#11.3 Obviously

5.2K 100 2
                                    

After naming kumain ng lunch, pinatipon kami sa mini hall. And guess what nandito na yung makulit na ko ng ko after banggitin ang name ko. 

"Nandito na ba lahat?" Tanong ni Ms. Tan. 

"Yes Ma'am!" 

"Okay. Now, i'll explain everything that will happen. Hindi lang to normal na outing na mag-eenjoy lang. This outing will challenge everyone. First day, or today we'll be staying here at this place. Papabayaan muna namin kayo kahit saan kayo pumunta. Let say free kayong gumala kahit saan but make sure na dala nyo ang cellphones nyo, bawal umalis ng nag-iisa. Go by group or go with your friends. No texting us kung pano umuwi or what, memorize the road. No asking questions. Uulitin ko, go where ever you want as a group, mamasyal kayo. Bring your important things. And lastly, wag isilent ang phones. Are we clear?"

"Yes ma'am" may konting sumagot pero yung iba nagtataka. Ako nga rin nagtataka e. Papabayaan lang kami? 

Pagdating namin sa kwarto, umupo muna kami. "Weird. Papabayaan lang tayo?" Tanong ni Zyrel.

"Parang ayoko tuloy umalis, di naman natin kabisado yung daan." Vane at nahiga.

"Challenge." Nasambit ko. Napatingin naman sila sakin. 

"I mean, diba sabi ni Ms. Tan this outing is a challenge. So it means.."

"Hindi nya tayo hahayaang mamasyal lang. This is not a free day! For sure meron to mamaya!" Rein. 

"Got it -____-. Full charged ba cp nyo?" Vane. Tumango lang kami. 

"May pakiramdam ako na ewan. Dalin nyo yung importanteng gamit nyo tsaka extra clothes or jacket." Sabi ni Rein. Sumunod na naman kami. Ano bang klaseng outing to? Tsk. 

Habang nag-aayos kami ng gamit may kumatok sa pinto. Binuksan naman ni Zyrel tutal sya malapit. 

"Bakit?" tanong ni Zyrel. Pagtingin ko sila Jace. Pumasok sila sa kwarto namin, mga nakasakbit na sa kanila yung bag nila. 

"Anong laman ng bag nyo?" Tanong ni Rein habang nagpoponytail. 

"Extra clothes." Maikling sagot ni Mac at humiga sa kama. 

"So anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Vane. Umupo sa tabi ko si Jace. 

"Wala. Ano. Samin kayo sumama mamaya." Sagot ni Eric. Nagtanong tanong pa sila ng kung anu-ano at nagkwentuhan dun sa sinabi ni Ms. Tan. 

Kumuha ako ng extra clothes, isang jacket, shirt at harem pants. "Ako na magdadala nyan." Sabi ni Jace at inagaw sakin yung damit ko at nilagay sa bag nya. Nagkibit balikat na lang ako. 

"Palagay na rin to." Sabi ko at abot ng wallet ko sa kanya. Nilagay naman nya. Wala na kong bibitbitin, ayos!

"Tara na guys." Aya samin ni Rein.

Lumabas na kami ng kwarto at bumaba. Yung iba rin naming kaklase paalis pa lang."Satin daw sasabay si Javi at Lash." Sabi ni Zyrel. Nauunang maglakad yung apat. Kaming babae ang magkakasabay.

"Nasan daw?" tanong ko pero maya maya lang ay nakita na namin yung dalawa. 

"Hi Yanna ko!" Naalala ko yung dare kanina. Nginitian ko lang sya nang mapansin kong nakatingin si Vane sakin at nakangisi. 

His PropertyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum