#11.4 Talk

4.2K 79 3
                                    

"AYAN NA REIN!"

"Sht ka Keith! Aaaaaahhh!!"

"Hahahahahaha!"

"Nakakasigurado ba kayo na tama to?! Mamaya mali pala tong lugar na to!! Nakakatakot tae!" Reklamo ni Rein habang nakakapikit sa pinsan nya.

"Ah!"

"Dahan dahan kasi!" Eric at inalalayan na si Vane.

Ugh ang creepy talaga. Pumasok na kami sa gubat, and sila Eric at Vane ang nauuna dahil mukhang alerto naman si Eric sa lahat.

"Tae! Nakakatakot talaga! Ay---"

"bulaga!"

"Waaah! Mommy!!" Nagtawanan kami nang biglang sumigaw si Zyrel at napakapit kay Lash. Ginulat ba naman ni Keith.

"Wala kang magawa Keith! Ayoko na tumuloy dumikit sayo pag gabi! Nagbabagong anyo! Creepy!" Tili ni Zyrel pero lahat kami nagtawanan lang. Kung tutuusin kanina pa nananakot si Keith e, silang dalawa ni Javi. Hindi ko alam na close pala silang dalawa.

Huminto sila kaya huminto rin kami.

"Uh guys. Sa totoo lang kanina pa tayo palakad lakad." Sabi ni Eric. Totoo naman, kanina pa kami palakad lakad. 9:26 pm na, dapat bago mag10 nandun na kami. Nandito na naman kami pero syempre dapat sa pinakaeksakto.

Maya maya lang ay nakarinig kami ng weird sounds. Napakapit ako kay Jace sa takot, tae kinakabahan na ko. Kuyaaaaa helppppp!

Tinignan ko ulit yung paligid, maraming puno madilim. Napapikit na lang ako sa takot at napatingin na lang sa baba.

"Malolowbat na yung phone ko, wala ng flashlight." Pagkasabi ni Vane nun namatay na yung phone nya. Halos lahat ng phone namin dead batt na, at oo lahat kami. Yung kay Mac na lang hindi, hindi talaga pinagamit dahil baka mamaya e magtext si Ms. Tan.

"Magsama-sama na nga, by 3 or 4. Bilis." Sabi ni Vane.

Eric-Vane-Mac

Keith-Zyrel-Rein-Javi

Jace-ako-Lash

"Ang creepy." Nasabi ko na lang pero nakatingin pa rin sa baba. Ayoko talagang tumingin kung saan dahil nakakatakot talaga. Tapos wala pang ilaw sheez.

Naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni Jace. Somehow,i feel relief pero nandito pa rin yung kaba. "Para naman akong chaperone dito." Rinig ko pang angil ni Lash pero maya-maya lang ay naramdaman kong may inabot sya. Lollipop.

"Libangin mo muna sarili mo, yanna ko."

"Hoy Lash, she's mine stop calling her 'yanna ko'"

"Tss. Yung mag-asawa nga naghihiwalay, magshota pa kaya?"

"May problema ka ba?"

"Oo mang-aagaw ka kasi pre. Ako nauna dito sa sisiw na to, tapos ikaw makikinabang?"

Kung di lang ako natatakot ngayon baka nasuntok ko na si Lash ng wala sa oras. Sisiw sya dyan tae.

"pinabayaan mo kasing mag-isa yung sisiw kaya yan pinakain ko, sakin napunta. Ako na gusto e." Mga hayup talaga tong dalawang to, ginawa akong manok. Inis kong sinubo yung lollipop at pumikit habang nagpapatangay kay Jace.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon