#39 Graduation

3.4K 52 0
                                    

GRADUATION

YANNA'S POV

"Wake up princess~ Graduation mo na, you need to prepare now." ang aga pa ginigising na ko. Bakit naman ang agang nagising ni kuya? Alam naman nyang gigising din ako e.

"Come on, get up. Your kuya is preparing our breakfast already." Naghahanda pa lang naman ng almusal ginigising na ko-- sandali. Agad akong nagmulat ng mata at agad na bumungad sakin ang mukha ni mama. Ni mama?

"ma?" Agad na ngumiti sakin yung mukha. Wait. Agad akong napaupo at nagtatakang tiningnan sya. "What. are. you doing here? Akala ko ba marami kang gagaw--"

"Hindi ko naman yata pwedeng palampasin ang graduation ng anak ko." nakangiting sagot ni Mama sakin. Agad akong napakagat ng labi, "mama naman e!"

"Aga-aga iiyak ka. Halika nga dito." mas lalo akong naiyak nang yakapin ako ni Mama. Sabi nya hindi sya makakapunta tapos ngayon manggugulat sya. "Tinapos na namin ng maaga ng papa mo yung mga dapat asikasuhin just to make sure na makakapunta kami."

"You don't need to that, Ma. Alam ko namang busy kayo and that's fine with me."

"I'm sorry, honey. Gusto naming bumawi ng papa mo sayo. Your kuya talked to us and I'm sorry for making you feel that way."

"Ma naman e."

"Sige na maligo ka na para maayusan na kita. Wag ka ng umiyak, mumugto mata mo nyan sige ka." Tumango lang ako at pinunasan ang pisngi ako. Humiwalay na sakin si Mama at tumayo. Nginitian lang nya ko at sinabing pagkatapos ay bumaba na ko.

Am I dreaming?

**

THIRD POV

"Oh my gosh! Tita! Tito! I missed you!" agad na salubong ni Vanessa nang makita sila Yanna na kakarating lang. Nagulat ito nang makita ang parents ni Yanna. Ang akala nya kasi ay hindi ito makakapunta pero she's happy now nang malamang nandito ang parents ni Yanna.

"You're still pretty ha. Kamusta naman ang kaibigan ng anak ko ha?" pangangamusta ng mama ni Yanna kay Vanessa. "Ito tita gumaganda lalo. *laughs*"

Napailing na lang si Yanna at ang kuya nito sa sagot ni Vanessa. Nginitian lang ni Vanessa ang kuya ni Yanna at agad na yumakap kay Yanna. "Gagraduate na tayo, Yannababes!"

"Alam ko. Stop hugging me!"

"Hmp! Tito look! Yung anak nyo masungit pa rin!"

"Yanna!!" agad na nabaling ang atensyon nilang lahat nang tawagin sya ni Lash. Ngiting ngiti pa ang loko habang lumalapit at nagtatakang tiningnan ang parents ni Yanna. Ngumiti lang ng alanganin si Lash kay Ace nang maalala ang unang tagpo nila. "Ganda ng Yanna ko oh! Wag kang tatabi Vanessa, nagmumukha kang chimay."

Bago pa mahampas ni Vanessa ang braso ni Lash ay agad na nagsalita ang papa ni Yanna, Mr. Carl Castro. "Yanna ko? Are you my daughter's boyfriend?" agad na tiningnan ni Lash si Mr. Carlo at ngumiti pero agad ding napangiwi nang magprocess ang sinabi nito.

"You're still the same, Mr. Martin. I told you to stop adding 'ko' to her name if she's not yours." agad na pangalawa ng kuya ni Yanna kaya napakamot ng ulo si Lash at napayuko. "Naku sir sorry. I'm Lash Martin nga po pala tsaka kaibigan ko po yung anak nyo." mabilis na sambit nito na ikinatawa ni Vanessa at ni Mrs. Jasmine Castro. "Then why are you calling her 'Yanna ko'?"

"Pa, tinatakot nyo si Lash e. Tama na." agad na awat ni Yanna na ikinatango ni Vane. "Let's go, tita and tito. Andun sila mama tsaka nandun din sila Rein." agad na kumawit si Vanessa sapagitan ng parents ni Yanna at naiwan silang tatlo. Napakamot lang ng ulo si Lash nang tapikin sya sa balikat ni Ace.

His PropertyWhere stories live. Discover now