#26.4

2.3K 36 0
                                    

MONDAY

"Sunduin kita mamaya ah." Tinanguan ko lang si Kuya bago ko isara yung kotse. Pagkahatid sakin ni Kuya ay pumasok na ko sa loob ng school at naglakad patungong garden. Tiningnan ko yung relo ko at nakita kong 6:42 pa lang, maaga pa pala pero dumiretso pa rin ako sa garden.

Nung tinext ko si Jace hindi sya nagreply hanggang ngayon pero sana pumunta sya dahil kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko. Nilibot ko ang tingin ko sa school at iilan pa lang yung mga estudyante dito, maaga pa naman kasi.

Pagkarating ko sa garden ay nagulat ako nang makita ko na sya doon. Nakahiga si Jace sa damuhan habang nakaunan sa bag nya, nakatitig lang sya sa langit at parang ang lalim ng iniisip. Akala ko maaga ako, mas maaga pala sya. Lumapit na ko sa kanya, lumingon naman sya nang maramdaman nya sigurong may tao. Agad naman syang umayos at umupo, tumabi ako sa kanya at umupo.

"Bakit mo pala ko pinapunta dito?" normal na tanong nya na hindi man lang ako nililingon. "Tungkol nung sabad—"

"Ah yun ba? Wala yun. Wag mo na lang pansinin yun."

"Jace naman." Iyon na lang ang nasabi ko nang putulin nya ko pero nginitian lang nya ko ng tipid at tumingin ulit sa punong katapat namin. Bumuntong hininga muna ko bago ako magsalita,

"Sorry sa lahat." Panimula ko pero hindi nya ko nilingon. "Sorry kung lagi na lang akong umiiwas. Sorry kasi hindi ko alam na ganun nap ala yung nararamdaman mo. To tell you the truth, hindi ko talaga alam. Wala akong experience sa ganto, hindi ako sanay sa ganto, wala akong alam sa ganto. Kaya sorry kung umiwas na naman ako kagabi."

"Hindi naman ako napipilitan. Hindi ako against na nililigawan mo ko, pinabayaan kita kasi okay lang sakin. Hindi ako yung tipong babae na showy yun tipong navovoice out lahat." Lumingon sakin si Jace kaya nilingon ko rin sya at ngumiti lang ng bahagya, "Hindi naman ako masama para magpaasa."

"Y-you mean" tinanguan ko lang sya at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at tumayo na, "Tara na sa classroom." Aya ko sa kanya at agad na ring naglakad dahil hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa ganto. Maya-maya lang ay naramdaman kong nasa tabi ko na sya at nung tingnan ko sya, nakangiti. Tss. Pagpasok namin sa classroom ay may iilan ilan na ring mga kaklase ko ang nandito. Saktong paglibot ng mata ko sa classroom ay nakita ko syang nakatingin pero umiwas lang din ako ng tingin at naupo na sa pwesto ko. Umupo na rin naman si Jace sa tabi ko at nangulit na naman. Lagi naman syang ganyan. Maya-maya lang ay nagbell na at dumating na yung subject teacher namin ng 1st period. Wala namang nangyaring kakaiba, boring pa rin lagi naman. Hanggang maglast period ng umaga ay ganun pa rin at ubod ng boring. Discussion puro discussion at isa pa naghahabol din yung mga teachers ng lesson kasi nga anong petsa na.

Nung pagtungtong ng lunch ay nagpaalam ako kay Jace na hindi ako sasabay ng lunch dahil kay Lash, yun yung kapalit nya nung tumawag ako sa kanya. Kahit ayaw man ni Jace ay pumayag na rin sya kaya dali-dali na rin akong pumunta kay Lash.

VANE'S POV

Tahimik lang kaming kumakain ng lunch habang si Zyrel at Mac lang yung tanging nagkkwentuhan. Nung nakaraan lang ay sinabi ko kay Rein yung hinala k okay Jace pero it turned out na nalaman ni Rein iyon nung mismong araw na nawala silang lima. Hindi ko alam kung anong mangyayari kay Yanna once na malaman nya ang totoo. Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon, lumayo si Jace kay Yanna kaso laging nakabantay sakin si Eric. Alam na nilang apat yung totoo pero ni isa sa kanila ay ayaw makialam. Sabi sakin ni Rein ay sasabihin din daw ni Jace yung totoo pero hindi, mas mabuting lumayo na lang si Jace sa kaibigan namin.

"Alam nyo nagtataka na ko ha, nung mga nakaraang araw ang tahimik nyo. Hmp." Nakaramdam ako ng tampo at pagtataka sa boses ni Zyrel pero mas mabuti ng hindi nya alam yung nangyayari. Kasi alam ko may consequence rin tong pananahimik naming apat. Once na malaman ni Yanna ang totoo at hindi pa sinasabi ni Jace sa kanya, sasabit din kami.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon