#22.3

3.3K 69 2
                                    


Yanna's POV

"Really? Really? Really? Omg! Buti naman!" Masayang tugon ni Vane sa kabilang linya na muntik ko ng maitapon yung phone ko sa lakas ng boses. Nalingon naman ako sa kuya ko na nakabusangot pa rin sa harap ko. Hmp. Okay. Paulit ulit na kong nagpaalam kay Kuya at ngayon lang din sya bumigay at pinayagan ako na labag pa sa kalooban nya. Birthday ni Vane bukas and she wanted na roadtrip daw.

"Maghanda ka na ng gamit mo! By 7pm you should be here! See you! Mwa! 7 ha? Not 8! It's already 3 so gayak na! bye!" Pahabol pa nya at basta na lang inend yung call. Ang balak nya kasi ay gabi aalis which is ngayong gabi then next day uwi. Yun lang ang sa pagkakatanda ko.

"Bakit kaya di mo na lang ibili ng engrandeng gift si Vane para pambawi sa di pagsama mo?" Napairap na lang ako sa kuya ko. Kahit kelan talaga to oh. Hindi ko na sya sinagot at umakyat na lang sa taas.

"Antae naman oh! Wag ka na ngang sumama baka may mangyari pa sayo!" Pahabol pang sigaw ni Kuya bago pa ko makapasok ng kwarto. Uh! Overprotective masyado! Tsk. Nilock ko na yung pintuan ko dahil baka mamaya e pasukin pa ko ni Kuya. Tsk.

Ginayak ko muna yung mga gamit ko at nilagay sa bag. Syempre yung mga kailangan ko ay nandun na rin lahat. Minake sure ko kung kumpleto na lahat bago ako maligo. Ginawa ko na rin yung dalawang assignments namin para wala na kong gagawin sa bahay at pahinga na lang din. Saturday ngayon then Monday uwi namin, na nasaktuhan namang walang pasok dahil holiday. Mga 5:30 naligo na ko at nagbihis. Dahil gabi na rin naman nagsuot lang ako ng skinny jeans, cream half length long sleeves at black kedds. Nung mapansin kong 6:35 na nagmadali na agad ako at sinukbit agad yung bag ko at dali daling bumaba.

Pagkarating ko ng dining area naabutan ko si Kuya na kakain pa lang. Tingan mo nga tong lalaking to ni di man lang ako tinawag. Binaba ko muna yung bag ko bago ako umupo.

"Labag talaga sa loob mo tong pagsama ko ha? Ni di mo man lang ako tinawag!" asik ko sa kanya habang kumukuha ng kanin.

Inirapan lang nya ako, "alam mo naman pala e. Hoy bilin ko sayo ha! Wag ka---"

"Oo alam na ni Yanna yan! Kanina ka pa paulit ulit e para kang sirang plaka!" Epal ni Ken na kabababa lang.

Sinamaan naman sya agad ni Kuya, "e kung di ka kaya kumain ano?" Pananakot nya kaya agad na tinaas ni Ken ang dalawang kamay nya at umarteng zinip yung bibig. Kakampihan na nga lang ako napurnada pa. -.-"

VANE'S POV

"Huy!"

"Ay late na tinola!" Ano ba naman yan! Kitang busy sa cellphone nanggugulat! Sino ba tong bwisit na to?! Uh! Lumingon ako sa likod at nakita ko si Eric na nakangisi. -______-++

"Sabi mo papunta ka pa lang?! Aba sinu---hmmmp hmmp!" mas sinamaan ko sya ng tingin pero di nya tinanggal yung pagkakatakip ng kamay nya sa bibig ko!

"Ang ingay mo talaga." sabi nya at biglang o//////o

"YAHHHH!!" agad ko syang tinulak at sasapukin na sana nang bigla syang nagtatakbo. Uhh! Kiniss nya ko sa pisngi! Magnanakaw talaga tong lalaking to!

Hahabulin ko pa sana sya nang makarinig ako ng palakpak. Uh! Si mama!

"okay kiddos, hurry up! Mas gagabihin kayo kung di pa kayo lalakad." sabi ni mama at nilingon ako, "Lumakad na kayo at kumpleto na naman kayo. Ayan na si Yanna." napalingon naman ako sa gate at nakita ko nga si Yannababes na kakababa lang ng kotse.

His PropertyWhere stories live. Discover now