#31.2

1.9K 40 1
                                    

THIRD POV

*FLASHBACK (SATURDAY)

Sinabi na lang ni Rein kay Vanessa na pabayaan muna si Yanna at tsaka na lang nila kausapin. Nagtataka man si Zyrel at Javi ay hindi na sila nagtanong kung anong nangyayari. Napagdesisyunan na muna nila na pumuntang ospital para alamin ang kalagayan ni Cass.

Pagkarating nila sa ospital ay saktong papasok pa lang si Jace sa loob, lumabas daw ito para tawagan yung mama nya. Sabay na silang lima na pumasok sa loob ng kwarto ni Cass at nakita nilang itong nakatawa gayundin din sila Eric.

"Oh bakit?" tanong ni Zyrel sa kanila pero nagkibit balikat lang sila na nandun sa loob.

"Look guys, sorry sa nangyari kanina ha?" agad na ngiting sabi ni Cass pero agad na lang din silang tumango at hindi na lang kumibo. Napalingon si Eric sa girlfriend nya na nakatingin lang sa lapag at mugto ang mata.

"Nasan si Yanna?" tanong ni Cass habang tinitingnan sila pero umiling lang ng tipid si Rein kaya halos lahat na nandun ay mga nagkunutan ang noo.

"Tsaka bakit parang umiyak ka yata, Vane?" nagtatakang tanong ni Lash habang nakaupo ito sa bed ni Cass.

Ngumiti lang ng tipid si Vanessa pero hindi rin nya napigilang hindi umiyak, pagkangiti nito ay nawala rin agad at agad na kumawala ang luha sa mata nya.

Nanlaki naman ang mata ni Eric at agad na lumapit dito, "huy tangna bakit ka umiiyak?" Pero sa tanong nyang yun ay lalo pang naiyak si Vane kaya nayakap na lang ito ni Eric at pilit pinapatahan.

Nagtataka silang tumingin kila Rein, "anong nangyari? Nasan si Yanna?" Agad na tanong ni Lash kila Rein.

"Umalis? Umuwi?" Patanong na sagot ni Zyrel sa kanya.

"Bakit hindi ka sigurado?" Nakakunot na tanong ni Jace sa kanya pero nagkibit balikat lang si Zyrel. Nakatahimik lang silang lahat at tanging pag-iyak lang ni Vanessa ang maririnig. Tumayo muna sa pagkakahiga sa sofa si Keith at pinaupo ang mga babae dun. Napalingon naman silang lahat kay Zyrel nang sabihin nitong hindi sinasagot ni Yanna ang tawag nya,

"Pabayaan nyo muna sya. May nagawa syang mali kaya--" hindi na natapos ni Jace ang sasabihin nya nang putulin ito ni Vanessa na kakatahan lang.

"PABAYAAN? SIRAULO KA BA? ALAM MO BA KUNG BAKIT HA?!"

"Ho-hoy sandali, ospital to!" Agad na awat ni Mac. Magsasalita pa sana si Jace nang magsalita si Vanessa,

"Oo nga't may kasalanan si Yanna pero alam mo ba kung bakit sya umalis? Umalis sya kasi alam nyang may alam kami! Nakakaramdam na yung kaibigan ko e! Galit sya samin kaya 'wag ka ring magtaka kung layuan ka nya dahil kasalanan mo naman talaga. Hindi mo pa nga sinasabi pero ano ng nangyayari ha?"

"Omygee. This is my fault! Sorry. Nadulas ako kanina habang magkausap kami. Sorry talaga. I accidentally mention na meron syang di pa alam. Gosh. Sorry talaga. I didn't mean to. Sorry talaga." Paulit ulit na humingi na nagsorry si Cass nang maalala ang bagay na yun.

"Okay lang yun. Hindi mo naman kasalanan. Kasalanan ng gagong to." Agad na sabi ni Vane at lumabas ng room. Agad din naman sumunod si Eric dito.

"Ho-hoy Jace san ka pupunta?" Agad na tanong ni Keith nang aktong lalabas din si Jace pero hindi man lang sya nito nilingon. Napakamot na lang ng ulo si Keith at Mac dahil ang alam nila ngayon ay may bad aura ang kaibigan nila, tatlo ang nasa isip nila kung san pupunta si Jace. Kundi sa 66D sa tambayan nila o kay Yanna.

His PropertyWhere stories live. Discover now