#15.1 Do I?

3.8K 79 1
                                    

YANNA'S POV

"Si Javi?" Tanong ko kay Rein pagkarating ko sa resort.

"Akala ko di ka pupunta e. Ayun!" turo sakin ni Rein. Ngumiti lang ako ng tipid at lumapit na kay Javi. Well, uh birthday ngayon ni Javi. November 8. Kahapon lang ako nainform na birthday nya ngayon at kahapon lang din ako nainform na may celebration daw.

"Hoy Javi!" pagtawag ko sa atensyon nya. Nginitian naman nya ko at hinintuan ako. May dala syang wine? Napapoker face na lang ako ng makita yun.

"Birthday naman e." natatawang sabi nito. Napailing na lang ako at inabot sa kanya yung paper bag na dala ko. "Here. Happy birthday." bati ko sa kanya.

"Salamat" sabi nya at kinuha yung gift ko.

"So i guess they're your friends?" sabay tingin ko sa mga taong nasa pool na. Ka-age namin e at private resort to. Nabalitaan ko rin na sa tita to ni Javi. Tumango lang si Javi sakin at ngumiti.

"Pre!" nakitang kong papalapit dito yung mga kaibigan nya.

"Happy Birthday ulit. Dun muna ko." pagtutukoy ko sa cottage kung nasaan sila Vane. "

 

Yow! Tara palit!" hindi pa ko nakakatungtong ng cottage sinalubong na ko ni Vane at hinila na lang basta basta sa cr. Nakapants pa sya at halatang kakarating lang din. 

"Dahan dahan naman." sabi ko dito pero tinawanan lang nya ko. Pagdating namin sa loob, pumasok agad si Vane sa isang cubicle.

"Hay! Finally! Swimming naaa~ Buti na lang night swimming to~ Nakakaitim ang araw!" hindi ko na lang sya pinansin at pumasok sa isa pang cubicle. Nagpalit ako ng you know what at tinali. Plain black yun tapos pinatungan ko lang ng white sleeveless top. Tinernunahan ko lang ng shorts, tapos na. Nagpusod lang ako at lumabas na ng cubicle. Nakita ko si Vane na nakalabas na rin sa cubicle at nagcecellphone. Nakashort lang din to at sleeveless top.

"Tara." aya ko sa kanya at ako naman ang nanghatak sa babaeng to. Pagdating namin sa cottage binaba lang namin yung bag namin at pinuntahan sila Zyrel at Rein na nakaupo sa tabi ng pool. "Pupunta sila Mac?" tanong agad ni Vane pagkarating namin dun. Huh?

"Oo raw baka mamaya pa yun." sagot ni Rein. Nahalata yata ni Rein na nagtataka ako. Eh kataka taka naman kasi e. Friends sila? Okay. -__-

"Javi and Keith are close friends, remember?" oo nga pala pati sa kalokohan 'pag sumapit ang gabi. Tumango na lang ako. Nagkkwentuhan lang sila habang ako pinapanood yung mga kasama slash yung ibang kaibigan ni Javi na nagsasaya sa pool. Uh. I think nasa 7 sila na nasa pool. Meron pa sa cottage at mga nag-iihaw ng barbeque. They're nice same as Javi. Nginitian nila ako kanina e. Napansin ko ring nandito si AJ at Leann, yung classmate namin na kasama nung movie marathon kila Rein kung di nyo naaalala. May iba rin kaming classmate dito pero hindi ko sila kaclose.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon