#24.3

2.5K 48 3
                                    


VANE'S POV

Hindi ko sya pinansin nang maramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Hindi ko alam kung pano nya ko nakita dito tsk. Bahala sya sa buhay nya.

"Vanessa naman." Narinig kong sambit nya pero hindi ko sya pinansin. Naramdaman kong hinawakan nya yung kamay ko kaya agad kong hinila to. Ang kapal ng mukha ha!

"Sorry na. 'Wag ka namang ganyan, babes." Wow ha. Wow talaga. Tatayo na sana ko at balak syang layasan nang mahablot nya ko.

"Sorry na please? Di ko naman sinasadya yung kanina e. Kaibigan namin si Cass kaya ganun na lang yung---"

"Manahimik ka na lang pwede?" inis kong putol sa kanya. Napabuntong hininga na lang sya at nanahimik. Totoo, naiinis talaga ko. Ang hindi ko lang may naintindihan e bakit sila ganun makareact kapag kay Cass na at bakit ba lagi na lang nyang pinagtatanggol si Jace? Ano sya bakla? Okay fine, it's just that lagi na lang syang kampi kay Jace. Every time na lagi akong eepal kay Jace ay lagi nya kong pinagsasabihan. At sa totoo lang ang kinaiinis ko ngayon is about yung kanina sort of oo pero hindi talaga.

"Mag-aaway ba tayo dahil lang dito? Vanessa naman kausapin mo naman ako oh." Narinig kong sambit nya pero hindi ko sya pinansin. Mag-aaway nga ba kami dahil dito?

"Fine. Don't talk pero pakinggan mo ko." Dugtong nya. Hindi na lang ako kumibo at hinayaan syang magsalita.

"Cass is our only girl friend, Vane. Ngayon lang ulit kami nagkita kaya ganun na lang ang pagpansin namin kay Cass. she's sick, she have an asthma for pete's sake kaya ganun na lang ang pagtatrato namin sa kanya kanina." Asthma? She have asthma? Napakagat na lang ako ng ibabang labi ko nang mapagtanto ko na oo nga kasi nahihirapan syang huminga kanina and she excused herself na pupunta lang syang cr na kasunuran naman si Jace, maybe sa inhaler.

"I know si Ashley lang ang dada ng dada pero alam ko yung tumatakbo sa utak mo Vanessa. You kept on telling na bakit sya na lang lagi yung kinakampihan kung bakit ganto bakit ganyan. Gusto ko lang linawin sayo na kaibigan namin si Cass, mahal namin yung babaeng yun kasi kaibigan namin."

"Kung pinagdududahan mo si Jace, stop it. Alam mong malakas ang tama nun kay Yanna kaya wag mong ipamukha sa kanya na kay Cass na lang sya. Kung sa tingin mo na sasaktan lang nya yung kaibigan mo para mo na lang din syang sinaktan. Kilala ko si Jace, Vanessa." Alam nyong hindi ako sanay sa gantong usapan, mas sanay ako sa lokohan.

"Ayoko lang naman na masaktan yung kaibigan ko." Mahina kong sagot sa kanya. Kasi alam ko ang pinagdaanan ni Yanna. Sobra na syang nasaktan, diba dapat lang na protektahan ko sya?

"If Cass is sick, Yanna's fragile. Hindi nyo naman kasi kilala si Yanna." Napakagat na lang ako sa labi nang maalala ko ang mukha ng kaibigan kong umiiyak. Yumuko na lang ako at napalobo ng pisngi dahil nagbabadyang tumulo ang luha ko. Hindi nyo kasi alam kung ano yung mga pinagdadaanan nya. Hindi nila alam kung gaano sya nasasaktan.

"I'm sorry."

"Ayoko lang namang masaktan yung kaibigan ko, Eric. Masama ba yun?"

"S-sorry." Pinunasan ko kaagad ang luhang kumawala sa mata ko. Sheez. Dumidilim na. Naramdaman kong hinawakan ni Eric ang kamay ko.

"Humarap ka nga sakin, Vanessa." Inilingan ko sya pero dahil nga isa rin syang makulit ay hinawakan nya ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

"I'm sorry. 'wag na natin tong palakihin pa please? 'wag na lang tayong makialam. Please?" tumango na lang ako sa sinabi nya at ngumiti naman sya sakin. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Okay na. Sorry din." Sabi ko sa kanya.

Napailing na lang ako nang maalala ko ang nakita kong litrato noon. Hindi naman siguro masamang magtanong diba? Gusto ko lang naman makasigurado e. Kung tama nga ang nakita ko, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Eric, can I ask you?" nakita ko sa peripheral vision ko na tumango sya at tiningnan ako. Itatanong ko ba?

"Saan nag-aral si Jace ng elementary before sya nagtransfer?" kasi sa pagkakaalam ko nagtransfer lang si Jace. Kumunot naman ang noo nya pero sinagot pa rin nya ako.

WTH.

His PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon