#34

2.5K 46 2
                                    


THIRD POV

Palabas na sana si Yanna sa bahay nang mahawakan sya sa balikat ng kuya nya,

"Kumain ka muna bago pumasok, ihahatid na kita." Sabi ng kuya nya pero umiling lang si Yanna sa kanya.

"Hindi ako gutom." Maglalakad na sana ulit sya pero hinigpitan ni Ace ang pagkakahawak sa kanya.

Pinihit nya paharap ang kapatid, "Nung isang linggo ka pa ganto ah, Alyanna! Pwede bang umayos ka?! Naiinis mo na ko e!" dahil kinabukasan ng gabing yun ay ganto na ang pakikitungo ni Yanna sa kanila, kung hindi sasabay sa pagkain, mauuna o magpapahuli ito. Hindi lumalabas ng kwarto at ni di man lang sila kinakausap ng matino. May idea ang kuya nya kung bakit dahil tumawag sa kanya ang mama nila na bantayan si Yanna at kausapin dahil nga may problema yata. At oo, hindi umuwi ang mama nila kahit yung sinasabing 'next week' na ngayong week na e wala pa rin.

"Papasok na ko." Iyon lang ang sinabi ni Yanna sa kanya na mas lalong kinainis ng kuya nya.

"Kung ganyan din ang ugali mo, akyat! Hindi ka papasok!"

"Kuya lang kita at wala kang karapatan para magdesisyon sakin. Papasok na ko." Bago pa sya pigilan ng kuya nya ay mabilis na itong lumabas ng bahay. Inis na sinipa ni Ace ang throw pillow sa sala, "tangna."

*

Pagkapasok ni Yanna sa school ay ganun pa rin ang naging takbo ng class hour nila, puro discussion at pagpapaalala sa kanila ng mga dapat na kumpletuhing requirements. Kung sa kanilang magkakaibigan ay the same pa rin, si Jace? Absent.

"As long as kumpleto lahat ng worksheet and project nyo, okay na kayo sa clearance. Got it?"

"YES MA'AM!"

*krriinggg krrriiingggg~

"Class dismissed. You can now take your lunch." Agad namang naglabasan ang iba sa kanila. Lumapit si Rein kay Yanna na may kinukuha sa bag nya,

"sabay ka samin ng lunch ha?" ngiting sambit nito kay Yanna. Tatanggi sana sya nang napatingin sya kay Vanessa na nakatingin lang din sa kanya. "Sige" iyon na lang ang nasabi nya bago tumayo.

Agad naman syang kinapitan ni Zyrel, "Asarin natin si Lash, tara!" aya nito at hinila na si Yanna papalabas ng room habang kasunuran yung dalawa at si Javi.

Nakatanaw lang si Eric sa kanila most especially kay Vanessa,

"Di mo kakausapin?" tanong ni Mac sa kanya pero nagkibit balikat lang sya. Napailing na lang si Mac sa isip nya dahil imbis na kausapin na ni Eric sa Vane e nakatunganga pa rin at wala yatang balak kumilos. Lahat naman iniiwasan sila pero minsan-minsan ay nakakausap nila si Zyrel at Javi.

"Break na kami pre dahil sa isang dahilan na hindi naman tungkol samin. Bahala na sya, yun naman ang gusto nya e." napalingon si Mac nang magsalita ang kaibigan pero nakatutok lang ito sa cellphone nya, gusto man nyang batukan si Eric e hindi na nya ginawa.

"Tagal mong inintay si Vanessa, bibitawan mo na rin porket bumitaw na? Bahala ka na nga pre." Lumapit na sa kanila sa Keith habang hawak din ang phone nito,

"Kausap ko yung kapatid ni Jace, nasuntok daw ni Tito Gwen at cut ang allowance." Sabi ni Keith sa kanila. Mas lalo ng nailing si Mac. Oo nagalit sila nang malamang may pera nga sa pustahan na yun pero hindi naman ibig sabihin nun e magkakalimutan na sila, magkakaibigan pa rin naman sila. Nung mga nakaraang araw layo muna sila kay Jace at hayaan daw muna sabi ni Keith,

His PropertyWhere stories live. Discover now