#16.2

4.3K 80 2
                                    

"Where's Mr. Montez?" Ulit na tanong ni Ms. Tan habang nagccheck ito ng attendance. Lumingon na lang ako sa labas at nagpatay malisya. Hindi ko alam kung san nagsusuot yun, tsk. Nag-cr lang sila ni Eric pero hindi na bumalik. For sure nagcutting na yung dalawang yun.

Napailing na lang si Ms. Tan at nagsimulang magdiscuss at di na inabala yung dalawang nawawala. Nilingon ko saglit si Vane at hanggang ngayon ay tulala pa rin sya. Hindi ko alam kung bakit, di pa naman kami nagkakausap pero hinala ko tungkol to sa kanila ni Eric. Tsaka lumalayo rin si Eric e sa napansin ko.

 "So as I've said yesterday, we're going to have quiz. Prepare 1/2 lengthwise......."

//

"Hoy Vane! Tulala ka na naman!" Puna ni Zyrel dito at siniko. Napailing na lang ako dahil pangalawa na naman to.

"Share na yan!" Rein at sinubo ng buo yung mini donut. Hindi ko na lang muna sila pinansin at tinext si Jace. Di ko pa rin alam kung nasaan sya, nakita ko kanina si Eric kaso iba ang kasama e. Kaming apat lang ang magkakasabay ngayon sa canteen, yung dalawang kampon ni Jace natutulog sa classroom.

Bzztbzzt.

Jace: Dito ko rooftop. Akyat ka, usap tayo.

Nagpaalam na ko kila Rein at lumabas ng canteen. Mag-uusap kami ni Jace. Yun ang sabi nya. Hindi ko alam kung tungkol saan pero tingin ko iyong nakaraan. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Lash na nakayukong naglalakad to the point na natunggo nya ko.

"So-rry miss!" Agad nyang hinging paumanhin. Nakayuko pa rin sya kaya di nya ko napansin. Tinapik ko sya sa braso at dun lang nya ko nilingon.

"Y-Yanna ikaw pala." Nginitian nya ko pero alam kong pilit. Halata na naman e. Kunot noong tinanong sya kung anong problema nya pero umiling lang sya.

"Wala ah. Pagod lang ako. Sige na una na ko." Hawak ko pa rin sya sa braso at nakatingin pa rin ako sa mata nya. Hindi naman gantong Lash ang kilala ko e. Tsaka sukbit nya ang bag nya at alam kong kakapasok lang nya.

"Tara sa bench." Sabi ko at hinatak ko sya sa labas. Hindi naman sya pumalag. Sabi na nga ba e. Pagkaupo namin, agad ko syang hinarap.

"Hindi ka naman ganyan. Ngayon, anong problema?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang sya. Ni hindi man lang sya makatingin sakin ngayon. Hindi muna ko kumibo at tumingin sa kanya. Napansin kong may sugat sya sa bandang lips nya. Napaaway ba sya? Mga sampung minuto ang nakalipas nang magsalita sya.

"My mom's in the hospital because of my dad. Nag-away sila to the point na inatake si Mama." Ohmy.

"Dun ko lang din nalaman na may sakit pala sa puso si Mama. Si papa? Wala na yatang pakialam samin, ni hindi man lang umuwi kagabi. Idagdag pa kuya ko na nagbulakbol."

"Inang buhay to!" Natawa sya ng mapakla pero hindi nakawala sa paningin ko ang pagpatak ng luha nya. Umiiyak si Lash na laging nakangiti. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero hinawakan ko na lang yung kamay nyang nanggigigil sa galit.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya at umiling lang sya. Hinatak ko na sya patayo at hinila papasok sa canteen, wala na sila Vane dun. Binilan ko ng lunch meal si Lash at pinilit na kumain. Habang kumakain sya tahimik ko lang syang pinagmamasdan. Ang alam ko lang kailangan nya ng kasama.

His PropertyWhere stories live. Discover now