#36.3

2.6K 43 0
                                    


YANNA'S POV

"What if nagsorry sayo si Jace? What will you do?" napatigil ako sa pagsusulat ng summary ng last topic, obviously it's Jace's. Nilingon ko si Zyrel na nagtanong ng tanong ng iyon, tiningnan ko yung dalawa at mga nakatingin sakin. 'pag nagsorry si Jace? Ano nga ba?

"Let's be serious, so ano?" dugtong ni Rein pero tiningnan ko lang silang tatlo. Ano nga ba ang gagawin ko? Tsaka asa naman ako. "Ewan ko." Sagot ko dahil ewan ko naman talaga, bumalik na ko sa pagsusulat nang matapos na to.

"Nasasaktan din si Jace hindi lang ikaw." Muli, napatigil na naman ako sa pagsusulat. Hindi na ko lumingon sa kanila bagkus ay nakatingin lang ako sa papel. Nasasaktan sya? At bakit naman sya masasaktan? Dahil ba maraming nakasaksi kung gano sya kagago at natapakan ang pagkatao nya?

"We can't just sit here at mag-intay na lang sa mangyayari." ano? Tsk. Nilingon ko sila pero nginitian lang ako nung dalawa, si Vane nakatingin lang.

"Hindi ako kakampi sa mali pero sana pakinggan mo si Jace. Alam mo ba kung bakit? Kasi mahal ka nung tao, sobra pa sa inaakala mo." Tiningnan ko lang si Zyrel sa sinabi nya at hindi nagsalita. Sobra pa sa inaakala ko? Mahal ako? Kung ganun pala bakit nya nagawa yun ha? Tumayo na lang ako at nagpaalam sa kanila na maglilibrary ako kaso hinatak lang ako paupo ni Rein,

"Kailangan ka naming makausap kaya dito ka lang."

"wala naman tayong dapat pag-usapa—"

"meron."

Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan sila, "oh ano ba yun?"

"Bakit hindi ka nagalit nung nalaman mong si Jace ay yung batang---" hindi ko na pinatapos sa pagtatanong si Rein at sinagot na sya, "Past is past. Nagalit ako dahil hindi nya sinabi agad, nagalit ako kasi for the second time pinagmukha na naman akong tanga. Oh okay na?"

"Natatakot lang syang sabihin sayo." Natatakot? Hindi ba dapat matakot sya kasi tinatago nya sakin? Lalo na ng malaman nyang nagalit ako kay Javi? Hindi ba dapat natakot na rin sya noon?

"Bakit nyo ba pinagtatanggol si Jace ha?" inis kong tanong sa kanila. Sinagot naman nila ng sabay-sabay iyon kasama rin si Vane,

"para magkaayos na kayo." Zyrel

"pareho kasi kayong nasasaktan." Rein

"Mahal ka kasi nya." Vane

Hindi ako kumibo sa sinabi nila, e ano ngayon kung nasasaktan ako? Lilipas din naman to tsaka isa pa matatapos na ang school year. "Yanna, lahat ng sinasabi nila totoo. Alam mong ayoko na si Jace para sayo pero mali ako. Akala ko kasi gago sya, oo gago sya pero mahal ka nya." Tiningnan ko lang si Vane ng magsalita ito. Ngayon lang sya nagsalita at bakit ito pa ang sinasabi nya?

Napailing na lang ako at tumayo, "Ewan ko bahala na." iyon na lang ang sinabi ko at iniwan sila sa cafeteria. Dumiretso na ko ng music room para ibigay tong summary sa kanya. Papasok na sana ko sa loob nang may marinig akong mga nag-uusap. Dahil nakaawang yung pinto ay sinilip ko kung sino, sila Jace pala.

"Di ka talaga binibigyan ng pera? *laugh* as in wala talaga?!" boses ni Eric yata yun. Ano bang pinag-uusapan nila?

"Gago oo miski piso wala, nanghiram nga lang ako ng 200 kay JB ngayon e pati kotse ko wala, lakad ginagawa ko."

"nabubugbog ka pa ni tito gwen! Sino ba naman kasing matutuwa sa anak kung nanloko ng babae ha? Diba't nasampal ka rin ni tita nads nang malaman yung katarantaduhan mo kay Yanna?" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Keith at lalo na ng mabanggit ang pangalan ko. Don't tell me wala syang allowance dahil dun?

"Galit na galit nga e. Hayaan na, dapat lang naman yun e." napailing na lang ako sa isip ko at inayos ang sarili. Alangan makinig pa ko? Kumatok lang ako sa pinto at pumasok, natigilan naman sila at tumingin sakin. Dun ko lang napansin na nirerewrite pa rin pala ni Jace yung ibang summary,

"yung summary ng huling topic." Sambit ko at inabot sa kanya. Kinuha nya naman yun at nagpasalamat. Tumango lang ako at lalabas na sana ng room nang tawagin ako ni Mac, "Ah Yanna, pwede ka ba mamaya? Practice sana after dism—"

"hindi e, aalis kasi ako mamaya." Agad kong sagot sa kanya. Napakamot naman sya ng ulo at tumango lang. Tumango lang ako at lumabas na ng room pero bago pa ko makaalis ng tuluyan ay narinig ko pa sila,

"san kaya yun pupunt—"

"susunduin ni Darex yun mamaya, yun dinig ko kahapon."

"selos ka pre? Di mo pipigilan?"

"para namang may karapatan pa ko." May tumapik sa balikat ko kaya muntik na kong mapatalon sa gulat, sa gulat ko ay si Lash kasama si Javi. "anong ginagawa mo dyan, Yanna ko?" nagtatakang tanong ni Lash pero umiling lang ako at pinitik sya sa noo,

"matatapos na ang school year, may 'ko' pa rin ang pangalan ko sayo." Sambit ko sa kanya pero nginisian lang nya ko at inakbayan. "Syempre naman ganun daw talaga 'pag gwapo." Hindi ako nagreact sa sinabi nya pero minura sya ni Javi at hinila ako palayo kay Lash, "wag ka ngang nalapit dyan, may saltik na talaga sa utak." Binelatan ko si Lash at kumapit sa braso ni Javi. "yan ganyan e! Ako na naman kawawa! Lagi na lang ha!" pagdadrama nya at pumasok sa loob ng music room na sakto namang pagkaring ng bell. Tiningnan ko si Javi at nginitian nya naman ako, ngumiti lang naman din ako sa kanya. "ganyan dapat, nakangiti. Hindi yung nakasimangot ka, pumapanget ka." Natatawang sambit nya kaya hinampas ko sya sa dibdib. Bwisit nito!



!!!!

HI. Pakihintay na lang po yung 4 chapters, 37-40 if willing kang maghintay! And yes, 4chaps na lang! Thank you!

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon