#37-38

3.3K 57 8
                                    


YANNA'S POV

"I'm happy." agad na nabaling ang atensyon ko kay Darex. Hindi sya nakatingin sakin bagkus ay sa mga sasakyan na nasa kalsada. Pagkatapos ng graduation nila ngayong araw agad nya kong sinundo sa school tapos balik ulit sa school nila. Actually, hinahanap lang ako nila Russel kaya bumalik ulit sa school nila tapos diretso kami sa kung saan. Kakain sana kaso tumanggi na ko kaya nandito lang kami sa carpark at nakaupo sa block.

"How's your relationship with your family? Kamusta mama mo?" pangangamusta ko. As time passed by noong nakaraang buwan, naging okay kay Darex even thou meron pa ring takot at ilang pero sabi sakin ni Russel okay naman na si Darex.

"Good. Pabalik-balik pa rin sa hospital for her regular check-ups or pag-inatake but she's fine somehow."

"Ahh. So, wala ba kayong celebration today at inaya mo ko?" tanong ko at tumawa ng mahina. It's just that, pagkatapos daw talaga ng ceremony agad syang umalis.

"There's nothing to celebrate at isa pa my dad is busy with his work. Ang importante lang naman is umattend sila ni mama sa graduation ko, okay na ko dun." nginitian ko na lang sya at uminom ng frappe. Tanaw ang mga sasakyan, may naalala ako. Si Darex loko-loko, he was worse before. Russel told me na mabait naman daw si Darex, loko-loko lang. Mahilig sa gulo, mahilig makipagkompitensya, sa away and etc. Wala naman akong masyadong alam sa kanya. Ang alam ko lang hindi rin maayos ang relasyon nya sa family nya. Yung father nya laging busy, yung mother nya nandyan nga pero di naman nya pinapansin dahil lagi syang nasa kwarto or puro gulo lang ang dala nya, may nakababata syang kapatid na babae na lagi syang sinusungitan. Pero ang kainaman sa kanya, hindi sya nagtatanim ng masamang loob sa father nya kahit busy. Unlike me.

"Ikaw? Kamusta ka?"

kamusta nga ba ko? okay ba ko?

"kamusta kayo ng parents mo? kuya mo?"

"Okay na kami ni kuya. Parents ko? Ganun pa rin busy and I think they can't make it sa graduation ko but that's fine with me, wala ng bago." kahit masakit. kahit nakakapagtampo na kaso wala na naman akong magagawa diba?

"Stop saying you're fine even you're not." Nagkibit balikat lang ako. "If you don't mind, kamusta kayo ni Jace?"

Napatingin ako sa kanya pero umiwas lang sya ng tingin. Simula nung naging okay ako sa kanya, ngayon lang nya binanggit si Jace. "Just asking pero kung ayaw mo, wag na." di nga mapagkakaila na magpinsan sila, mabilis magbago ang mood.

"Kanya-kanya." simpleng sagot ko pero tiningnan lang nya ko. Tumingin na lang ulit ako sa kalsada at inistrech ang paa ko. Nakakatamad, gusto ko ng humiga.

"Kwento mo, i wanna hear it." hindi ko na sya nilingon at uminom ulit sa frappe ko. Siguro mga 3 minutes bago ko magsalita. "After that night, the bully's back tapos ayun himala nadention at muntik pang makickout."

"It's his karma."

"Tapos ayun, nabalitaan ko na lang na pinagalitan sya ni Tito Gwen at wala syang allowance. Ewan ko kung pano nakakasurvive yon. Tapos in an instant, napagkatuwaan kami ng teacher namin at kami ang pinagpepresent sa gradball kaya magkakasama kami. Riot ang nangyayari sa pagitan ni Vane at Eric, nakakarindi na nga e."

"Are you good with them? Kila Eric?"

"Actually hindi. Hindi kami nag-uusap pero casual naman." Wala naman akong galit sa kanila, sadyang hindi lang ako kumportable lalo na't kasama nila si Jace. At isa pa, hindi naman nila ko kinakausap kahit sa small things kaya walang interaction except dun sa kanina na tinanong ako ni Mac.

"At alam mo ba, he's acting weird. Jace. The bully's back but then agad na pumalit yung Jace na tahimik. Ang totoo nyan sila Rein all of a sudden biglang binobrought na naman si Jace as a topic."

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon