#10.2 Facebook

4.7K 88 0
                                    

Yanna's POV

"Hoy Yanna!”

"Aypalaka! " - gulat na sabi ko at tumingin sa kanya. Si Zyrel lang pala. 

"Muntimang ka -__- anyway, kanina pa kita tinatawag pero tulala ka. May problema ka? "  Zyrel

"Ha wala ah. Antok lang ako. E ikaw aga mo ah. " sabi ko. Kung pumasok naman kasi to halos pa-bell na e. Anong oras pa lang kaya. 

"Hmp! Ayokong malate grabe ka! Mahirap na noh! " sabi nito. Oo, dahil paglate ka, pauuwiin ka. Muntik na nga pala sya nung nakaraang araw.

"ah ge." sabi ko na lang, 

"psh, sya dyan ka na, may pupuntahan lang ako. " - sabi ni Zyrel at lumabas ng classroom.

Habang nakatingin ako sa pintuan na pinaglabasan , sya namang pagpasok ng bakulaw este ni Jace.

Umiwas ako ng tingin at naramdaman ko na lang na nakaupo na sya sa tabi ko. Naalala ko nung nakaraang araw yung umabsent ako este kami nang dahil sa kanya. Dinala lang nya kung saan nun pero hindi sya nagsasalita nun, tinanong ko sya once kung bakit pero hindi naman nya ko sinagot. Nginitian lang nya ko tapos iyon na iyon. -___- Pero alam ko may problema sya e kasi pag pasok ko kinabukasan tinanong ako ni Keith kung kasama ko sya. 

At buti na lang di nakarating kay Kuya or kay Ken yung pag-absent ko kung nagkataon wala akong idadahilan. 

*Kring Kring

Saktong bell syang pagpasok ni Vane, ayos 'to ah. Baligtad sila ni Zyrel ngayon. Hay nako.   Pumasok na rin yung adviser namin, naggreet lang kami tapos pinaupo na kami. Bakit kaya tahimik tong lalaking to? Tss. Okay after nung araw nay un, balik na naman sya sa pangbubully at pang-aasar kaya nga nagtataka ko ngayon kung bakit tahimik e. May pagkabipolar talaga tong lalaki na to. 

"So, sa thursday na yung outing, ready na ba? " - panimula ni Ms. Tan

"Yes Ma'am! " sigaw nila. Wait, a-anong outing? Ano to? Bakit di ko to alam? 

"So, ganto. Sa bus, hahayaan ko na kayo kung sino katabi nyo, bahala na kayo.” Huh? Nilingon ko si Vane sa likod ko. “Anong meron?” tanong ko sa kanya. Napapoker face na lang sya at nagsign na mamaya na. Napanguso na lang ako at nakinig ulit kay Ma’am. 

"Oops! Wala muna magrereact. "

"Sa tutuluyan nating house, there are 10 rooms, 3-4 students per room. Kayo ng bahala kung sino ang gusto nyong kasama total 3days tayo doon." Sabi ni Ms. Tan

“So Ma’am, pwedeng girl-boy? Total kahit sino pala pwede e.” nakangising tanong ni Eric. Nagtawanan naman ang mga boys samin at no, exclude Jace. Ayaw ngang umimik e. Nakakatakot tuloy. 

 “Definitely no, Eric.” Sagot ni Ms. Tan. Napanguso naman si Eric at napailing na lang. 

"Hoy. "  

Napalingon naman ako bigla kay Jace nang maghoy sya. Nakatingin sya sakin so for sure ako ang kinakausap nya. 

"Ba't di mo ko pinapansin? " - tanong nito,

"Hah? " napa-hah na lang ako sa kanya na para bang tinubuan sya ng sampung sungay sa ulo. Duh. 

" =___= " sya

His PropertyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora