimik pa rin si Russel at di kumikibo gayundin si Yanna. Makalipas ang limang minuto ay nagtanong si Russel.

"Anong ginawa mo nung sinabi nya yun?" nagkibit balikat lang si Yanna at sumagot, "Tumahimik na lang ako. Ayokong pumatol sa ganun kasi ayoko ng gulo. Ginawa ng kababata ko yun kasi ayaw nya rin siguro ng gulo. Baka 'pag nagsalita ako gumawa pa ko ng gulo kaya tumahimik na lang ako."

"Ngayon ko lang din narealize na tama yung ginawa ko. Kahit gumawa sya ng kwento para pagtakpan lang yung mga siraulong yun e may sense. Siguro kung nagpaliwanag si Jace kanina, wait hindi lang pala sya marami pa dyan, walang sense ang paliwanag." Umayos ng upo si Russel at sumandal sa pader, paanan ni Yanna. Inayos naman ni Yanna ang unan at tumingin kay Russel.

"Ang bata mo pa nun, matalino ka na." sabi ni Russel sa kanya pero napangiti lang si Yanna. Napakamot muna ng ulo si Russel bago magsalita ulit,

"Nasaan na nga pala yung kababata mo? Ni di mo man lang kasi binanggit yung pangalan kaya for sure di kayo magkasama?"

"Nasa Pluto." Nailing na sagot ni Yanna. Nakaramdam naman agad si Russel kaya hindi na sya nagtanong at nakita nyang may pumatak na luha sa mata ni Yanna kaya agad na lang itong umiwas ng tingin.

"3pm na. Dito na lang ba tayo?" tanong ni Yanna kay Russel.

Tumango lang si Russel, "malamig dito sa clinic e. Nagugutom ka ba?" umiling lang naman si Yanna at pumikit. Wala rin naman yung school nurse kaya hindi sila mapapagalitan. Inaantok na rin sya pero hindi pa sya nakakarating sa dreamland ay may mga naririnig na syang ingay.

His PropertyWhere stories live. Discover now