#35.2

2.6K 47 2
                                    


Nakayukong pumasok si Yanna at hindi sila napansing dalawa, napatayo naman si Vane at Javi nang maramdamang may kakaiba dito.

"Y-yannababes" tawag ni Vane pero hindi sya nito nilingon. Lumapit na si Javi dito at inangat ang mukha ng kaibigan, matamlay ang mata nito. Halos lahat sila ay nakatingin lang kay Yanna at nagtataka pero at the same ay natatakot dahil iba ngayon ang dalaga,

"Yanna, magsalita ka nga. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Javi dito pero hindi ito kumibo o ni di man lang sya nilingon. Nakatanaw lang ito sa kung saan. Napamura na lang si Javi nang hindi kumibo ang kaibigan kaya tinapik nya ito sa pisngi,

"Come on, speak!" Natatakot na sambit ni Javi dito at ang kinagulat nilang lahat ay agad itong umiyak--humagulgol. Muntik na itong magbreakdown pero agad naman itong nasalo ni Javi. Agad na napatayo ang lahat nang biglang umiyak si Yanna. Wala silang magawa kundi tingnan nila ito dahil unang beses nila itong makitang umiyak ng sobra. Hanggang ngayon ay bakas pa rin ang gulat sa kanilang lahat. Tiningnan ni Cass si Jace na nakatulala lang kay Yanna,

"Yanna's fragile, she is. Sana naman mabalitaan ko sa susunod na kayo na ulit. Excuse me." Bulong ni Cass sa kanya at lumabas ng classroom.

"H-hey tumahan ka na... hush.." pagpapatahan ni Javi pero tuluy-tuloy lang ito sa pag-iyak. Maya-maya lang ay huminto na ito at muntik ng matumba sa pagkahawak ni Javi.

"Dalin mo muna sa clinic." Sabi ni Vane kaya tumango na lang si Javi at binuhat si Yanna na nahimatay. Pagkaalis ni Javi na kasunuran si Vane ay naiwan silang lahat dun na nagtataka,

"Anong nangyari dun? She's--grabe--nakakaawa." Sambit ni Eric pero nabaling din ang tingin nila kay Jace nang may tumawag ito dito. Nagtatakang sinagot ni Jace ang tawag,

"ha?...oo kasama namin... nahimatay sa kakaiyak... ah?... s-sige... sasabihin ko... ... okay.."

"Sino yun?"tanong ni Rein sa kanya. Nilingon naman sya ni Jace at dun lang nila napansin na mapula ang pisngi nito gawa ni Cass. "Si Ken yung pinsan nya."

"san ka pupunta?" tanong nila agad nang aktong lalabas si Jace pero hindi na sila sinagot nito. Naiwan silang tahimik sa loob at mga pawang walang kibo hanggang dumating si Javi at Vane. Tinanong nila kung sino nagbantay kay Yanna sa loob at sinabing nandun daw si Jace. "Bwisit kasi naman nito e! Hinayaan si Jace doon!" asar na sambit ni Vane at padabog na umupo sa upuan pero hindi na sya pinansin ni Javi at naupo sa tabi ni Rein.

"Grabe ano bang nangyayari sa mundo ha? Kanina kung anu-ano nalaman natin kay Jace tapos biglang pasok ni Yanna na umiiyak----wait. Hoy kayong tatlong ulupong totoo ba yun? Can you tell us some kwento nang maintindihan naman namin lahat? Mula kay Yanna, kay Cass, kay Blake and etc!" baling ni Zyrel kila Mac pero mga nagkibit-balikat lang sila. Sinamaan naman ng tingin ni Rein at Vane yung tatlo kaya wala na rin silang nagawa kundi magkwento.

"Grade 5 nagtransfer si Jace sa school namin, anong rason? Wala, pinilit lang nya ang mama nya na magtransfer pero hindi man nya sabihin alam namin na nakonsensya yung lalaking yun. Grade 5 kami nabanggit nya yung ginawang kalokohan nung grade 4 sya pero hindi detalyado." Panimula ni Eric kaya halos lahat sila ay nagtaasan ang kilay. Si Lash naman ay nakikinig lang sa kanila ganundin si Javi.

"Dun din namin nameet si Cass, Cass became our friend. We treat her as a princess kaya ganun ang trato namin kay Cass plus the fact na may hika sya. Ang totoo nyan ang nalaman lang namin is may binully syang bata dati dahil gusto nyang mapansin ito kaso nung nahampas nya ng kahoy yung kaibigan, nagalit sa kanya. Iyon lang talaga. Bully? Ginagawa nya yun kila Yanna para mapansin nga sya pero wala e inborn na yatang bully."

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon