#25.1 Wheel of Fate

2.4K 46 0
                                    


WHEEL OF FATE

"Pucha akala ko mamamatay ako sa jungle log jam!"

"Nabasa lang ako e! Makaulit na lang sa space shuttle!"

"Ingay nyo ha. Tara wheel of fate na lang, last na to then uwi na." Pagyayaya ni Rein sa kanila at hinatak na yung dalawang magulo, particularly Mac and Lash. Kasama na rin nila yung apat pero napansin nila na parang wala sa katinuan si Vane at si Eric na halata ring nagtataka sa kinikilos. Si Yanna ganun pa rin pero si Ashley hindi pinapansin yung tatlo. Hindi na lang sila kumibong lahat at pinabayaan na lang yun.

Nakapila na sila ngayon sa wheel of fate at pawang mga magugulo pa rin na pinapangunahan pa rin nilang dalawa, "sino sino magkakasama?" Tanong ni zyrel kaya mga nagtinginan silang lahat at nag-isip.

"Kami ni Vane." Sabi ni Eric

"Zyrel tayo magsama ha!" Jack

"Ako rin!" Mac

"Kami ni Rein" Javi

Nang sila na ay agad na pumasok sila Zyrel-Mac-Jack, sumunod don ay si Javi-Rein-Keith, Eric-Vanessa, Darex-Russel-Ashley, Cass-Lash at Yanna-Jace.

"Taena! Ang gandaaaa!~" sabay na react ni Mac at Jack nang makataas na sila. Napairap na lang si Zyrel sa kanila, "linya ko dapat yan ha? Mga baklang to oh!"

"Grabe! Sa gwapo kong to? Bakla?!" Agad na sambit ni Mac at nginisian si Zyrel. Naglikot likot si Mac at agad na nanlaki ang mata ni Zyrel, nakuha naman agad ni Jack yon.

"Hala Zyrel! Matatanggal ata yung turnilyo! Halaaaa!" Gatong ni Jack kaya mas lalong kumapit si Zyrel sa inuupuan. "kyaaaaahhh! Mama!" Sigaw nito kaya tawa ng tawa yung dalawa at nagawa pang mag-apir kahit na natatakot na yung nasa harap nila.

Sa kabila naman ay pawang mga nakatanaw lang sila sa labas at pinagmamasdan iyon.

"Uwi ka rin ba don?" Tanong ni Keith kay Javi. Tumango lang si Javi habang nakatingin parin sa baba. Nakatanaw lang sa kanila si Rein ngayon,

"Magkita kaya kayo?" Nagshrug lang si Javi.

"Grabe uso magshare." Inis na sabi ni Rein sa kanila pero nginisian lang sya ni Keith. Siguro kung pwede lang bumaba ay bumaba na sya dahil hindi sya makarelate sa dalawa kaya ang ginawa na lang nya ay nagpicture ng nagpicture.

Sa kabila ay si Eric at Vanessa na tahimik pa rin. Bumuntong hininga muna si Eric at kinausap si Vanessa,

"ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?" Umiling lang agad si Vanessa sa sinabi ng kasama nya at nginitian ng tipid,

"Ang ganda." Yun na lang ang nasabi nya nang lumingon ito sa baba. Tinitingnan lang sya ni Eric at iniintay itong sumagot. Napabuntong hininga na lang si Vane nang hindi man lang umiba ng lingon si Eric kaya nilingon nya na ito,

"Bakit mo ba tinanong kung san nag-aral si Jace dati? Ano bang meron dun at bigla kang nawala sa sarili mo?" diretsong tanong ni Eric dito pero inilingan lang sya ni Vane at patawang sumagot,

"Wala, pumasok lang sa isip ko yung tanong na yun. Dun kasi ako nagtransfer ng grade 4 kaya nagulat ako."

Tinitigan lang sya ni Eric na parang hindi pa convinced, "oo nga, promise." Ngiti pa ni Vane sa kanya kaya tumango lang si Eric at hindi na muling inisip yun.

"Tara picture tayo!" aya ni Vane sa kanya kaya tumabi si Eric dito.

"Seriously Darex? Mag-iintay ka lang?" di makapaniwalang tanong ni Ashley kay Darex. Tumango lang si Darex habang si Russel ay tahimik lang sa tabi.

"Ayoko na ng gulo."

Napairap na lang si Ashley sa sagot ni Darex sa kanya, "kung mag-iintay ka lang for sure mapupunta na talaga si Yanna kay Jace. Make a move, man."

"Akala ko ba boto ka kay Jace?" sabat ni Russel pero napanguso lang si Ashley.

"What if mas better pala si Darex diba? May Cass naman si Jace e." Nangisi lang si Russel sa sagot ni Ashley dahil sinasabi lang ng babae to na ganto dahil nga kay Cass.

"Jace and Cass are just friends. Magkaibigan lang, trust me." Tiningnan ng mariin ni Ashley si Russel. "Trust you? No way! E kung makadikit nga si Cass kay Jace parang uhh!"

"Don't judge Cass."

"Yea whatever basta Darex friendly reminder lang, kumilos ka dahil wala kang mapapala kung tatanga ka lang." baling ni Ashley kay Darex. "Right Russel?"

Napatsk lang si Russel at sumang-ayon kay Ashley, "tama naman sya, pre. Kung gusto mo talaga si Yanna, makipagkompitensya ka na dahil simula pa lang alam na ni Jace na kaagaw ka."

Magsasalita na sana si Darex nang unahan sya ni Russel,

"pero pre usapang lalaki ha? Huwag kang maging gago kung ayaw mong mapatay kita. Si Yanna ang usapan dito."

Sa kabila naman ay halos puro sagutan na lang ang nangyari at bangayan, "Bakit mo ba ko hinatak ha? Napakaepal mo talaga uh!" halos sumabog na sa inis si Cass pero nginisian lang sya ni Lash,

"E sa gusto kitang kasama e, masama ba ha?" at kumindat pa si Lash dito na mas lalong kinainis ni Cass.

"Oo masama lalo pa't sayo! Ugh!" kulang na lang ay sabunutan na ni Cass si Lash sa inis pero tinawanan lang sya ni Lash na para bang mas lalong nang-aasar pa.

"Nakakatawa ka talaga, Cassnget. *laughs* Para ka ng baliw sa inis mo!"

"Stop calling me Cassnget! Ano bang problema mo ha?" inis na tanong ni Cass dito kaya nagseryoso si Lash. Nailang naman si Cass nang biglang naging seryoso ang mukha nito.

"O-oh bakit?" kinakabahang tanong nya nang unti-unting lumapit ang mukha ni Lash sa kanya. Tila nahypnotize sya sa titig ni Lash at di man lang magawang itulak. Nang inch na lang ang layo nila ay ngumisi si Lash,

"Panget mo talaga." At humagalpak ng tawa si Lash.

"Layne?" napalingon si Yanna kay Jace at tinaasan ng isang kilay. Ngumiti lang ng bahagya si Jace, "Sorry kanina ha?" kumunot naman ang noo ni Yanna.

"Bakit?" umiling lang si Jace sa kanya at nanahimik ulit. Nakatanaw lang sila sa labas hanggang maramdaman nilang nasa tuktok na sila.

"Layne, I asdfghjkl yadljkd hkl-ne"

*booom booom*

Nakamasid lang si Layne sa fireworks habang nakangiti. "Wow." Nasambit na lang nya dahil sa ganda at idagdag pa ang mga ilaw sa baba.

Napabuntong hininga na lang si Jace nang alam nyang hindi narinig ni Yanna ang sinabi nya.

Wb������

His PropertyWhere stories live. Discover now