#23.3

3K 63 2
                                    


YANNA'S POV

"Akala ko boring talaga yung Christmas Party kahapon pero hindi naman pala." Pagdadaldal ni Vane habang nandito kami sa coffee shop na malapit sa Winston Academy. Dito kami pinapunta ni Russel e. "Buti na lang talaga Christmas vacation na at di ko na makikita yung masungit na teacher na yun." Dugtong pa nya. Hay kay aga-aga ang ingay nya.

"Di ka talaga makaget-over dyan sa teacher natin." Sagot ko sa kanya at tumanaw sa labas ng coffee shop. Nginusuan lang nya ko at naglean sa table. Tiningnan ko sya at nakita kong ngingiti-ngiti sya.

"Tuesday punta nyong Laguna diba?" nakangising tanong nya. Tinanguan ko lang sya. Ano na namang iniisip nito?

"Gala muna tayo before kang umalis. What ya think?" nakangiting tanong nya pa rin. "Saan ba?"

"It's either EK or Sky Ranch Pampanga pero mas okay na sigurong EK tayo? I mean by Monday alis tayo then pag-uuwi na we'll just drop you by sa inyo sa Laguna. What ya think?" napanganga na lang ako sa sinabi nya. Hindi ko akalaing maiisip nya yun pero the heck hindi ko alam kung papayag si Kuya na mauna ako dun sa Laguna. Mukha namang nabasa nya yung nasa isip ko, "Ako ang magsasabi sa Kuya mo. Please please?" nagpuppy eyes pa sya at pinagsaklob ang dalawang kamay. "Bahala ka." Yun na lang yung sinagot ko kaya nagpout lang sya pero ngumiti rin agad. Okay alam kong may idudugtong pa sya.

"What if dun din kami matulog? Isang gabi lang so para di rin kami hassle. Ano? Please?" I sighed. I knew it. -.- "Tsaka hindi pa ko nakakapunta sa inyo dun e. Promise by Tuesday din uwi na kami pagkauwi rin ng Kuya mo." Sabi nya sakin kaya nginitian ko lang sya ng kaunti. Kahit kelan talaga to oh!

"Ikaw ang bahala kay Kuya." Ngumiti naman sya na para bang nakakuha ng limpak na chocolates. Tsk tsk. Kung anu-ano pa ang dinadaldal nya about sa gagawin namin dun at kung anong mga balak nya. "Ang tagal naman nila! Wait. I remembered sabay tayong mag-entrance exam sa Alemoore University ha?" tinanguan ko lang sya at uminom ulit. Sa January pa kami mag-eexam dun dahil nga nakakalimutan namin. Kami ni Vanessa sure ng sa Alemoore University dahil yun ang sabi ng mga magulang namin plus gusto rin namin dun dahil nga sikat na university yun plus maganda ang kalidad. Sila Rein undecided pa rin, it's either Alemoore sila or Caighden University. Kung course naman ang tatanungin nyo, Vane will take Masscom, si Rein Marketing yata, si Zyrel Biology at ako? It's either Marketing or Civil Engineering. Sila Jace? Hindi ko alam ni di ko nga rin alam kung saang university sila e.

"Nandito na sila." Narinig kong sabi ni Vane kaya nilingon ko yung glassdoor ng coffee shop na to. Nginitian ako ni Russel nang makita nya ko kaya ngumiti lang din ako. Kasama nya si Jack ngayon, lumapit na sila samin.

"Hi Yanna! Hi Miss!" masayang bati ni Jack samin at ngumiti. Si Russel naman ay ngumiti lang kay Vanessa. Ngumiti rin naman si Vane, "Vanessa" pakilala nya at nakipagkamay sa kanilang dalawa at sinabi yung name nila. Umupo muna silang dalawa dito. "Sorry kung late kami ah. Inutusan pa kasi kami nung coach ni Ross e pero ngayon okay na. Tara na?" aya ni Jack samin.

"San ba tayo?" tanong ko sa kanila. "Sa school namin. May game kasi dun sa soccer field na malapit kila Klein kaya dito na lang daw sa school." Sagot ni Russel.

"Pwede ba?" tanong ni Vane. Tumango lang silang dalawa, "Yep total varsity naman si Ross. Tara na." dun na kami tumayo at sumunod na lang sa kanila. Si Jack at Vane ay nagkkwentuhan. Yep agad-agad. Dalawang madaldal e, ano pang aasahan? Kami ni Russel tahimik lang na naglalakad papasok sa school nila. Siguro pangatlong beses ko na tong punta dito pero never pa yata akong nagstay ng matagal dito, nadalaw lang. Habang naglalakad kami pinagmamasdan ko lang yung Winston Academy, halos kalawak lang din sya ng LA. May mga ilang tao rin dito na I bet mga estudyante rin.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon