#26.3

2.5K 50 0
                                    

YANNA'S POV

Pagkapanood din namin ng sine ay nagpasama lang ako sa kanya sa NBS para bilin yung book na gusto ko. After din nun ay nagyaya na kong umuwi dahil masakit na yung paa ko kaya ngayon ay nakasakay kami ng bus pauwi. Dapat ihahatid kami ni Kuya at nung driver nila kaso ako na yung umayaw, gusto ko rin namang magcommute kahit minsan. Hindi naman puno yung bus ngayon ay may ilan ilan pa ngang vacant na pinagpasalamat ko, ayoko rin namang tumayo no.

"Uwi na ba talaga tayo?" napalingon ako kay Jace nang magsalita ito. May halong hesitation yung pagtatanong nya, uhh feeling ko ayaw nya pang umuwi? "Ayaw mo pa ba?" tanong ko sa kanya dahil total naman ay hindi pa kami natiticketan. Okay lang naman sakin na huwag muna dahil hindi pa naman gabi pero sana lang ay huwag lakad ng lakad.

"H-hindi naman." Yun na lang yung nasagot nya sakin at umiwas na lang ng tingin. Nakakabakla naman tong kasama ko oh. "Tss. Oo na, sige na bahala ka na." yun na lang yung sinagot ko sa kanya at pinasak yung earphone sa magkabilang tenga ko pero nakita ko sa peripheral vision ko na ngumiti sya hanggang lumapit na samin yung konduktor.

"Dalawa po sa ASDFGHJKL, estudyante." Narinig kong sabi nya, tss buti pala madadaanan namin yun dahil kung hindi nabambo na kami ng konduktor kung hindi rin naman pala. Kung san sya nagyaya? Sa lugar kung saan nandun yung restaurant nila. Siguro naman nasabi kong may restaurant sila diba? Kung hindi, sinasabi ko sayo meron. Ito rin yung pinagkakaabalahan ng mommy nya minsan pero minsanan lang din magpunta ang mom nya doon, yun ang sa pagkakaalam ko.

"Sa restaurant nyo tayo?" tanong ko sa kanya. Tumango lang sya sakin habang nakatingin sa pagbubutas ng konduktor ng ticket namin. Nang maticketan nya kami ay nagtungo na rin sya sa ibang bagong sakay, babalik yun mamaya pagmagbabayad na.

"Nga pala Jace, bakit marunong kayong magluto or magbake na apat?" tanong ko sa kanya nang maalala ko yung bagay nay un dahil everytime na magkakasama kami ay lagi silang nasa kusina at sila lagi ang nagluluto. Tanda nyo pa bang nagbake ng cake si Eric for Vane tapos si Mac at Jace ay nagbake ng muffins. Si Keith din noon nung sa Laguna ay kasama rin syang nagluto ng lunch, oo nga pala't inabot sila ng lunch samin noon dahil yun ang sabi ng kuya ko. Hapon pa kasi dating ni Kuya kaya nagdecide na rin sila na umuwi ng hapon.

"Our mom loves cooking kaya ayun kahit saang bahay kami nakatambay lagi kaming nakasunod sa kusina tapos tinuturuan kami." Napatango na lang ako sa sinabi nya kaya naman pala e. "tapos minsan lagi kami sa restaurant namin at nagpapaturo sa chef doon till now lagi kaming tambay dun dahil nga libre kami."

"kaya naman pala puro tabs ka." Bulong ko sa sarili ko pero kinunutan lang nya ko ng noo kaya nginitian ko na lang sya. Hindi naman sya mataba or what pero healthy—este yung sakto lang.

"Ano na nga palang balak mo kay Jav---"

"Ayokong pag-usapan." Agad kong putol sa kanya kaya napatango na lang sya at pasimple akong inakbayan. Sa loob din ng dalawang linggo ay ayoko syang pag-usapan, hindi ko alam pero naiinis ako. Naalala ko yung mga pinagsamahan namin nitong fourth year tapos wala kong kaid-idea na sya lang pala. Okay sometimes naiisip kong sya pero tinatanggal ko rin sa isip yun dahil imposible kasing sya--- uh. Ayoko na nga. Tahimik lang ulit kami sa byahe hanggang makarating kami doon, agad din kaming bumaba at naglakad na lang dahil malapit din naman yung restaurant nila sa pinagbabaan namin. Dumaan lang din kami sa back door ng restaurant nila kung saan dun din yung cooking area.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya pero hinawakan lang yung kamay ko at hinatak na. May mga bumabati samin kaya ngumingiti na lang ako habang itong lalaking to ay dire-diretso lang sa paglalakad.

His PropertyWhere stories live. Discover now