#26.1

2.6K 56 2
                                    

THIRD POV

Nagkasundo ang apat na magsabay sabay pumasok ng school kaya ngayon ay naglalakad na sila papuntang room nila. Ngumisi naman si Eric nang lingunin nya si Jace na walang kibo,

"Ano pre? Kamusta? Nagkatext kayo?" Sinamaan naman ng tingin ni Jace si Eric kaya napatawa sila Keith.

"Wag mong sabihin na hindi?"

"Tss. Nung 29 talaga last. Nagtetext ako at tumatawag pero di sinasagot."

"Baka ayaw sayo---"

"Gago."

Inakbayan ni Mac si Jace at ngumisi, "Makamura ka ha. Gusto ka ba naman? Ni di nga umoo ng sabihin mong manliligaw ka e." Natahimik naman si Jace pero hindi dahil kung ayaw nya ay matagal na syang pinatigil.

"Tss. Nasaan nga pala si Cass?" Pagtatanong ni Jace sa kanila.

"Nagbabakasyon kung saan saan. Pre diba sila Yanna yon?" Turo ni Keith sa baba. Nasa second floor na sila nang mapansin ni Keith sila sa baba na tanaw lang sa pwesto nila. Tumigil muna sila sa paglalakad at tinanaw yung tinuturo ni Keith,

"Oo nandun si Vanessa e pero umiiyak ba si Yanna?" Nagtatakang tanong ni Eric. Tahimik lang silang nakamasid sa kanila hanggang maglakad na si Jace at balak yatang puntahan pero nahatak na sya ni Mac,

"Magbebell na. Mamaya mo na lang kausapin, aakyat na rin yang mga yan." Aangal pa sana si Jace nang mahatak na sya nila Mac papasok ng classroom nila. Nang makaupo na sila ay nakakunot pa rin ang noo ni Jace at iniisip kung bakit. Wala naman syang ginawang masama kaya imposibleng sya yung dahilan.

Maya-maya lang ay pumasok na yung apat na babae at pawang mga tahimik. Tahimik lang na naupo si Yanna sa tabi nya. Magsasalita sana si Jace nang pumasok na ang guro nila.

**

Pagkabell pa lang ay agad na lumabas ng classroom si Yanna kaya wala ng nagawa si Jace kundi tanungin si Rein. Si Vane sana ang tatanungin nya pero baka mamilosopo lang yun kaya si Rein na lang ang tinanong nya.

"Ah yun ba? Di ko rin alam e pero don't worry hindi naman ikaw ang dahilan."

"Panong di mo ala--"

"Hindi ko talaga alam. Tanungin mo si Vanessa." Napakamot na lang ng ulo si Jace at hinanap si Vanessa sa classroom pero nakita nya itong nakatayo sa harap ni Javi. Kumunot naman ang noo ni Jace nang makitang parang inis na inis ang mukha ni Vanessa habang kausap si Javi.

Hindi na lang nya yun pinansin at inaya ang mga kasama na kumain. Dumiretso rin sila sa cafeteria kasama si Rein.

"Bakit nga umiiyak si Yanna, pinsan?" Pangungulit ni Mac nang makabili na sila at nakaupo. Napairap na lang si Rein habang binubuksan yung coke nya.

"Hindi ko talaga alam, swear."

Tinaasan lang sya ng kilay ni Mac at Eric kaya napabuntong hininga na lang si Rein.

"Fine. Nung 29 kasi magkakasama kaming tatlo then tumawag si Yanna kay Rein tapos ayun sabi ni Vane samin after that call umiiyak nga raw si Yanna at sinabi lang na about sa kababata ni Vane. Yun lang alam namin ni Zyrel." Sagot nya kaya kumunot ang noo nilang lahat. Napaisip si Jace noon,

"Iyon ba yung picture na nadelete ko? Yun bang kababatang yun ang tinutukoy nya?" Tanong nya kaya tumingin sila sa kanya. Tinanong naman ni Rein kung anong picture yun. Naalala naman ni Jace na meron syang copy nun sa phone nya kaya dali dali nyang hinanap yun at pinakita sa kanila,

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon