#6.1 Protective bro

7K 127 4
                                    

"PIGGY BANK! oink! Oink! Poknat sa ulo~ Maaaataaabaa~ Mukhang baboy~ Ano ngayon?" 

"Piggy bank oink! oink!" 

 

"Grabe sila Jace. May madaang estudyante lang, pinagtitripan na." sabi ni Vane habang umiinom ng juice. Grabe naman talaga sila e, di na kailangan pang ipaalala.

Oo sila. As in silang apat. Kung kilala mo nga si Keith, di mo aakalain na bully. -____- hindi lang pala si bully, basagulero rin. 

Nandito kami sa classroom at break na, pero nandito lang kami sa classroom. Pero heh, dapat pala pumunta na lang ako ng garden. 

"Wala kasi silang magawa kaya ayan." Zyrel habang naglo-lollipop.

"Pero Rein total tayo lang naman ang nasa loob ng classroom at nasa labas yung apat. Sabihin mo nga samin alam mo tungkol sa pinsan mo at dun sa tatlo." Vane.

Nakaupo ako sa upuan ko habang si Vane nasa upuan nya pero nakaharap kami sa pader yung may bintana. Sila Zyrel at Rein nakaupo sa lapag, nakaharap kami sa kanila.

"O sige pero sabihan nyo agad ako kapag may tao na ah, mamaya mapahamak pa ko e." Rein.

"Kay pinsan muna tayo, maayos naman buhay ni Mac. Relationship sa mama at papa nya? Ayos lang walang problema. Sadyang makulit lang at walang magawa sa buhay. Solong anak lang si Mac. Pero tingin ko kaya nagkaganyan yan dahil bored sya at nag-aral yan sa states for 2 years at napabarkada. Alam nyo na, Nabad-influence kaya tinapon ulit pabalik dito sa Pilipinas."

Naimpluwensyahan? Pero dito ganto pa rin? Eh bakit di na lang sya sa states tutal ganto pa rin sya -___-

"Kay Keith? Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya, may pagkamisteryoso kasi. Basta may batang kapatid. Pero alam ko tahimik talaga sya dati, pero hindi naman sya ganto. Naging bully lang sya or nagbago sya nung nagbreak sila ng girlfriend nya."

 o.O woah. MMK. Peace.

"Talaga?!" Vane

"Ahh yun pala narinig ko dati sa mga nagtstsimisan." Zyrel

"....." Ako

"Kay Eric naman. Inborn na talagang ganyan ang ugali nya. Talagang flirt sya sa mga babae, yung makikipaglandian lang pero never pumasok sa isang relasyon kahit flings or serious. What i mean is malandi lang talaga sya. His father passed away, tapos yung mother nya nagtatrabaho pero mabait naman daw syang anak and totoo yun. "

-____- mukha namang inborn talaga e. Mabait daw? Hahaha. 

 

"Last is Jace. Sa kanya wala talaga akong alam. Some basic info oo, pero yung tungkol talaga sa kanya? Wala. 16 years old already, january 25 ang birthday. May younger brother, his parents are working inabroad. He sing pero never kumanta sa ibang tao, Mac and the group heard his voice and sabi ni pinsan, maganda raw boses. Inggit nga raw sya e. He dance, he play instrument. Never been inlove. That's all. "

Basic info nga talaga tsk. Eh ano naman? 

Magsasalita na dapat yung dalawa pero pinigilan sila ni Rein. 

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon