#24.2

2.5K 58 4
                                    


VANE'S POV

"Dun muna kami sa labas ha! Laro tayo!"

"Sama kami!"

"Hoy Cass-nget tara!" hila ni Lash kay Cass.

"Hoy ano ba?!" pero dahil nga isang makulit si Lash ay nahila nya na si Cass. Pumunta agad sila sa labas para maglaro ng arcade kaysa raw maupo lang dito. Actually kakatapos lang naming kumain pero agad na rin silang lumabas. Hindi na ko sumama kasi masama ang timpla nitong asungot na to. Ang natira lang dito ay ako, asungot, isa pang asungo—este si Jace, Darex, Russel and Ashley. Katapat ko lang si Darex at si Russel kaya kami ang nagkkwentuhan plus si Ashley. Yung dalawa tahimik lang, IDC.

"You're kind pala Darex noh?" sabi ni Ashley sa kanya at ngumiti lang si Darex.

"Right. Kung makukuha mo si Yanna okay lang sakin! I blessed you na!" natatawa kong dugtong at nakaramdam ako ng higpit sa hawak ni Eric. Bros again. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, I mean okay naman pala talaga si Darex e.

"me too! But sorry to tell you mas bet ko ang loveteam ni Yanna at Jace." Napanguso ako sa sinabi ni Ashley.

"hindi naman sila noh." Epal ko at mas nakaramdam pa ko ng higpit sa kamay. Napailing na lang samin si Darex pero nakangiti pa rin. Tiningnan ko si Russel at nginuso nya si Jace. Tiningnan ko naman to pero inirapan lang ako. Hmp.

"fine total may Cass naman si Jace. Speaking of Cass, I don't know ha pero may something sa kanya." Sabi ni Ashley kaya tiningnan ko sya. Uminom muna sya ng iced tea at nagtuloy sa sinasabi nya,

"Yea she's kind pero I don't know talaga, meron talagang kakaiba sa kanya. I wanna know what it is pero lagi syang nakadikit kay Jace parang linta e."

"Is it right to talk about Cass kahit nandito kami?" malamig na tanong ni Jace. Hindi sumagot si Ashley, hindi rin ako kumibo. Why do I have the feeling na lagi nga syang kampi kay Cass? Ano nga bang meron kay Cass?

"You better stop thinking nonsense about Cass." Dugtong ni Eric.

Nagsigh si Ashley at sumagot, "I'm just telling the truth besides bakit ba overprotected kayo dyan kay Cass? Kanina ko pa napapansin ha." Akala ko ako lang ang nakapansin kanina nun pero everytime na sasakay kaming rides lagi silang nakatanong kay Cass na kaya mo ba or what, minsan nga ring ayaw nilang pasakayin si Cass.

"I'm just pointing out na bakit puro Cass kanina? Haler, there's Yanna na super tahimik kanina pa! Kung hindi nagsalita si Darex kanina Jace won't notice na wala si Yanna kasi busy kayo sa 'Cass' na yan and so on. He's courting her pero hindi man lang sya gumawa ng way para hatakin si Yanna. Hindi ko lang maiwasang magcompare at sabihin yung nanotice ko kanina." Mahabang paliwanag ni Ashley. Wala namang mali sa sinabi ni Ashley dahil tama naman ang lahat. Kahit may pagkaarte si Ashley, she speaks na may katuturan.

"Baka naman may rason kung bakit diba? 'wag ka na lang magsalita Ashley baka ikaw pa ang sumama." Napatingin ako kay Russel nang magsalita sya. Okay? What was that? Bakit parang kampi sya sa kanila? Bakit feeling ko may alam sya? Napansin ko rin kasi kanina na minsan ko silang nakitang nagtatawanan ni Cass nang magkasabay sila sa paglalakad. Ngayon lang sila nagmeet pero bakit parang close sila?

Si Darex ay tahimik lang na nakikinig. Napalingon ako kay Ashley nang padabog nitong binaba ang baso nya at tiningnan si Russel, "so you're on their side na? Come on Russel, are you crazy?!"

Hindi na lang nagsalita si Russel at umiwas ng tingin. Tiningnan ko si Eric dahil alam kong magsasalita sya. "Stop right there, Ashley. Kung naiinis ka kay Cas---"

"I'm not! Wala akong sinabing ganyan, ang sinasabi ko lang is bakit puro kayo Cass? Cass here, cass there, cass everywhere. She became may friend too pero duh, bakit naman ganto? This is really crazy. Damn." Padabog na tumayo si Ashley at umalis. Naiwan kaming tahimik na apat. Kanina nag-uusap lang kami, ngayon may tension na. Napabuntong hininga na lang ako at tatanggalin na sana yung kamay ni Eric pero hinigpitan nya yun at sinamaan ako ng tingin. Magsasalita n asana ko nang unahan nya ko,

"kung ayaw mong mag-away tayo, mananahimik ka dyan." Inis nyang sambit. Nagulat ako sa sinabi nya--- hindi. Kung paano sya magsalita. This is the first time na sabihan nya ko ng ganto and the fact na tungkol lang to sa kanina? Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang nakaramdam ako ng inis---galit sa dibdib ko. This is the very first time na feeling ko may sasabog sa dibdib ko.

Hindi ako nagsalita pero tinanggal ko yung pagkakahawak nya sakin at tumayo. Naglakad na ko paalis dun at hindi sya nilingon kahit naririnig ko na tinatawag nya ko. Bakit naman ganto?!

"Uy Vane, umalis si Ashley at di kami pinansi—ah?" hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsalita nang makasalubong ko silang pabalik na sa kinainan namin. Nabbwisit ako yun lang ang alam ko.

THIRD POV

Nagtatawanan silang naglalakad pabalik sa kinainan nila nang makasalubong nila si Ashley. Unang pumuna si Mac, "Uy Ashley! Tara mamaya sa jungle log jam! Uy uy! San ka pupunta?" napahinto sila at nakatanaw lang kay Ashley na hindi man sila tiningnan at nilagpasan na lang. Nagtataka silang lahat kung bakit nagkaganun yun,

"Anong nangyari dun?" pare-pareho nilang tanong pero hindi na lang nila pinansin at dumiretso ulit sa paglalakad. Kung kanina nagtatawanan sila, ngayon iniisip nila kung bakit ganun si Ashley. Sakto namang papasok na sila nang si Vane naman ang lumabas. Si Lash ang pumuna dito,

"Uy Vane, umalis si Ashley at di kami pinansi—ah?" napanganga na lang si Lash nang lagpasan sila ni Vane at di rin sila pinansin. Nagtataka silang bumalik sa table at nakita nilang tahimik ang apat,

"anong nangyari?" tanong ni Cass sa kanila pero ni isa sa kanilang apat ay walang sumagot. "May nangyari ba?" nagtatakang dugtong ni Rein pero wala ulit sumagot pero tumayo na si Eric at nilagpasan ulit sila.

"Oh sinong susunod na magwwalk out?" bored na tanong ni Keith pero hinampas lang sya ni Zyrel sa likod nito. Tumayo na si Russel,

"tara na?" aya nito at ngumiti ng tipid. Tumango na lang sila kahit nagtataka sila. Tahimik lang silang naglakad palabas at pawang mga di alam kung sasakay ba ng rides or what.

Lalapitan na sana ni Cass si Jace nang hatakin sya ni Lash. "Cass-nget, dito ka lang." napairap na lang si Cass kay Lash pero hindi naman sya umalis sa tabi ni Lash. Ngayon kulang sila ng apat kaya mga nakatanga lang sila sa gilid ng rio grande. Maya-maya lang ay sinubukan ni Rein tawagan si Yanna at sinagot naman ito.

"Yanna, nasan ka?" tanong ni Rein kaya nalingon si Jace sa kanya.

"Bakit?" napakamot na lang ng ulo si Rein nang magbalik ito ng tanong. Tahimik lang silang lahat at pinapakinggan si Rein. "nakaupo lang ako sa bench, why?" dugtong nito.

"Sakay kami ng rides, punta ka dito. Malapit lang kami sa rio grande."

"Ah? Kayo muna. Sunod na lang ako mamaya."

"Hah? Bakit naman?"

"Basta. Sige na. Bye. Tawag na lang ako mamaya. *toot toot*" wala ng nagawa si Rein nang ibaba na ni Yanna ang tawag.

"Anong sabi?" tanong ni Zyrel pero umiling lang si Rein.

"Ano ba talagang nangyari, Jace?" tanong ni Rein kay Jace pero hindi naman sumagot si Jace. Tiningnan nya sila Darex pero hindi sila sumagot. Napasabunot na lang ng buhok si Rein, "grabe, nice talking."

"Oh san ka pupunta, Jace?" tanong nila nang maglakad si Jace pero hindi sila sinagot ni Jace. Napabuntong hininga na lang silang lahat sa mga inasta ng mga kasama nila.

"Grabe talaga. Oh sinong susunod? Bilisan na." asar na sabi ni Rein pero inilingan lang sya nilang lahat.

"Tara rides na lang! Nakakastress!"

Yp7e}��vM��

His PropertyWhere stories live. Discover now